Kabanta 3:pag ka basag ng salamin

62 16 0
                                    

Nakatulog na ang mag-ama habang si Sandy ay hindi dinalaw ng antok. Bumangon siya mula sa pagkahiga.

"Bakit hindi ko parin malimutan ang nakaraan na nagbigay pala isipan sa'min mag-asawa," mahinang bulong nito sa kanyang palad.

Huminga siya ng malalim bago ipikit ang mga mata. Kinontrol niya ang daloy ng enerhiya patungo sa kanyang utak.

Napakagat siya sa ibaba ng labi sabay kinumpas ang kamay. Sa pag mula ng mga mata ay nasa harapan na siya ng dating nilang tirahan.

Malungkot nakatingin rito. Is a lamang itong ilusyon na kanyang nilikha gamit sa pamamangitan ng salamin.

Flash back

Nakahiga si Sandy sa damuhan kaharap niya ang Ginang na mag pa anak sa kanya. Habang sa tabi niya si Venry na nag alala nakatingin sa kanya.

Napahiyaw siya sa sakit kasabay niluwal niya ang sanggol ngunit tumilapon ang Ginang. Bumangad sa kanya ang maliwanag sa ibaba ng kanyang asawa kaya napapikit siya.

Samantala si Sandy ay nawalang ng malay. "Uwaa,Uwaa,Uwaa," tatlong sunod-sunod na pag iyak ng sanggol na mag ka iba ang bose's.

Dahan-dahan tumayo ginang mula sa pagkahiga. Nakita niya ang tatlong bolang liwanag na nakalutang sa paanan ng Ina.

"Totoo ba 'tong nakita ko?" Tanong niya sa kanyang sarili.

Tatlong bolang liwanag ang nakalutang ngunit ang unang liwanag ay nag pakawala ng malakas na enerhiya kasaby lumutang ito patungo sa haring araw at agad naglaho. Ang ikalawang liwanang ay unti-unti sumabay sa ihip ng hangin at paglaho nito. Ang ikatlong liwanag ay dahan-dahan bumaba. Sa pag pikit ng mga mata ng Ginang kasabay nag laho ang liwanag.

"Uwaa." Sa pag mulat nilang dalawa ay bumangad ang sanggol na babae na may puting buhok na parang patungo sa itim.

End Flash back

"Huminahon ka Sandy," saad niya sa kanyang sarili.

"Sandy?"

Napalingon siya kay Venry ngunit bago yun ay pinunasan muna niya ang kanyang mukha gamit ang panyo para hindi mahalata na galing siya sa pag-iyak.

"Ba't gising ka pa?" Nagataka nitong saad.

"May ginawa lang ako. Matulog na tayo." Sabay higa niya.

Tumango lamang si Venry bago muli ipikit ang mga mata.

Makalipas ang sampung minuto ay tuluyan nakatulog si Sandy.

Sa kanyang panaginip ay naka-upo siya sa malawak na hardin habang umawit.

"Mama!"

Napahinto siya sa pag awit sabay lingon sa kanyang likuran ay bumangad sa kanya ang isang batang babae na kulay ginto ang buhok na may maputing balat at ka mukha ng anak niya ang wangis.

"Mama?" Takang niyang tanong rito.

"Opo. Anak niyo po ako."

Akmang lalapit siya rito ay dumilim ang paligid kasabay naglaho ang batang kausap niya.

"Asan ako?"

Nilibot niya ang tingin ngunit walang siyang makita maliban sa dalawang bolang liwanag.

Humakbang siya palapit sa isang bolang liwanag ngunit biglaan siyang nakarinig ng boses.

"Sandy gumising kana," mahinang saad nito

Napamulat ng mga mata si Sandy na habol hininga at pawisan. Bumangad sa kanya ang nag alalang si Venry.

"Anong napanaginipan mo?"

Tinukod niya ang dalawang kamay sabay bangon nito. Hindi mo na siya sumagot sa tanong sa halip. "Paki kuha ako ng tubig." Hinawakan niya ang leeg dahil sumakit at parang natuyo na.

Mafirite World(Under Editing)Where stories live. Discover now