TWO

19 9 0
                                    

napapaluha ako habang nakahiga sa malambot na kamang ito ng nasabing aking silid, ang sinabi ng katulong ay pagkatapos ng tatlong oras ng paghahanda at pamamahinga ay kakailanganin ko nang pumasok sa paaralan.

Nalulungkot ako dahil paniguradong mamimiss ko ng sobra si Nana at Tata, pati na rin ang nakababata kong kapatid na babae na palagi kong kaaway sa bahay.

Kahit naman kaaway ko lagi at halos magpatayan kami ng kapatid kong 'yon ay mahal na mahal ko pa rin 'yon.

Mabilis kong pinunasan ang namuong luha sa mga mata ko at mabilis na tinungo ang cabinet na sinabi ng katulong na akin na raw, lahat na yata ng bagay dito ay sinabi niyang sa akin na. Gusto kong matuwa at magtatalon-talon pero hindi ko magawa, mas lamang kasi sa 'kin ang lungkot lalo na't hindi ko naman pinangarap dito.

Napabuntong hininga ako at mabilis kumuha ng twalya upang maligo.

Hinarap ko ang salamin 'tsaka ro'n ay pinilit ang sarili na ngumiti, "sige Nana, kung ito talaga ang gusto mo ay wala akong mapagpipilian."

Gusto kong puriin sa ganda ang kwarto ko at ang bango ng banyo, pero mukhang ubos na ubos na agad ako sa enerheya.

Tatlong katok ang narinig ko sa pintuan ko siguro ay 'yon na 'yong katulong pero dahil tinatamad akong tumayo, kinontrol ko ang yelo at inutusang buksan ang pinto.

Ngunit naihulog ko nalang ang mga balikat ko, tulad ng dati. Nagyelo ang boung pintuan at kumalat pa 'yon sa may pader ng kwarto, madalang ko lang makontrol ang yelo ko, kaya ngayon hindi na naman gumana.

Twalya lang ang sout ko at tamad na tamad na lumapit sa pintuan para bawiin ang yelo, pero tela nagising ang boung diwa ko ng bigla ay matunaw ang yelo na ako naman ang lumikha?!

Paano nangyari 'yon? Wag mo sabihin sa akin na may sariling kapangyarihan ang pader na 'to—

"Ah!" Mabilis akong napasigaw at halos mahulog ang twalyang sout ko nang makita ko sa harapan ko ang isang lalaking nakasout ng purong itim na damit! Natatakpan ng sombrero ang mukha niya kaya hirap na hirap akong kilalanin siya!

Mabilis kong naisara ang pinto! Biglang kumalabog ng mabilis ang dibdib ko ng dahil sa nakita kong 'yon!

Naglock ako ng sobra, kinontrol ang yelo at mas lalong pinatibay ang pananggalan niyon!

Kumalabog ng sobra ang dibdib ko do'n, a! Sino ba kasi 'yon? Bakit gano'n ang itsura niya? Sinong hindi matatakot do'n, e, balot na balot 'kala mo naman galing sa libing.

Mabilis kong naisara ang pinto 'tsaka isinandal—

"Ah!" Muli akong napasigaw ng sobrang lakas ng bigla ay nasa harapan ko na naman ang lalaki! Paano niya nagawang pumasok dito?

Sa sobrang kaba ko ay hindi ko na maipaliwanag kung paano ko natunaw ng sobrang bilis ang yelong nilikha ko bilang pananggalang sa pintuan! Mabilis akong lumabas ng kwarto at sakto naman dahil nakita ko nang paparito ang ibang mga katulong.

"Oh, Ano pong nangyayari sa inyo? Bakit tanging twalya lang ang sout mo? Darating ang mga butler, pumasok ka sa loob." Pilit akong pinapapasok ng kasambahay pero nagpupumiglas ako!

"May momo po riyan! 'Wag kang papasok—"

"Ano ang ingay na 'yon?" Bigla ay dumating ang isang guro at mabilis akong nabalutan ng Malamig na flames sa aking katawan na nagsilbing damit ko dahil dumarami ang tao rito, kapangyarihan iyon ng gurong dumating ngayon lamang.

"E, Teacher, may lalaki po kasing biglang nakapasok sa loob ng kwarto ko, hindi ko po siya kilala kasi natatakpan ng hindi ko maipaliwanag kung ano po iyon, teacher nasa loob pa po siya!" Kinakabahang sumbong ko sa kaniya!

ARAYA  Where stories live. Discover now