Chapter 351

339K 18K 33K
                                    

A mother

Jay-jay's POV

Abala si Mama sa pagtutupi ng mga damit ko sa kwarto ko. Pasulyap-sulyap ako sa kanya habang kuwaring nag-se-cellphone ako.

Nakuha ko na ang phone ko.

Wala naman akong ginagawa kundi ang basahin ang mga chat ng mga Ulupong.

Eren: Merong akong irereto sayo Felix. Mary Jewel Malaluan ang name.

Felix: Manahimik.

Drew: Sakin mo nalang ireto.

Eren: Si Felix nga ang gusto.

Blaster: Si Edrix ang retohan mo.

Rory: My friend na yan.

Eman: Hanggang ngayon friend pa rin.

Edrix: Huh?

Kit: Akala ko my progress na?

Edrix: Ano? Anong progress?

Rory: WALA!

Napangiwi ako. Daldal kasi ni Rory. Mukang sinabi niya sa iba ang ginagawa namin pero nakalimutan naman niyang linawin na walang alam si Edrix sa ginagawa namin.

Natigilan ako sa pagbabasa ng may dumating na text message galing kay GagongBaliw.

From: GagongBaliw
Message: Hey, your still not answering my messages.

Nakalimutan ko siyang itext. Hindi ko rin naman hawak ang phone ko kahapon kaya hindi ko siya nareplyn. Mabilis akong nagtype ng reply sa kanya.

To: GagongBaliw
Message: Ngh@y0n qouh lhangs n@küha ph0ne qowhs.
(Ngayon ko lang nakuha phone ko.)

Sandali kong tinignan si Mama ng ilabas niya lahat ng damit ko mula sa cabinet. Napangiwi ako ng makita kong dinaig pa ang ukay-ukay ng itsura ng mga damit ko.

"Ano ba yan? Matuto ka namang magtupi ng damit." sabi ni Mama.

Hindi ko siya pinansin at binalikan lang ang katext ko.

From: GagongBaliw
Message: What's up? Kinagalitan ka ba?

To: GagongBaliw
Message: H3índhe. Pw3r0 mErhon aqowh n@laMhan.
(Hindi. Pero meron ako nalaman.)

From: GagongBaliw
Message: And what is that?

To: GagongBaliw
Message: C MhaM@mia ey p3nagLhaban dhaw ang k@rhapAtn qouh ky Ppa. MhukAng na-hurt c MhaM@mia khya g@nheto ang dr@ma niya.
(Si Mama ay pinaglaban daw ang karapatan ko kay Papa. Mukang nasaktan si Mama kaya ganito ang drama niya.)

From: GagongBaliw
Message: Jay.... I don't understand a thing.

Napanguso ako. Ang hirap-hirap mag-type tapos hindi pala niya maintindihan. Akala ko ba matalino siya? Tapos ngayon I don't understand.

Saan utak mo pare?

Napabalikwas ako ng mag-ring ang cellphone ko. Tinignan ako ni Mama kaya agad akong tumayo at lumabas para sagutin ang tawag.

"Bakit ka pa tumawag?" Bungad ko.

["It so hard to understand. Daig pa cryptic code ng message mo."] Sagot naman ng Keifer kumag.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Where stories live. Discover now