SIX

9 4 0
                                    

"Drakin. Wala ba tayong balak sumugod? Hindi na tama ang nagiging akto natin, baka magkaminus points pa tayo niyan e." Reklamo ng isa sa kaklase namin.

"Parang nagkapoints naman na tayo?" Sarkasmo ang naging tanong ni Vaniri. Walang sumagot sa amin.

"What kind of cheat is this—"

"You have no rights to call this cheating when the teacher didn't allow her mouth to say it on our face." Naging mabilis na sabat at putol ni Ade sa pinunu ng section A na ngayon ay nasa harap namin. Nabigla naman ako sa english niya, wrong grammars 'yon 'no?

"Tsk." Singhal muli ng lalaking pinuno ng section A. Nasa likod ako ni Drakin pero ramdam ko ang tensyon sa magkabilang panig.

Dagli akong napatingin sa gilid ng maramdaman ang kakaibang hangin—si Leo lang pala! Anong ginagawa niya sa tabi ko?

"Kung makatingin ka," Unang sabat niya, hindi nagawang ituloy. Duh.

"Ano? Maganda kasi ako." Singhal ko, hindi na rin naman siya sumagot kaya magfocus na lang ako sa front.

"Ah!" Mabilis akong napasigaw ng sa isang iglap ay nagsiliparan ang kalaban at pinaikotan kaming kaawa-awang Section E!

Namangha pa ako ng napatingin sila sa amin at nakataas na nga ang mga kamay, senyales na kahit sa anong oras ay pwede na nila kaming pataaman!

Mabilis din naman kaming naghiwa-hiwalay at inihanda ang aming mga abilidad! Kinakabahan ako, pero dahil kasama ko ang boung section E ay parang naeexcite pa talaga ako.

Mabilis akong napasiring at nairita ng makita ang presensya ni Leo sa likod ko! Anong ginagawa niya riyan? Ano siya security guard ko?

"Tutulungan kitang aralin ang abilidad mo." Maya ay bulong niya, napausad ako't tiningnan siya ng masama.

"Bakit, sa tingin mo hindi ko kaya—" mabilis din akong natahimik ng mapansing nagiging sunod-sunod na ang pagsabog sa aming kinaroroonan.

Pero dahil si Soraya ang may kakayahan saming magpalutang ng bagay, agad rin naman akong nabuhayan ng pag-asa ng lumutang ang maliliit na bato. Teka? Aanhin naman namin ang maliliit na batong 'yan?

"Ilag!" Sa isang iglap ay napamulat na akong nasa bisig ni Leo! Mabilis ko siyang naitulak at hinanap ang babaeng may kagagawan ng pagsabog!

Ayon siya't nakalutang sa ere! Medyo nasisilaw pa ako sa araw kaya hirap akong kilalanin siya, mabilis akong napaatras ng hilain ako ni Leo paatras! Sinubukan niya ang patamaan ang babaeng komokontrol ng pagsabog pero mabilis iyong nakailag! Napakamot ako't muntik ng mapalo si Leo sa balikat dahil sa pagkakamali niya.

Mabilis ulit kaming napatakbo ng sunod-sunod na ang pagsabog sa amin! Wala kaming laban kung nasa taas ang kalaban!

"Kaya mo pa rin ba ang kontrolin ang yelo—"

"Hindi nga 'di ba?!" Mabilis na putol ko sa itatanong niya!

"Sungit. Hawakan mo 'to." Hindi ko naintindihan ang sinabi niya kaya napalapit ako.

"Ano?!" Tanong ko dahil napapatakbo na talaga kami! Napabalik kami ng bigla ay nasa unahan na pala namin ang pagsabog!

"Hawakan mo 'to!" Narinig ko naman siya pero napataas pa rin ang kilay ko nang makita ang kamay niyang nakalahad sa 'kin.

"Ano bang hahawakan ko?!" Sigaw ko pa! Dahil sa gulo ay para na kasi kaming nasa giyera. Naririnig ko pa nga ang ibang mga estudyante na nagsisitawanan lang! Ano ba 'yong nakakatuwa?

"'Yong kamay ko, hahawakan mo!"

"E bakit?"

"Gawin mo—" Hindi ko na natapos ang tanong ng bigla ay hawakan na talaga niya ako sa kamay at... ihagis!

ARAYA  Where stories live. Discover now