FOUR

10 6 0
                                    


"So ikaw pala ang Arayathena ng nayon ng Cavairia?"

Mabilis akong napalingon sa likod ko at doon nakita ang isang napakagwapong lalaki na medyo mas matangkad sa akin! Oh my! Ang gwapo niya.

Unti-unti akong napalapit sa kaniya habang titig na titig ang dalawang mata ko sa nagtatangusang ilong niya at malalaking mata na bagay na bagay naman sa kaniya!

Dagli akong napaatras ng bigla ay may mamagitang malamig na hangin sa aming dalawa! Tinangka kong hawakan 'yon pero mabilis akong napatalon-talon dahil sa higpit no'n na akala mo'y maiipit ang kamay ko!

"Teka, sino ka ba?" Mabilis na tanong ko sa lalaking siyang lumikha ng hangin sa aming pagitan. Mabilis na humupa ang hangin kaya tumayo siya ng tuwid tsaka nakapamulsang lumapit sa akin.

Napalingon akong muli sa batang nakita ko kanina at naglalakad na siya ngayon palayo sa lugar na ito na parang walang nangyari! Sila kaya ang dahilan kung bakit ako nandito!

Pero agad kung nabawi ang tingin ko tsaka ibinihag 'yon sa lalaking nasa harapan ko ngayon! Nakatingin siya sa 'kin ng mata sa mata habang ako ay di malabanan ang titig niya, minsan ay ngingiti-ngiti akong iniiwas ang aking paningin tsaka titingin ulit sa kanya.

Hala siya!

Pero ang pagiging maharot ko ay mabilis ding napawi ng bigla ay lumikha siya ng malakas na hangin at mukhang sa akin gagamitin 'yon!

Mabilis kong inihampas ang kamay ko at gumawa ng pananggalang sa aking harapan! Pero hindi naging pananggalang ang nagawa ko! Isang matutulis na yelo na nakaharap sa lalaking ito.

Mabilis rin siyang napaatras at tahimik na nanlaki ang mata pero agad rin siyang napangisi at sa di kalauna'y nawala na ang hangin na kanina ay nagsasayaw lang sa mga kamay niya.

"Totoo nga ang sabi-sabi na hindi mo mapasunod ang yelo." Nakangising aniya! Pero bakit kinikilig ako? Muntik na niya akong patayin at ito, kinikilig pa rin ako dahil ang gwapo niya!

"Oo," mataray kunwari at matapang na sagot ko, hinawakan ko ang yelo upang tunawin 'yon.

Napapatitig siya sa akin na mukhang hindi makapaniwala sa mga pinagsasabi ko, muli siyang nakapamulsa at ayon na naman ang malamig na hangin pero sa ngayon ay nasa ibabaw na niya ito! Kontroladong- kontrolado talaga niya ang hangin!

"Pero hindi ka ba nagtaka kung bakit?" Mabilis nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya! At sa isang kurap ng mata ay nasa tabi ko na siya!

"Pagkat hinandugan tayo ng kapangyarihan upang sirain ang mundo, hindi mo ba alam 'yon?" Mabilis muli akong lilingon sa kaniya sana, pero nasa harapan ko na naman siya at muling nakapamulsa pero ngayon ay nakasandal na siya sa pader at nakapikit pa ang mga mata.

"A-anong ibig mong sabihin?" Kunot na kunot ang noo ko habang itinatanong 'yon! Ha? Baliw ba siya? Kung sisirain namin ang mundo, saan kami titira sa buwan? Baliw.

"At ang abilidad mo sa panggagamot ay salungat sa diyos na siyang lumikha ng yelo mo," Ayon na naman at sa isang kurap mata ay nasa tabi ko na naman siya! "Kung ipagpapatuloy mo ang pangagamot, paano mo sisirain ang mundo?"

"Ano bang pinagsasabi mo?" Aktong lilingon na naman ako sa kaniya pero ayon na naman siya at nakasandal sa pader habang nakapamulsa.

Sira-ulo ba 'to?

Nginisian niya ako at sa 'di katagalan ay biglang tinalikuran! Mabilis ko siyang hinabol pero singbilis no'n ay ng itulak niya ako gamit ang hangin niya! Mabilis akong napaatras sa malamig niyang hangin na mukhang sinadya akong dalhin palayo sa kaniya!

Sa isang kurap lang muli ng mga mata ko ay wala na siya sa harap ko!

Napapabuntong hininga akong tumayo mula sa sapilitang pagkakaupo ko, sinundan ko ang daan na tinahak niya at do'n muling nakakita ng hagdan!

ARAYA  Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin