Chapter 345

379K 20.3K 48.1K
                                    

A/N: nahihirapan ako lately. Sorry kung pati pagsusulat ko nadadamay. Gustong-gusto ko na matapos to. Na-o-overwhelme ako sa gawain wala tuloy ako masimulan.

Game of friendship

Jay-jay's POV

May tinatago talaga sila sakin.

Hindi ko tuloy maiwasan na hindi maintriga. Gusto ko din malaman kung tungkol saan yon. Pero may kutob na ko na tungkol yon sa nangyari kay Yuri.

"Thank you Jay. Masarap ang soup." Sabi ni Yuri at ngumiti sakin.

Kinuha ko ang mangkok sa kanya ng mapansin kong wala ng laman. Binaba ko yon sa study table ko.

Napatingin ako sa Hari na pasimpleng nakabantay sakin mula pa kanina. Kahit sa bawat pagnguya niya nakatingin pa rin siya sakin.

Matanggal sana ngipin niya.

"May gusto pa ba kayong kainin?" Walang buhay kong tanong.

"Nothing. Baka mahalata ni Angelo kung lalabas ka na naman." Sagot ng Hari.

Tumango ako at sumandal sa study table ko habang nakahalukipkip. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo. Hindi ako natutuwa na hindi nila ako sinasama sa usapan.

Kahit ano pa man yan, mahalaga para sakin na malaman ang totoo. Wala akong paki kahit delikado. Sanay naman akong masangkot sa gulo.

"Dalia... Baby sister. Tulog ka na, wag mo na ko hintayin." Sabi ni Percy sa kausap niya sa cellphone habang nakahiga.

"Kasama ko si Ate Jay-jay. Andyan ba si Kuya Felix?"

Gusto ko tumawa ng malakas sa paraan ng pagsasalita niya. Ang lambing niya kasi kay Dalia kahit hindi naman niya kaharap.

"Sleep na Baby, bukas ibibili kita ng talking doll. Chucky ang pangalan." Dagdag niya at pasimple ko siyang hinampas kaya napatingin siya sakin.

Pinandilatan naman niya ko bago tuluyang magpaalam sa kausap.

Hindi ko itatanggi na matingin talaga si Percy sa kapatid. Mula kay Felix, sakin at kay Dalia lagi niyang sinisiguro na okay kami. Hindi naman siguro siya mapupunta dito kung wala siya paki sakin.

"I'm bored." Dinig kong sabi ng Hari. "Do you have anything to play with?"

Sandali akong nag-isip. "Meron akong Uno cards."

Bahagya siyang umayos ng upo. "That will do. Let's play cards."

Kinuha ko naman ang Uno card sa drawer ng study table ko. Inabot ko yon sa Hari at lumapit naman sila Yuri at Percy samin.

"Okay ka na ba?" Tanong ko kay Yuri.

Tumango siya at ngumiti. "Okay na ko. Magaling kang mag-alaga eh."

"Baka gusto mo ulit magpaalaga sa kaniya?" Tanong ng Hari sabay turo sakin. "Sapakin kita?" Alok niya na parang nag-aaya lang kumain.

Agad ko siyang hinampas para patigilin. Mahina namang tumawa si Yuri habang napapailing.

Parang hindi nag-aalala sa kaibigan.

"Alam niyo bang laruin yan? Pang-smart kids lang yang laro na yan." Singit naman ni Percy at naupo sa sahig.

Naupo na din si Keifer at Yuri kaya ganon na din ang ginawa ko. Habang binabalasa ng Hari ang mga cards bumukas ang pinto at pumasok si Aries.

"No good. Sa sala siya nag-stay habang may ginagawa sa laptop." Bungad niya samin.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Where stories live. Discover now