Kabanata 4:Kapalit

54 20 0
                                    

Sandy's Point Of View

Narito kami nyayon sa tabi ng ilog habang yun anak namin na si Clara ay masayang nakipag laro.

Naalaala ko bigla na hindi pala namin pinag usapan ang tungkol sa kapangyarihan ng anak namin.

"O nga pala Venry. Dugo at yelo o niyebe ang taglay na kapangyarihan ng anak natin. Hindi ito nagmana sa ating?"

"Namana man niya o hindi ang mahalaga ay may kapangyarihan siya," habang nakatingin sa bata.

"Alamin natin kung saan nag mula ang kapangyarihan ng anak natin. Nang sa ganong maunawaan natin."

"Uwi muna tayo. Sa bahay ko na lang gawin mapanganib dito at baka may maka kita pa sa paggamit ng kapangyarihan ko. Alam mo naman," bulong niya rito.

"Puntahan mo nga roon si Clara. Mauna na ako sa'yo pa uwi." Humakbang ako palayo.

Habang naglakad ako patungo sa bahay ay nakarinig ako sa paligid na mga yabag.

Huminto muna ako sabay libot ng tingin. Lumiit ang mga mata habang nakatingin sa malapad na bato. Ang daming mga bangkay ang nakahiga roon. Lalapit na sana ako ngunit bumangon ang lahat ng naroon kasabay umapoy ang boung katawan.

"Deferno." Lumikha ako ng patalim na salamin.

Tumilapon ako na hindi ko alam may mga Deferno sa ilalim ng lupa. Akmang palapit na ang mga Deferno sa'kin. Huminto ang mga ito na parang mabigat ang kanilang ang mga buto.

Ang mga Deferno ay isang kalansay o di kaya bangkay. Nag mula sila sa kadiliman,kumuha ng lakas sa apoy at dilim.

"Buti napadaan ka dito Sandy."

"Meryena?"

"Ako nga Sandy. Hindi ko akalain sa ganitong sitwasyon pa tayo muli nagkita." Pumalakpak siya ng limang at sunod-sunod na tumba ang mga Deferno.

Tumayo ako mula sa pag ka upo. "Salamat Meryena. O. Nga pala pano ka napadpad ka rito. Sa pag ka alam ko nasa kaharian ng Bicey." Lumapit ako sa kanya na may ngiti sa labi.

Hindi muna siya sumagot sa halip ay yinakap ako ng sandali.

"Umalis na ako sa kaharian ng Bicey. Gusto ko maglakbay at makahanap ng iba't ibang klase ng mga gamot." Tumalikod ito sa'kin.

"Pasensya kana Sandy kailangan ko na umalis." Umikot siya ng limang beses bago mag laho.

"O Sandy. Bakit narito kapa? Akala ko nakarating kana sa bahay."

"Hinintay ko kayo," palusot na saad ko.

"Tayo na." Humakbang sila palapit sa'kin.

.....

Mahimbing natulog ang anak namin. Napagpasiyahan ko na gawin.

Kinumpas ko ang kaliwang kamay sa direksyon ng pituan. May lumitaw na maliit na piraso ng salamin hanggan sa mabuo ito ng isang salamin na pabilog.

"Salamin,salamin dinggin aking tinig,"

Unti-unti may nabuo sa salamin na mga mata at bibig na parang hangin.

"Ano iyong katanungan kagalang-galang na Sandy o paki usap ? Madalas na ata ang pag tawag mo sa'kin"

"Kailangan kita eh. Anong magagawa mo?"

Kainis ang salamin na ito pinag tawanan pa naman ako at buti na lang abala si Venry sa labas. Kundi magtatanong na naman ito ulit.

"Ano ang kapangyarihan ng mga tagapangalaga?"

"Woo. Ang kapangyarihan ng kapangyarihan ay elemento,kalikasan at higit sa lahat may konekta sa kalawakan," masayang salaysay nito.

"Kung ang isang nilalang ay may tatlong kapangyarihan ay ibig sabihin nito ay isa siyang tagapangalaga. O di kaya ang bata na may dalawang kapangyarihan senyalis nito ay isa siyang tagapangalaga," mahabang salaysay nito.

Magtatanong muli sana ako na biglaan nag laho ang salamin kasabay pag ka himatay ko.

...

Nagising ako sa boses ni Venry. Pag mulat ng mga mata ko nang laki ang mag mata ko.

Naramadaman ko ang mga deferno pero hindi ako sigurado. Bumangon ako mula sa pag kahiga at ginising si Venry.

"Ayos ka na ba?

Tumago siya at nagtakang nakatingin sa'kin. "Ang babala ng matanda," kinakabahan nitong saad.

"Salamin ng pagsilip." Sigaw ko ng malakas isang salaming ginto na mayhalong pula.

"salamin-salamin ng pagsilip ipakita sa amin kung ano ang mangyayari ngayong gabi," Kinakabahan saad ko at pinawisan.

Lumiwanag ang salamin hanggang sa mawala ang liwanag kita namin dalawa sa salamin maraming tumatakbo,namatay, at pinatay sila ng mga deferno.

"Ipakita samin Kung anong paraan para hindi kami mamatay sa araw na ito."

Lumiwanag ulit ang salamin nakita namin may hawak na libro na nilalang. kinabahan ako Hindi ako pwede magkamali isang angfly ang pwede namin pakiusapan.

"kung ganong Venry kailang natin makaalis dito agad." Sabay pinaglaho ko ang salamin.

"Sige mahal." Nagmadali kami nag tungo sa silid ng anak namin.

Isang malakas ng pagsabog ang naggaling sa labas.

"Mama at papa anong nangyari?"

Hindi namin siya sinagot sa halip hinawakan ni Venry kamayy nito sabay gamit ng kapangyarihan.

"Mukhang nagsimula na sila." Natatakot kong saad.

"Mirror Ture," sigaw ko.

"Mauna na kayo pumasok." Agad namam ito sinunod ng mag-ama ko.

"Hahaha..." Halakhak sa likod ko. Naramdaman ko may paparating na mga bolang apoy.

Tinadyakan ko ang sahig. "Salamin na pader," humarang ang salamin at doon lang tumama ang mga apoy.

"Ulan ng apoy." Tinutok sa kisame ng kalaban ang kamay niya.

Umulan ng apoy agad ako lumikha ng salamin sa'kin palad sabay tapat sa kisame.

Tumalon ako papasok sa salamin na lagusan kasabay sa pag sira nito. Bumagsak ako sa damuhan. Bumangon habang nilibot ang tingin ko.

Nasa kagubatan pala ako. Kailangan ko mahanap agad ang mag-ama ko. Nagmadali ako tumakbo patungo sa kung saan hanggan sa na tanaw ang mag ama ko.

"Venry!"

Pagkalapit ko sa kanya.

"Sandy bilisan na natin baka hindi natin makita ang Angfly."

Hindi ako sumagot sa halip tumango lamang ako habang nakatingin sa kanyang mga mata.

"Venry sana mapatawad tayo ng anak natin sa gagawin natin." Naiiyak na saad ko.

Kahit labag sa loob ko na iwan ngunit kailangan niyang mabuhay at makaligtas kami mula sa kapahamakan.

Umupo kami dahil nanakit ang aming binti ngunit napahinto ang aming pag usap.

"Ano ang ginagawa niyo dito sa kagubatan?"

Paglingon namin isang babae may hawak na libro at kasuotan nito ay gawa sa balat ng punong kahoy.

"Narito kami upang hanapin ka at maki usap na iligtas kami."

"Kung ganong ikinalungkot ko. Isa lamang ang pwede kong iligtas at may kapalit ito. Kayong dalawa ay mapunta sa mundo ng panaginip habang ang iyong anak ay maiiwan sa'kin. Wag kayo mag alala ligtas siya sa'kin at ituturing Kong siyang tunay na anak ko. O anong pasiya niyo?

"Payag kami at napag usapan na namin ang tingkol dito kahit labag sa kalooban mag asawa ay kakayanin namin."

Kinumpas nito ang kaliwanag kamay niya. "Bitawan niyo ang bata," sinunod na naman nito Venry. Hindi nahulog ang anak namin sa halip lumutang ito palapit sa Angfly.

May tiwala kami sa kanya kahit hindi namin siya kauri at dayo lamang sa mundo ng mafirite.

Muling niyang kinumpas ang kamay sabay sa pag lutang namin.

"Kung gusto niyo mag ka labas sa mundo ng panaginip sa maikling panahon kailangan niyo salungatin ang batas ng Hari at Reyna sa panaginip. Paalam." Sabay sa paglaho namin.

A/N: Salamat sa pagbasa. Ayos lang ba ang kwento?

Mafirite World(Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon