Chapter 311

591K 22.3K 27.9K
                                    

A/N: Happy Birthday sa mga ka-bday ni Keifer.

Expect the wrong grammar and typo. Antok na antok na ko habang nagt-type. Hahaha

Real Friendship

Jay-jay's POV

Ano ang resulta kapag wala kang maayos na tulog?

Bangag.

Ano ang tawag sa taong walang maayos na tulog?

Bangagers.

Ano ang ginagawa ng mga taong walang maayos na tulog?

Wala sa sarili.

"Ano bang ginawa mo kagabi at puyat na puyat ka?" Tanong ni Percy bago inumin ang kape ko.

Oo, kape ko.

Ang kapal ng muka nitong Blue eyes na to. Ipinagtimpla ko kuwari ng kape siya din naman ang iinom.

Napatingin ako kay Felix ng mapansin kong tapos na siya magtimpla ng juice nila. Si Ci-N naman naghahalungkat pa rin ng pwedeng kainin sa refrigerator.

"Nakipag-kurutan." Wala sa sarili kong sagot.

Ang aga-aga mangbulabog ng tatlo na to. Akala ko pa naman mapapahinga ako kasi weekend ngayon at walang pasok. Pero hanggang dito ba naman susundan ako ng Ulupong at tukmol.

"Eto nalang, cake." Sabi ni Ci at inilabas ang naka-kahon pang cake.

Pumasok ng kusina si Tita kaya nakita agad niya ang hawak ni Ci-N.

"Nakapili ka na pala, gusto mo ba ng carbonara? Papaluto ako." Alok ni Tita habang palapit sa batang kumag.

Kita ko ang pagkislap ng mata ng tatlo. Lalo na syempre yung pinaka-matakaw.

Hindi ako yon.

"W-wag na Tita. Nakakahiya." Sagot ni Percy habang pasimpleng napapangiti.

Hindi siya nakita ni Tita dahil busy na siya sa pangunguha ng sahog at pasta.

"Okay lang yan. Tagal mo ding hindi dumalaw dito. Kahit sana sandali nakipag-kwentuhan ka samin." Sagot ni Tita. "Meron pa pala kaming manok dito, gusto niyo ba ng fried chicken?"

Kita ko ang malapad na pag-ngiti ni Ci-N at walang habas na pagtango na parang sirang laruan. Pati ang simpleng pag-ngiti ni Felix ay hindi nakaligtas sakin.

Hindi pa rin sila nakikita ni Tita dahil naka-silip siya sa loob ng ref at parang naghahanap pa ng pwedeng lutuin.

"Nag-almusal ka na ba Jay? May bacon at ham dito. Ipagluluto din kita."

Bahagya akong nag-inat. "Ako nalang maglu—."

Agad na humarap sakin si Tita na puno ng pangamba. Kulang nalang ituro niya kong may sala sa pagpatay.

Ang sakit niyo naman makatingin.

"K-kami nalang siguro nila Manang." Sabi niya at tinawag ang isa sa mga kasambahay nila.

Dala nila lahat ng kailangan at pumunta sa dirty kitchen. Nang mawala sila sa paningin namin hinarap ako ni Ci na may pang-aakusa.

"Hindi pa rin sila nakaka-move on sa ginawa mo." Sabi niya at napanguso naman ako.

Sabay na tumingin sakin si Felix at Percy. Parehong nagtatanong sa sinasabi ng Batang Kumag kaya pasimple kong tinuro ang dating magandang kalan sa kusina.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Where stories live. Discover now