Chapter 315

631K 22.8K 23.4K
                                    

A/N: May hugot yata sila sa Utang gigil na gigil kay Drew.

Enjoy!


Returning

Jay-jay's POV

"Bayaran mo na ko!" Sigaw ni Ci-N kay Drew.

Marahas na kinamot ni Drew ang ulo bago dumukot sa bulsa. Nakakuha siya ng piso at inabot yon sa Batang Kumag.

"Oh ayan! Next time nalang yung 7." Sabi niya sabay talikod.

Jusme! Otso pesos nalang hinulugan pa.

Hirap na hirap naman pala sa buhay ang lalaking to. Mabuti nalang at inabot na niya sakin ang hulog niya para sa araw na to. 5pesos.

"Jay." Tawag sakin ni Yuri. "Tuloy tayo mamaya?"

"Akala ko may lakad ka?"

"I can postpone that for you."

"Taray, sana lahat postpone." Sabi ko at tumawa naman siya.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Ci na biglang sumulpot sa harap namin.

Sabay pa kami ni Yuri na nagulat sa kaniya. Nanlalaki pa ang mga mata at butas ng ilong niya habang palipat-lipat ng tingin samin.

"Para kang kabuti." Komento ko pero hindi niya ko pinansin.

"Saan punta? Sasama ako."

Mabilis akong napangiwi. Hindi siya pwedeng sumama. Tignan ko si Yuri para hingan ng tulong pero halatang wala din siyang maisip. Sinenyasan ko siyang kausapin ang Batang Kumag. Mabuti nalang at nakuha din niya agad ang gusto ko iparating.

Nagseryoso siya at umayos ng pagkakatayo. "Sorry, but you can't come." Sabi niya, parang nakita ko ang dating Yuri na nakikipagsungitan sakin.

Parang batang napahiya si Ci. Akala ko magagalit siya samin pero wala siyang naging reaksyon. Lumapit siya kay David na kasalukuyang tulog. Mahina niya siyang tinulak-tulak para gisingin.

"Oh?" Inis na bungad ni Dabid.

"Inaaaway ako ni Yuri. Awayin mo nga." Parang batang utos niya.

Gusto kong matawa sa itsura nilang dalawa. Halata namang walang pakialam tong isa dahil agad siyang bumalik sa padukdok para matulog.

"Oy Dabid! Pagtanggol mo ko! Akala ko ba tinalo mo si Gulayat?" Pangungulit ni Ci-N sa kaniya.

Pasimpleng hinawakan ni Yuri ang kamay ko. Tinignan ko siya at sinenyasan niya kong lumabas. Pasimple naman akong sumunod sa kaniya habang busy sa pagkukulitan yung dalawa.

"Bakit?" Tanong ko sa kaniya.

"Bili tayo. Libre mo ko." Aya niya sabay swing ng kamay naming magkahawak.

Walang buhay ko siyang tinawanan. Matamis siyang ngumiti sakin na nauwi sa pagtawa.

Ayan, ganiyan dapat!

Mas gusto kong makita na nakangiti siya. Ayaw man niyang aminin na meron siyang problema, kitang-kita ko naman sa itsura niya. Pero mas gusto ko kung sasabihin niya sakin kung ano mang iniisip niya.

Naglakad kami papunta ng cafeteria ng hindi pa rin bumibitaw sa kamay ng isa't-isa. Para kaming mag-bestie na namamasyal sa park.

Pa-swing-swing pa.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Where stories live. Discover now