THREE

14 7 0
                                    

Nakita ko kung paano nag-apiran ang dalawang babaeng magkatabi ng upuan, sila siguro ang may kagagawan sa 'kin nito.

"Ariana, Zeren! Gusto niyo na naman ba ang sumabak muli sa parusa?" Bigla ay anang ng guro! Matik naman na napaupo ang dalawa 'tsaka nasandal sa kanilang upuan.

Bigla ay naramdaman ko ang medyo mainit na dumampi sa mukha ko, Muli kong naibuka ang aking bibig, salamat naman.

Nakita ko ang isang babae sa may likod na siyang nag-thumbs up sa 'kin habang nakangiti, nginitian ko siya ng pilit at muling yumuko.

"You can find your seat, now." Anang ng guro na muli akong pinagpag sa balikat kaya muli ay parang gumaan na naman ang loob ko.

"Halika, dito ka sa 'kin." Anang ng babaeng siyang nag-thumbs up sa 'kin kanina. Mabilis akong napangiti 'tsaka lumapit sa kaniya.

"Aya." Tawag niya sa babaeng nasa unahan at agad namang napalingon, bigla ay may inihagis siyang kulay berde na parang kumikinang at hindi katagalan ay naging silya.

Nakangiti sa 'kin ang nasabing Aya 'tsaka isenenyas ang nilikha niyang upuan para sa akin.

"Hala siya, mabait?" Anang ng babaeng siyang nasa tabi namin ngayon, siya 'yong babaeng nagpakilala sa 'kin.

Inirapan ko siya, pasalamat siya at hindi ko kayang kontrolin ang yelo ko, dahil kung 'di ay baka ginawa ko na siyang statwa.

"Salamat," Pasasalamat ko sa babae 'tsaka kay Aya. Agad naman silang napatango sa 'kin.

Ipinakilala ng guro ang pangalan niya sa akin, siya si teacher Vivian. Ang aming adviser.

Ang topic niya sa amin ay tungkol sa Celestina, kung paano magsulat ng celestina.

Totoo kasi ang sinabi ng pricipal kaninang umaga, ang celestina ay ang paraan ng mga professional sa pakikipag-komunikasyon sa loob ng Celestia! At tanging dito lang sa Celestia Academy 'yon matutunan.

Pagkatapos ng hindi katagalang discussion, agad na niya kaming inutusang lumabas at kumain muna ng pananghalian sa cafeteria.

"Halika, sa amin ka sumama." Nangiting sabi ulit sa 'kin ng babaeng katabi ko, gusto ko sanang mahiya at tumanggi pero may punto siya. Wala naman kasi akong masyadong kaalaman sa lugar na to, e.

Mahigit isang minuto lang naman ang nilakad namin papunta sa sinasabing cafeteria. Agad na kumuha ng upuan ang babaeng nag-anyaya sa akin tsaka isang babae naman ang tumayo at kumuha ng order namin.

Nahihiya akong napangiti sa kaniya tsaka muling nagpasalamat. Mukha naman siyang mabait.

"Ano ka ba, wag kang mahiya.. pare-parehas lang naman tayo." Nakangiting aniya.

Hinihiling ko sa isip ko na sana magkusa na siyang magpakilala kasi nahihiya akong itanong kung ano ba pangalan niya at maging ang mga kasamahan niya.

"Ah, I forgot to introduce myself!" Bigla ay nakangiting aniya. Inilahad niya sa akin ang kamay, at mabilis ko namang tinanggap. "ako si Soraya. At ang aking abilidad ay kontrolin ang isang bagay at palutangin ito."

Bigla ay nakita ko na lang kung paano lumutang ang lamesang nasa harapan namin, tumawa siya ng bahagya 'tsaka ibinalik ito sa dating posiyon.

"Parang tanga naman to, e! Kita na ngang nagbabasa ako—ah. Hi?" Bigla ay anang ng babaeng kanina pa namin kasama, maganda siya at may pagka-kayumanggi ang kanyang balat. Mababa ang buhok na medyo kulay berde.

Nahihiya akong napangiti.

"I'm Zomira, At kakayahan ko ang magkaron ng malakas na pandinig and enhanced eye sight. So don't let your guard down when I'm around, ha? I can't keep secrets pa naman." Natatawang aniya na muling itinuon ang mata sa pagbabasa.

ARAYA  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon