Kabanata 20

17 1 0
                                    

Kabanata 20

Will you be my wife?

Thanus Thane POV

It's been a year since Celeste become my girlfriend at sa bawat araw na lumipas at naging masaya ako iyon na yata ang pinaka masayang mga araw sa buhay ko ang nakasama siya at buong pamilya ko.

Pero habang tumatagal ay nagiguilty ako dahil may nililihim ako sa kanya and every time I'll try to tell her nauupos ang dila ko. Hindi ako makapag salita. Dahil natatakot akong baka magbago ang pagtingin niya at iwan niya ako. Ayokong mangyari yun ikamamatay ko.

And now, we're planning to celebrate our anniversary on a beach na siyang kinababahala ko dahil hindi ako pwedeng mabilad sa araw hindi dahil nagiinarte ako kundi dahil may sakit ako na hindi pwedeng masikatan ng araw.

Ano na lang ang sasabihin ko kapag nag-aya na siyang maligo sa dagat. Sa loob ng isang taong naging nobya ko siya hindi ko siya mapagbigyang maligo sa dagat kaya napag-usapan namin sa anniversary na lang namin iyon gagawin ang maligo sa dagat at manonood ng sunset at sunrise.

Nagd-date man kami sa araw pero nakasuot ako ng makapal na jacket at palaging nagdadahilan sa kanya hangga't sa maubos na ang lahat ng dahilan ko.

"Thane!!!"

"Huh?"

"Anong nangyayari sayo? Bakit tulaley ang peg mo d'yan?" Ate Chloe said.

Hindi ko namalayan dumating siya nakita nya tuloy akong malalim ang iniisip ko.

"Wala." sagot ko.

"Anong wala? Thane, kilala kita may gumugulo sayo ano?!" mataas na boses na sabi nito.

"Ate pakihinaan naman ang boses mo hindi naman ako bingi."

"Oo na. Ang arte mo." singhal nito sakin.

"Tsk. Hindi naman sa maarte sadyang malakas lang talaga ang boses mo." sabi ko pa.

"Aba't talagang—"

"Hey. Wife, tano't naririnig ko na naman ang boses mo mula sa kusina." Kuya Yo said ng makarating ito sa living room.

Nandito sila sa bahay ni Ate nakatira dahil ayaw ni Mom na umalis sya dahil malaki naman daw ang bahay namin sa una ayaw ni Kuya Yo dahil magasawa na daw sila at kailangan na nilang bumukod pero hindi pumayag si Mom and Dad kaya ang ending dito na sila titira.

Ayos lang din naman kina Tito Yulle at Tita Celestina at may kundisyon sila na kailangan laging dadalaw si Ate at Kuya sa kanila. Lalo na't magkakaapo na sila. Dahil six months ng buntis si Ate.

"Ito kasing si Thane nagagalit tinatanong ko lang naman siya." nakangusong sumbong nito kay Kuya Yo habang tinuturo ako.

"Bakit parang kasalanan ko pa?" takang tanong ko.

"Kasalanan mo naman talaga, ah!" Ate Chloe shout at me.

"Hey, Wife, tama na yan baka mapano si Baby." pagpapakalma ni Kuya Yo sa kanya.

Tsk. Childish. Buntis na nga Childish pa. At lagi akong naiingit kay Kuya Yo dahil magiging Daddy na siya. Ako kaya kailan ako magiging Daddy.

Speaking of Daddy. Hmm. I wonder kung anong feeling ang maging isang Ama. Gusto ko ring maranasan ang maging isang Ama, at magkaroon ng sariling pamilya.

Pero hindi ko alam kung kaya ko. Nakakatakot baka makuha ng magiging anak ko ang sakit ko. Ayoko ko nun hindi sya magiging masaya ng lubusan dahil hindi siya makakapaglaro man lang sa ilalim ng araw.

Napukaw ang pagiisip ko ng masayang naghaharutan ang dalawang tao na nasa harapan ko.

Tsk. Lalandi eh.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 02, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Our Love Can't Last ForeverWhere stories live. Discover now