Kabanata 1:Ang Simula

115 26 7
                                    


"O. Pre uuwi kana ang aga naman."

"Oo pre. Wala naman tayo trabaho ngayon kaya uwi na lang ako upang makasama ang aking anak at asawa." Masayang saad.

"Mabuti kapa pre,mahal na mahal ka ng asawa mo. Samantalang ang aking minamahal ay niloko lamang pala ako. Buong akala ko'y totoo ang kanyang mga ngiti at tawa habang sa panahon yun na kami ay magkasama. Ngunit kasama pala ito sa kanyang mga plano upang ako'y maloko." Malungkot niyang saad habang namumugto ang mga mata dala ng matinding pag iyak.

"Pre makakahanap ka din na magmamahal sayo ng totoo hindi man sa ngayon baka bukas o isang araw. Wag kang mag madali dahil dadating sa tamang panahon ang para sayo."

"Salamat pre." Sabay sa pag punas ng luha.

"Oh pre mauna na ako sayo kailangan ko pa daanan ang aking anak at sunduin." Sabay sa paglakad nito.

Nag tungo sa ilog ang lalaki at pagkarating bumangad ang madaming mga bata na naglaro na may ngiti sa labi. Sa ngilid ng ilog pa talon-talon ang mga bata habang nakaloblob ang katawan sa tubig nito.

"Anak!" tawag ng isang lalaki sa batang babae nagpaalam agad ang bata sa kalaro.

"Bakit po pa? "Masayang sabi ng anak.

"Uuwi na tayo anak."

"Sge po "habang naglalakad ang mag ama may nakasalubong sila na matanda ginto ang mga mata agad itong lumapit sakanila parang nang hihina ang buong katawan nito at maputla ang balat.

"May tubig ba kayo na maiinonm

"salamat sayo Eha, ikaw ay may mabuting damdamin. dahil sa kabaitan pinamalas mo ay bibigyan kita "sandali lang binuksan niya ang kanyang supot na plastik na kulay ginto na may halong pula.

"Pa anong kayang ibigay sakin? Ako ay nasasabik na makita ito." Natutuwang saad.

"Di ko rin alam anak. Ang mabuti pa mag hintay ka ,kung ano ang ibibigay tanggapin mo at wag kalimutan magpasalamat" pa alaala niya sa anak.

"Hito ay isang pamaypay na kanyang magbago ng anyo bilang kwintas at libro,may kakayahan itong gumawa ng lagusan at kapangyarihan ng bulaklakr" Sabay bigay sa bata.

"Ang ganda nito. Maraming salamat po." Tuwang-tuwa ang bata dahil nakatanggap ng pamaypay o matatawag nito na isang regalo para sa kanya.

Habang abala ang bata sa pagsuri sa pamaypay. Samantala lumapit ang matanda sa ama.

"Alam mo na ba? kung bakit ko sakanya ibinigay?" Tanong ng matanda.

"Ang aling? ang pamaypay po? May kakaiba po ba sa Anak ko?" Nagtatakang saad.

"Binigay ko ito sa kanya dahil sa tamang panahon hindi lahat ng Kapangyarihan ay magagamit kung hindi sandata."

"Bakit po anong dahilan? Maraming bata ang malakas at mga bata ng maharlika. Ngunit bakit siya pa ang napili mong bigyan? " natatakang tanong.

"Dahil siya ay kakaiba at karapatdapat na mayhawak nito. Tandaan mo may paparating napanganib sanay mag-ingat ka at inyong anak sa kabilugang ng buwan ang takdang mangyayari, maraming mamamatay at maglaho na parang bula." Tumalikod ito sa kanya sabay kaway nito at dahan-dahan nag laho ang katawan kasabay sa pag ihip ng hangin.

Abala ang bata sa pag lalaro hindi niya namalayan ang matanda na nagbigay ng pamaypay ay nag laho na.

"Papa saan po yong matanda?' Tanong ng anak sa Ama.

"A. Wala na umalis na anak,nag pa alam siya ingatan mo daw ang binigay niya." Pangdadahilan niya.

"Ganong po ba. Hindi pa naman ako nag pa salamat sa kanya. Tara na papa baka mag alala si mama." Masayang saad.

Makalipas ang ilang minuto nakarating na sila sa bahay nila. May sumalubong na isang napakagandang babae. Nakasuot ng kulay pula na bistida.

"Mama!" Sabay takbo nito palapit sa Ina.

"Kamusta ang lakad mo anak? O,ikaw mahal bakit napaaga ang uwi mo?" Nagtatakang tanong nito.

"Wala kaming trabaho ngayon kaya sinundo ko si Clara." Paliwanag niya.

"Alam mo ma binigyan ako ng isang matanda ng isang pamaypay. Tingnan mo mama,subrang ganda " Sabay pakita ng anak sa kanyang Ina.

"Ang ganda naman anak. Dahil binigyan ka ng isang matanda na hindi natin kilala dapat mong pahalagahan ito dahil importante. Minsan lang ang magbigay ng ganyan " nakangiting saad ng ina.

Pumasok na sila sa loob ng bahay kita sa mga mata ng bata ang tuwa,may malaking ngiti sa kanyang labi na hindi mawala dahil sa subrang saya.

Pagdilim kumain sila pagkatapos kumain natulog agad ang bata hawak-hawak ang pamaypay.

Nag usap ang mag-asawa tungkol sa paparating na panganib at kapangyarihan ng anak na hindi parin nila nalaman.

"Turaan na natin siya habang maaga pa hindi pa nga natin alam ang kapangyarihan niya.?" Tanong nito.

"Payag ako Jan Mahal. Para naman ito sa kanya kapag wala tayo sa tabi niya kayang ipagtanggol ang sarili niya." Seryosong saad habang nakatingin sa anak.

Nagkasundo ang mag asawa sa pagtuturo sa anak nila bukas.

"Mahal anong pamaypay na iyon?"tanong ni Sandy.

"Alam mo Mahal Hindi pangkaraniwang ang pamaypay na iyong. Espisyal ang pamaypay na iyon may kapangyarihan taglay ng Bulaklak." Manghang paliwanag.

"Bulaklak? Kung ganong magagamit niya ito sa paparating na digmaan na maganap kung saan man siya mapadpad sa paglaki niya. Nasisiguro ko pagdating ng tamang oras ay magamit niya ang pamaypay ng taglay na kakayahan nito." Medyo malungkot na saad.

"Sana Mahal malampasan niya ang lahat na naghintay na pagsubok o panganib sa kanya."

"Parang nakita ko na ang pamaypay na iyong mahal ngunit di ko lang maalaala kung saan"

"Saan? Mahal kung sandy"sabay yakap nito.

"Hindi ko na matandaan kung Saan ko ito nakita at parang nahawakan ito noong una pa lamang siya." Naguguluhang saad.

"Wag mo nang pilitin mahal. Sasakit lamang ulo mo. Ang mabuti pa matulog na tayo,ayos ba sa iyong Mahal?"

Tumango ang asawa na may matamis na ngiti.

"Mahal pano kung dalawa ang Anak natin? Matanong lang kita kung anong mararamdaman mo."

"Matutuwa ako alam mo naman para mana niya ang isa sa'tin na kapangyarihan."

"Pano kung si Clara hindi niya namana ang ating kakayahan? Pwede ba yun sa lahat ng nilalang dapat may mana sila sa kanilang magulang na kapangyarihan. Ayung sa nabasa ko na libro. Kung hindi namana ng anak ang kapangyarihan taglay ng magulang isa silang tagapangalaga o bagong pinili na maging......Diko matandaan kung ano iyong?" Pilit niya inaalaala ang lahat ng basa niya sa libro ngunit hindi niya matandaan.

"Wag mo ng pilitin isipin. Ang mabuti pa ay matulog na tayo." Sabay yakap nito ng mahigpit.

A/N:Salamat sa pagbasa ng unang kabanata.

Mafirite World(Under Editing)Where stories live. Discover now