ELEVEN

8 4 0
                                    

Hindi nawala sa isip ko ang naging kilos na 'yon ni Leo. Tuloy ay lagi akong nakanguso sa kalesa. Wala rin naman kasing kumakausap sa akin dito.

Narating namin ang nasabing village. Mabilis akong tumabi kina Vaniri nang bumaba na nga kami sa kalesa. Hindi na ako nakapagtanong o nakadada pa ng maglakad na ang mga military papasok. Dala ng isang kalesa  ang mga gamit namin, habang ang karamihan sa mga kabayo ay iniwan.

Wala kaming kibo habang naglalakad. Hindi ako sanay ng hindi dumadada kaya nagpahuli ako sa paglalakad para makasabay ko si Rhea nasa gilid niya si Soraya na seryoso pa rin ang mukha.

Siniko ko kaagad si Rhea, pabulong siyang humalakhak sa 'kin.

"Bakit ang tahimik?" Bulong ko sa kanya,

"Iwan ko rin. Maybe, part of the learning." Humalakhak ulit siya ng mahina. Ako ang natatawa sa mukha niya.

Maliit nga ang populasyon ng mga tao rito dahil kakaunti lang ang bahay. Pansin ko rin na walang bata ang nasa labas, marami akong nakikitang dalaga pero karamihan ay may mga dalang balde, mukhang galing sa labada.

Kilala ang village na ito sa pinakamahirap na nayon sa buong Celestia, dahil sila ang may kakaunting populasyon nang marunong gumamit ng mahika. Tama, hindi lahat ng tao rito ay may kaalaman doon o hinandogan ng abilidad. May mga celestian na may abilidad nga pero hindi ginagamit, at hindi alam kung anong gagawin.

Napahinto kami sa paglalakad ng huminto rin ang mga military, sa isang ilog. Napakalinis na ilog.

"So?" Nabaling ang tingin naming lahat ng magsalita si Zeren habang nakataas pa ang kilay.

"Dito tayo kukuha ng maiinom. Wala kayong dinalang tubig. Kaya mo ba mabuhay ng wala 'yon, hija?" Madirinig ang sarkasmo sa boses ni Kuya Flavio.

Bet ko siya i-kuya. Mukha naman kasi siyang bata kahit may asawa na.

"Paumanhin, sir." Mabilis na ani ni Drakin. Lumikha si Aya ng limang galon, gayundin ang pagkahingal niya. Mabilis siyang inalalayan ng isang kaklase namin. Naawa tuloy ako sa kanya, pero totoong kakailanganin namin ang abilidad niya sa ganitong uri ng sitwasyon.

Si Drakin na rin ang nagsakay ng mga galon sa kalesa, pagkatapos niyon ay nagsimula na kaming maglakad.

"Lahat na ba kayo ay kabisado sa paggamit ng inyong abilidad?" Si Kuya Edwardo. Siya ang pala-ngiti sa kanila.

"Hindi po lahat." Magalang na sabi ni Vaniri, sinundan siya ng sagot ng iba.

"Naku, dapat ay alam niyo na. No'ng kami nga ang nasa edad niyo ay wala kaming tulog sa pagsasanay. Napakasungit ng guro namin sa combat." Tumatawang saad ni kuya klo. Siya ang pinaka-crush ko sa kanila.

"Mabuti pala at hindi nangyari sa amin 'yon," plastik na tumawa si Zeren.

"May asawa ka na rin ba Jael?" Natawa ako ng itanong 'yon ng isa sa kaklase namin. Nasiko ko tuloy si Rhea.

"Ano ba? I'm trying to be mabait here ha. Wag ako." Kunwaring nagsusungit na saad ni Rhea sa akin. Tinarayan ko naman siya.

"Kuya." Pangongoreksyon ni Kuya Jael bago humalakhak. "Wala akong asawa, pero nobyo mayro'n."

"Ay." Nadidismaya kunwaring sabi ni Vaniri. Natawa ako.

Inilibot kong muli ang paningin ko sa mga kasamahan ko. Hindi ko napansin si Leondelle. Nasaan na ba 'yon?

"May hinahanap ka?" Nakangising tanong ni Rhea. "Hindi ko rin siya nakita. Panigurado ay nasa kabilang panig 'yon, the other militar went into the opposite way, kasama ang iba sa mga kaklase natin."

ARAYA  Where stories live. Discover now