Chapter 310

524K 20.5K 17.2K
                                    

A/N: Happyish Bornday sa Hari ng mga Pesteng Ulupong.

You may not be the perfect guy but for me you're the best ideal guy that I created.

Maraming salamat sa lahat ng mga Tropa na bumati. To celebrate, here's an update.

Expect the wrong grammar and typo. I didn't re-read this. Biglaan kasi.

Dream

Jay-jay's POV

"Ibenta nalang natin yan. Para may pakinabang."

Sino yon? Sinong ibebenta nila? Bakit sila nakatingin sakin?

"Sira-ulo ka ba? Hindi pa nga ako nakaka-score sa nanay niyan tapos gusto mong dispatsahin ko na." Sabi ng isang lalaki at nagsindi ng sigarilyo.

Tumawa ang kausap niya na nagsabing ibebenta daw ako.

"Ibang klase din ang babaeng yon. Parang hindi nagka-anak. Maganda pa rin ang katawan." Sandali silang tumingin sakin. "Lalaki din ang batang yan kagaya ng Nanay niya."

Nagtinginan sila ng may kakaibang ngiti. Nakakatakot sila. Merong binulong yung lalaking may hawak na sigarilyo sa kausap niya. Umalis yung lalaki na yon at naiwan ang lalaking may hawak na sigarilyo. Sinara pa niya ang pinto bago lumapit sakin.

Sino ka? Wag ka lumapit.

"Jay, gising ka. Lipat ka sa kwarto, mainit dito."

Ano? Ayokong lumipat—teka! Bakit kusang gumagalaw ang katawan ko?!

"Wala pa si Mama mo, tabi muna tayo." Sabi niya at hinawakan ang mga braso ko.

W-wag mo ko hawakan!

Tumayo siya at hinawakan ako sa kamay. Kusang gumagalaw ang katawan ko. Nakasunod sa lalaking hindi ko naman kilala. Hanggang sa pumasok kami sa isang madilim na lugar.

Ayoko! MAMA! ARIES! KUYA! TULUNGAN NIYO KO!

Bakit walang nakakarinig sakin? Bakit walang boses na lumalabas sa bibig ko? Ano bang nanagyayari? Bakit hindi ko maigalaw ang katawan ko?

Ayoko nito! Tulungan niyo ko! Please!

Keifer.

"JAY-JAY!" Sigaw ng kung sino kasabay ng pag-yugyog sa mga braso at balikat ko.

Dinalat ko ang mga mata ko at ang muka ni Aries, Kuya Angelo at Tita Gema ang bumungad sakin.

"Gising na siya." Sabi ni Aries at bahagyang lumayo.

Si Tita Gema ang lumapit sakin at tinulungan akong tumayo. Napansin ko si Tito Julz na nasa pinto at mukang handa ng tumawag sa cellphone.

"Jay, anong napanaginipan mo? Sabihin mo sakin." Sabi niya at pinunasan ang muka ko.

Doon ko lang napansin na basa ang mga pisngi ko at tuloy-tuloy na umaagos ang mga luha ko. Ang mga kamay ko—mas tamang sabihin na buong katawan ko ay nanginginig dahil sa kakaibang pakiramdam.

Ano bang nangyayari?

Hinawakan ni Tita Gema ang mga kamay ko. Lumapit na rin sakin si Kuya Angelo at naupo ng bahagya para magpantay kami.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Where stories live. Discover now