Kabanata 17

6 1 0
                                    

Kabanata 17

"Te Amo, Mi Amor. I love you, My love. Sa tagalog Mahal kita, Aking Mahal."
 

Yieal Celeste POV

NAKAUWI ako ng ligtas sa inuupahan kong apartment. Dahil hinatid rin naman ako ni Uncle Ross at ni Uncle Kinley ang sweet nila. Mabuti na lang at may gumagabay pa rin sa kaibigan ko kahit wala na siyang mga magulang. Inalok din nila na ako na kung gusto ko raw ay pwede daw akong tumira sa kanila dahil pamilya na din naman ang turing nila sakin kasi Matalik akong kaibigan ng pamangkin niya at inaanak. Pero tumanggi ako dahil mas gusto kong maging independent at tumayo sa sarili kong mga paa.

Naikwento ko rin sa kanila kung bakit ako nakatira dito pero hindi nila ako hinusgahan bagkus binigyan nila ako ng isang payo na makipagayos sa mga magulang ko dahil kapag nalaman daw iyon ni Bliss ay malulungkot ito lalo na kung malalaman ang lugar na tinitirhan ko sa ngayon, hindi ko pa alam kung kaya na ba nila akong pakinggan or magiging matigas pa rin sila at ipipilit pa rin nila ang gusto nila.

Katatapos ko lang maglabar pabagsak akong humiga sa hindi kalakihang kama. Mahigit isang buwan na rin akong naninirahan sa maliit na apartment na 'to. Nabawasan na rin ang isipin ko pero nakakalungkot man ay ipagdarasal ko na lamang ang kaligtasan niya. Iniisip ko naman ngayon ay ang nalalapit na kasal ng Kuya ko nakakahiya naman kay Ate Chloe kung imomoved ang kasal nila halos tapos na sila sa preparations ng tapos imomoved lang napakaspecial ko naman yata.

"Hayyysssttt! Buhay parang life." bulalas ko sa ng nakatingin sa hangin.

NAGISING ako sa sinag ng araw na tumama sa aking mata. Hindi ko namalayan nakatulog pala ako kagabi sa kaka-isip sa mga isipin ko. Bumuntong hininga ako bago ginawa ang pangaraw araw na gawain ko.

Nakarating ako sa opisina ng mas maagap pa sa inaasahan ko. Ang ginawa ko ay inaayos ko ng kauntian ang pictures ng soon-to-be bride and inilagay sa isang files lahat ng pic and inilipat ko sa USB and ibibigay ko na lang mamaya kay boss kung okay ba or kung may babaguhin pa ako.

After kung gawin ang lahat ng yun naupo ako sa upuan ko at humilig ng biglang nagring ang phone ko. Agad kung tiningnan kung sino iyon.

Unknown Number?

Sino naman kaya 'to atsaka ang dami naman yata ng numero na 'to. Samantalang eleven digits lang naman ang kada numero ng bawat Sim dito sa Pilipinas. Sinagot ko na lang ang tawag kesa magisip isip pa ng kung anu-ano.

"Yes, who's this?" Sabi ko ng sagutin ang tawag.

"I miss your voice and I miss you, too." the voice in the other line said

Huh!? Nakadrugs yata 'to or nagdadrunk call lang 'to. Hanep din ano kung makabanat eh wagas.

"Whoever is this, spare me for this shît. I'm not in a mood to relisten you." I said in a low voice.

Totoong wala ako sa mood. Sa dami ng iniisip ko ngayon Hayyssttt.

"Celeste it's me Thane." the other voice said again.

"Thane? Thanus Thane?!" medyo napalakas ang boses na sabi ko sa kabilang linya.

"Masyado ka naman yatang naexcite ng marinig mo ang pangalan ko."  ani nito sa kabilang linya.

"Medyo lang, ang tagal mong di nagparamdam ah, Kamusta ka naman?" tanong ko.

"Hindi ayos, namimiss kita eh. Magiisang buwan na ako dito tapos magiisang buwan na din na hindi kita nakikita kaya miss na miss na kita baka paguwi ko diyan may iba ng pumuporma sayo, malulungkot ako ng sobra 'pagnangyari yun." mahabang lintaya nito sa kabilang linya na naikinangiti ko dahil sa bumalik na naman sa pagiging slang ang pagsasalita nito sa tagalog at medyo halatang may lungkot sa tono ng boses nito.

Our Love Can't Last ForeverWhere stories live. Discover now