HC 25

17 7 0
                                    

✿*:・゚𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 𝕿𝖜𝖊𝖓𝖙𝖞-𝕱𝖎𝖛𝖊: 𝕲𝖍𝖆𝖘𝖙𝖑𝖞 𝕾𝖎𝖙𝖚𝖆𝖙𝖎𝖔𝖓゚・:*✿

Naalimpungatan ako dahil sa mga kaluskos na naririnig ko. Nang tuluyan na akong nagmulat ay roon ko lang napagtanto na wala ako sa sariling silid ko sa HCU.

Pinakiramdaman ko ang paligid, hindi ito isang pangkaraniwang lugar lamang dahil mas malala pa ito sa nakikita ko sa university.

Ang dingding ay mukhang metal, malawak ang lugar at nakakahindik na mga tunog ang aking naririnig. Marami ring mga kagamitan ang naroon at nagulat ako dahil ang mga iyo'y pinag-eksperimentuhan na.

Ang huli kong naaalala ay may tumurok sa aking leeg kaya nawalan ako ng malay at napadpad ako rito sa lugar na ito.

Akmang kikilos sana ako para makatayo nang hindi ko magawa dahil nakatali pala ako sa parang isang metal na tali. Ginawa ko na ang lahat para mapakawalan ako pero naubos lamang ang lakas ko kaya napabuntonghininga ako at pumikit ng mariin.

This wasn't the plan I expected to happen. Not the other way around.

Hindi ako sumigaw para humingi ng tulong dahil alam kong ililigtas nila ako, marahil pinagpaplanuhan na nila kung paano nila ako ililigtas sa peligrong ito.

Biglang may narinig akong mga tinig na nag-uusap at papalapit iyon dito. Pinakinggan ko pa muna iyon ng maigi hanggang sa maging klaro na iyon sa pandinig ko at doon ko naisipan na magpanggap na wala pa ring malay. Nakayuko lamang ako katulad ng kanina no'ng nagising ako.

Nakarinig ako ng yapak ng paa at doon luminaw sa pandinig ko ang pinag-uusapan ng nilalang na 'to. Hindi ako umimik at nanatiling nakikinig lamang sa mga pinagsasabi nito.

"Yes, everything is in order, master. As what you have said, we'll be going to start a war with them even if they will accept it or not. At, mapapakinabangan natin ang babaeng itong nadakip ko, master, kasi sabi mo eh. Baka nga manalo tayo sa labanang ito dahil sa kan'ya at pagkatapos no'n, 'saka niyo siya papatayin," anito base sa narinig ko. Pamilyar ang boses nito na sigurado akong narinig ko ito noon.

"Good, then. Make sure she'll listen to you in everything that you said for the battle," sabi ng kausap nito.

"Okay, master," anito at pagkatapos no'n ay nakarinig ako ng paglapag ng isang bagay bago ko narinig ang paglalapit ng yapak ng paa nito sa 'kin.

Nakaramdam ako ng presensiya malapit na malapit sa 'kin. Marahil siguro ay yumuko ito.

"Hmm, ano kaya ang gagawin ko sa 'yo para mapasunod kita sa gustong mangyari ni master para sa labanang ito laban sa mga kasama mong estupido at estupida?" Tanong nito.

"Isang pagkakamali na pumunta ka pa rito sa mundo ng HC, Katana Kuiper. Issng pagkakamali na naging isa ka sa mga pumoprotekta ng walang saysay niyong mga HCians pati na ang pinunong namamalakad sa inyo. Magsisisi ka rin sa huli dahil sa iyong naging desisyon," anito.

Nagulo ang isipan ko dahil sa mga sinasabi nito. Paano nito nalaman ang pangalan ko? Paano nito nalaman na taga-mundo ako ng mga tao? Paano niya nalaman ang lahat ng ito? Hindi ko maintindihan ang lahat ng iyon.

Nilabanan ko ang aking sarili para mulatin ang aking mga mata at komprontahin ito sa nais nitong sabihin.

Nakarinig ako na lumayo ang yapak ng paa nito pero nararamdaman ko pa rin ang presensiya niya rito sa malawak na lugar na ito.

Pumikit na ako ng mariin, bumabagabag ang kan'yang mga sinasabi sa isipan ko at hindi ko na kaya pang magpanggap na walang malay. Minulat ko na ang aking mga mata.

Pagkamulat ko sa 'king mga mata ay bumungad sa 'kin ang kan'yang asul na kapa. Napakunot ako ng noo dahil pamilyar ang postura nito sa 'kin.

Hindi kaya. . .

Horos University: School of Horoscope Abilities | ✓Where stories live. Discover now