Kabanata 4

17 7 1
                                    

I realized that I don't have a right to meddle with his relationship with others. My actions proves that there's nothing to do with it.

Tinakpan ko ang mukha sa hiyang bumalot sakin. Boba mo naman kasi, hilig mong makialam sa buhay ng ibang tao baka isipin pa ng isang iyon may gusto ka dun!

"ano naman ngayon! Siya din naman e sinabihan akong hindi na birhen!" Sabi ko sa sarili ko

Sa isang linggo ko dito sa nalsian napalapit naman ako sa tao dito. Marami ang curious sakin kung kaya gusto nila akong makilala dahil laking syudad ako. Hindi man mamahalin ang damit pero nagiging maganda ito dahil ako mismo ang nagsusuot. Everyone admires me like an idol, bata palang ay mahilig na ako sa mga fashion and the way I handle myself makes me look more iconic.

"Diba hindi kapa nakakapunta sa bayan?" tanong ni faith

Nasa likod kami ng bahay nila dahil may maliit itong bakuran, nagbabalat siya ng upo para sa lulutuin niyang gulay para sa tanghalian. Dito ako madalas pumunta dahil ayoko ng magtungo sa manggahan, kinikilabutan ako tuwing naaalala ko 'yun.

"Oo"

"Gusto mo bang sumama sakin?" Sabi ni niya

"Sige. Okay lang"

Isinama nga niya ako sa bayan dito. Gusto sana niyang bayaran ng pamasahe ko dahil siya daw ang nag aya ngunit ayoko dahil may pera naman ako. Buwan buwan ang binibigay na allowance sakin nila mama, hindi naman ako magastos kaya't nakakapag ipon ako kahit papano

I almost forgot that tita Riza was also here. Hindi ko nga lang alam kong saan mismo, itetext ko paba siya? Hindi na siguro. Hindi naman siguro kami magtatagal ni faith dito.

Nasa tindahan kami ng mga manok at baboy, kailangan niya daw ito para sa sahog ng gulay.

"Grabe isang kilong manok 170 na? Hindi ba't 120 lang ito noong nakaraan?? Niloloko ata ako ng tindera ah" ani ni faith matapos bumili

"edi kalahati nalang kunin mo para hindi mashort 'yang budget mo" Saad ko naman

Inignora naman niya ako. Pumunta siya sa bilihan ng gulay, sumunod naman ako sakanya. Amusingly, I found really amazed at the price of the vegetable. Parang pinapamigay nalang ito dahil sa mura ng presyo. Kung sa syudad ito ay mas doble pa ang halaga nito

Concordly, it's province so probably their vegetables are inexpensive. Maraming pag pipilian kung kaya't hindi na makapag pili ng maayos itong si faith.

"Iyon nalang ang bilhin mo"

Habang nakikipag usap siya sa tindera. Hindi nakatakas si Anton sa paningin ko, his carrying a 25 kilo of rice. Tatlo lang siyang nag hahakot ng sako ng bigas at ilalagay sa maliit na pwesto. The sweat is a bit flowing under his chest, he's topless. I can't stop looking at him as my peripheral vision stop

Ilang sandali palang ay paparating naman sina tita Riza at ang mga kasama nito may hawak pang sariling pamaypay, pinapanood din nila si Anton habang nagbubuhat ng bigas. Sino bang hindi mapapalingon e halos matunaw na siya sa kakatingin sakanya! And that asshole looks comfortable with it! Gustong gusto atang pag pyestahan ang katawan, akala mo kung si jungkook

"Ang sipag at gwapo na binata. Pero maagang kumakayod, bilib din ako sa taong 'to. Nakakapag aral pa kahit may binubuhay na kapatid"

"Kung pabaya ang magulang kawawa ang mga bata! Elementary palang nandito na yan sa pwesto namin, pinasok ng tatay niya"

"Gugong din yung tatay kase yung anak ang pinagtatrabaho tapos siya, ayun nag iinom!"

"Walang kwentang magulang. Mabuti ay masipag itong si Anton at hindi namana ang ama, kaya tumagal nga siya dito samin e"

"Oo, atsaka narinig ko matalino din 'yan"

"Tama na nga yan. E halata naman sa mukha niyan na hindi matinong lalaki, manloloko din yan ng babae" Sabi ni tita "nabalitaan nyo ba' yong anak ni marga, iyak ng iyak matapos hiwalayan nitong si anton hindi daw maka move on!"

Napalunok ako sa mga naririnig tungkol sakanya. Maybe he got those strong muscles because of his work. I wonder what will Anton supposed he feel hearing some gossip  about his family?

Nagulat na ako dahil hindi ko inasahan na lilingon din siya sakin. Tumagal ng minuto ang pag titigan namin pero ako ang unang umiwas. Bakit siya tumingin?? Masyado ba akong halata para mapansin niya?? Sira! Malamang

Nung tignan ko ulit siya ay nakatalikod na ito saakin kaya inaya ko ng umalis si faith malapit naman siyang matapos.

"Anubayan! Tinatawadan kopa yung kamatis, kunting tawad nalang ibibigay na niya e panira ka naman Becca" inirapan niya ako

"Uwi na ako. Masakit ang tyan ko" madrama kong hinawakan ang tiyan ko at pekeng umarteng masakit ang tyan

"May malapit na comfort room dito Tara" Hinila niya ako doon at iniwan mag isa

"Dito kalang ah. Nakalimutan kong bumili ng luya, saglit ang ako" faith

Dahil hindi naman totoong masakit ang tyan ko ay bumili nalang ako ng bubble gum nila. Nginuya ko ito at gumawa ng lubo sa bibig. I took some picture while chewing a candy of my mouth, maganda naman ang kuha ko dito.

"Oh S-shit!! "

Nabitawan at nahulog ko ang cellphone dahil sa paglabas ni Anton Mula sa loob ng cr. Pinulot niya ito at inabot saakin, thanks God at hindi naman nabasag. Itinago kona ito sa maliit kong sling bag, muntikan ng masira ang cellphone ko!

Masama kong tinignan ang lalaking nasa harap ko. He looked fresh now and his wearing a black shirt, there's also a towel on his neck. Nagpupunas siya ng mukha sa harap ko, hula ko ay katatapos niya lang maghilamos

"Anong ginagawa mo dito??" aniya

Hindi ako agad nakasagot. Pano ko ba e-explain?? Ang swerte ko naman, iniiwasan ko na nga siyang makita pero narito naman siya sa harap ko

"Are you stalking me ha?" he smirked "I'm telling you Becca, wala kang makukuha sakin"

"E bakit mo ako kinakausap?? Nagpapa pansin ka noh?" paghahamon ko sakanya

Bumusangot ang mukha niya sa sinabi ko at naglakad papalayo sakin

Your PromisedWhere stories live. Discover now