Kabanata 6

21 1 0
                                    

Kabanata 6

Paint Brush

Thanus thane POV

Pagkatapos kung sabihin yun bigla na lamang akong napapatingin sa kanyang maamong mga mata na para bang may gustong sabihin at itanong ngunit hindi nya lang masabi at maitanong. Sapagkat, siya ay nahihiya.

"Binibini!!may gusto ka bang sabihin?" tanong ko

"Huh? Ahh...kasi...nag-tataka lang naman ako sayo...kasi... Ano, ummm...paano ba 'to?" sabi nya habang pakamot kamot sa batok nya.

"Kasi...ano?"

"Hindi...kaba naiinitan sa suot mo? A-ang ibig kung sabihin ay napakataas ng araw dito sa labas ngunit...bakit naka Jacket ka pa?"

Bigla akong na statwa sa mga sinabi nya. Paano ko sasabihin sa kanya na hindi ako pwedeng maarawan dahil may sakit ako at itong sakit na 'to ay habang buhay ko ng dala dala.

"Ahhh! Yun ba! Hindi naman ako naiinitan saka tunayan nga niyan ay nilalamig ako ngayon eh Kaya nga naka Jacket ako. Ummm...kasi lamigin kasi talaga akong tao eh. Kaya naman nagsuot ako ng jacket bago ako lumabas at sundan ka para makahinge ng sorry sayo sa nagawa ko." mahabang paliwanag ko.

"Ah ganun ba! Hehehe sorry ah."

"No! No it's okay. You don't need to say sorry. It's just that your... right naman." I said.

"Okay. Ummm... can we go back na?" she ask.

"Yeah, sure." I replied back.

********************

Yieal Celeste POV

Nagsimula na kaming maglakad pa balik sa mansyon nila. At hindi ko ako mapakali kasi gusto ko din humingi ng sorry sa nagawa ko dun sa pagputol ng paint brush nya.

Tahimik lang kaming naglalakad. Tingin dun. Tingin dyan. Lingon dun. Lingon dyan. Para kaming timang sa paglingon-lingon at pagiwas iwas ng tingin sa isa't isa.

At hindi na ako nakatiis ako na ang nagsimulang magsalita.

"Ginoo!"
"Binibini!"

Pagkakataon nga naman sadyang mapaglaro dahil sabay pa talaga kaming nagsalita.

"Sige ikaw na ang mauna!"
"You Go first!"

At pagkakataon nga naman sabay pa ulit kaming nagsalita.

"I-I mean lady's First"

"Ummm. Okay sige"

"Ummm... gusto ko lang na magsorry sayo kasi naputol ko yung paint brush mo last time nung nagpunta ako ng plaza para kumuha ng mga litrato. Ummm...sorry ah. Don't worry bumili naman ako ng bago Kaya lang...hindi ko sya naibigay sayo. Kasi wala ka na nung pagbalik ko galing sa isang mini store at dala na yung paint brush na binili ko tapos hindi ko rin sya naidala ngayon eh...atsaka hindi ko naman alam na dito pala ang punta namin ni kuya eh. Kaya hindi ko sya nadala." mahabang pagpapaliwanag ko.

"Bakit bumili ka pa?" medyo slang na tanong nya.

"Kasi nasira ko yung paint brush mo kaya bumili ako ng bago pamalit dun sa nasira kung paint brush mo"

"Oh. Okay. But you don't need to do that because I have so many paint brush inside my room. That's why I said to you that time na you don't need to buy one b'coz I already have an extra paint brush, right? Anyway, thank you"

"Yeah, B-But..."

"No but's! Okay?"

"Okay. Thank you." sabi ko ng naka ngiti.

Our Love Can't Last ForeverWhere stories live. Discover now