Kabanata 3

25 2 0
                                    

Kabanata 3

Thanus Thane San Diego 

Celeste POV

'Sya si kuyang pintor'
Bakit sya nandito? Kapatid ba sya ni Ate Chloe? Tanong ko sa aking isipan.

"Ang Guwapo ko naman yata para maging Kabayo?" tanong nya.

"Huh!..ah...eh.. Hindi...naman po sa ganun..." pilit na sagot ko.

Matagal bago ako nakasagot kasi tinitigan ko sya tapos panay pikit mulat ang ginawa ko sa aking mga mata sa kadahilanang hindi ko alam kung totoo ba sya or guni guni, at dahil nagsalita sya ay napagtanto kong totoo nga sya.

"Sino ka't anong ginagawa mo dito?" kaswal na tanong nya.

"Huh! Ano po!?" nagulat na tanong ko.

"Sabi ko kako anong ginagawa mo dito't sino ka?"

"Huh."

"Tsk. Bingi ka ba!"

"ah-eh, ano...kasi... g-galing akong CR then nakita kong medyo nakabukas itong pintuan...ta-tapos na curious ako kaya naman lumapit ako't tiningnan kung anong meron dito, hindi ko naman alam na bawal pa lang pumunta dito. Pasensya na." mahabang paliwanag ko.

"Ahhhh, bisita ka dito?"

"Huh!...ah...eh..-" naputol ang sasabihin ko ng may dumating na isang maid para magtanung sa kanya.

"Señorito Gising na po pala kayo, hinabilin po kayo saamin ni Ma'am at Sir na gisingin daw po kayo para makapag breakfast na daw po kayo't patanghali na daw po ay hindi pa daw po kayo nagaalmusal." mahabang linya ng katulong nila.

"Ganun ba. Sige susunod na lamang po ako Ate Mel."

"Sige po señorito ipaghahanda na po namin kayo ng makakain." ani ni ate Mel at hahakbang na paalis pero agad syang tinawag ng Señorito nya.

"Ate Mel Sino po sya?" magalang na tanong nito't sabay turo sakin.

Bahagya akong nagulat nun, kung makaduro kasi eh.

"Ah, sya po pala si binibining Celeste" sagot ni ate Mel.

"Anong ginagawa nya po dito?"

"Bisita po sya ni Señorita Chloe."

"Nasan sya?"

"Sino po?"

"Si ate."

"Umalis po sya señorito kasama po ang nobyo nya, nagrocery po sila."

"Kaya pala. Pakisabi sa kanya na huwag syang basta basta sumisilip sa may pinto ng may pinto." malumanay na sabi nya pero may diin sa bawat salitang binitawan nya.

"Opo. Paumanhin po Señorito aalis na po kami."

"Sige."

"Halika na binibini, ihahatid ko na po kayo sa Sala."
yaya ni ate Mel sakin paalis dun sa may pinto ng kuwartong yun.

"Pasensya na po ate Mel" paunmahin ko. Habang paalis dun.

"Ano po bang ginagawa nyo dun binibining Celeste?" tanong ni Ate Mel habang naglalakad kami pabalik sa Sala.

"Huh! Ah, eh, kasi nacurious ako kaya pinuntahan ko po at sinilip ang kuwartong yun, Hindi ko naman po alam Ate Mel na bawal pa lang sumilip dun eh. pasensya na po."

"Huwag kang magalala ayos lang yun." sabi nya ng nakangiti.

Hindi na ako nagtanong tanong pa at nahihiya na ako para sa kay Ate Mel eh. Nang dahil sakin napagalitan tuloy sya. Nakatungo lang ako habang naglalakad.
Hanggang sa nakarating na kami sa Sala. Pero si ate Mel ay agad na  hinila ang tali ng malaking kurtina para dumilim at matakpan ang liwanag ng araw na tumatama mismo sa sala.

Our Love Can't Last ForeverWhere stories live. Discover now