HCU: Epilogue

73 8 0
                                    

✿*:・゚𝕷𝖆𝖘𝖙 𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗: 𝕱𝖔𝖗𝖌𝖊𝖙𝖙𝖎𝖓𝖌 𝕬𝖓𝖆𝖒𝖓𝖊𝖘𝖎𝖘゚・:*✿

"Ky..." I called his name out of nowhere.

Sa hindi malamang dahilan ay biglang uminit ang magkabilang sulok ng mga mata ko habang nakatingin sa lalaking ito na nasa harapan namin.

Napatingin naman siya sa direksiyon kung nasaan ako ngayon. Mas lalo pa siyang lumapit sa 'min.

Lumapit sa kan'ya ang mga kaibigan namin at niyakap siya 'saka nakipagbatian ang mga ito sa kan'ya at gano'n din siya sa mga ito. Pagkatapos no'n ay nilingon niya ako ulit at nagsalita.

"Nice to meet you again, Captain Aez," nakangiting bati niya sa 'kin.

In just a snap, my face is now buried in his chest and wrapped my arms around him. Doon ako nagsimulang humikbi.

Naramdaman ko namang may humawak sa likod ko kaya alam kong ginantihan niya ako ng yakap.

"I-I thought you actually betrayed us completely, Ky," I said in between my sobs. I heard he chuckled.

"I will never do that to you and to others, Aez. Even if my blood is related to them, I still won't do anything to be in danger," aniya.

"Nakakainis ka talaga, alam mo ba 'yon?" Tanong ko. Napatawa ulit siya.

"'Wag ka na ngang umiyak, pumapangit ka na tuloy," pangungutya niya.

Dahil sa inis ay humiwalay ako sa pagkakayakap ko sa kan'ya at nginiwian siya. I wipe my tears with my bare hands after that. Natawa naman ang mga kaibigan namin, including Tryx and Javin.

"Anyway, saan na nga pala ang iba? Si Crece?" Tanong niya mayamaya habang sinusuri niya ang lahat ng nasa loob ng opisina ni Countess Zelena.

"They're on their way, SC. Santreille. But SC. Dioryn won't be able to attend our briefing for the important mission you're going to accomplish," seryosong sinagot ng countess si Ky kaya napatango naman ito.

Speaking of Ryf, I want to talk and stay beside him later. Nakaka-miss na ang pagkakaroon namin ng oras sa isa't isa. And besides, this . . . is the last time we're going to make our time together, just us, and after that, we'll bid good byes . . . for good.

Pagkaraan ng ilang segundo ay bumukas ang pinto at pumasok sila Maui, Eidre at Crece. Nakita ko pang nagulat silang tatlo nang makita nila si Ky na nakatingin din sa kanila. Lalong-lalo na kay Crece, napalitan ang pagkagulat niya ng pagliwanag ng mukha at lumapit siya kay Kyron 'saka siya yumakap sa kaibigan ko.

Hindi ko na lang sila pinansin, maging gano'n din ang mga kaibigan ko dahil mangungumusta lang din 'yon sa kaibigan ko at gagawin ang dapat gawin sa magkasintahan.

"We'll start the briefing right now," anunsiyo ni Countess Zelena kaya ang lahat na ay seryosong nakatutok na sa kan'ya.

May pinakita siya sa 'ming malayang dahon sa hologram at pinaliwanag niya kung ano ang nakapaloob niyon. Ngayon ko lang din napagtanto sa pagkakatitig ko sa mga simbolong nakasulat sa dahon na 'yon ay 'yon din ang nakita namin sa silid ni Ky at nang sa lugar na pinasukan namin sa loob ng zodiacal forest no'ng unang misyon namin pero iba ang simbolong nakasulat doon sa dahon na 'yon ngayon.

"The symbols on the leaf are written in Horac, which is the ancient language of HC. It's not been used over as time and years passes by and is considered as a hidden language in the current years and used only for deep, hidden, or garbled messages placed and written in a withered leaf..." Countess Zelena explained.

"The symbol means "face-off final battle on Horochlione" so I therefore concluded that this withered leaf is from those enemies. Kaya pinatawag ko kayo rito para mapag-usapan natin ang mga hakbang at plano natin para sa 'espesyal na misyon' ninyong ito..." pagpapatuloy niya.

Horos University: School of Horoscope Abilities | ✓Where stories live. Discover now