Chapter 3

329 36 3
                                    

WHEN THE DAYS PASSED parating nang nag chachat si dexter slash Xerde at parati ko ding hindi pinapansin.

Ngayon ay ang aga ko pumunta ng paaralan dahil para narin maka iwas sa mga utos ni inang hari.

Naka upo ako sa bench at naka tanaw sa field na walang ka tao tao.

Parati akong ganito, maaga papasok para magpa hangin, nakakawala kasi ng stress basta dito ako tatambay.

Nakapikit ang aking mata ng may naramdaman akong umupo saaking tabi.

Nang inimulat ko ang aking mga mata ay tumambad saakin ang pinaka gwapong mukha, naka ngiti ito ng matamis.

Hahawakan na sana niya ang mukha ko nang sinuntok ko siya.

"What the fuck!?" Takang tanong nito na hawakhawak ang kanyang mukhang sinuntok ko. "Saan ka ba natutong manuntok!?" Takang tanong nito.

Hindi ko ito inabalang sagutin.
"Tanginamo bakit ka nandito!?" Galit na tanong ko dito

"Syempre dito ako nag-aaral!"

"Ang ibig kong sabihin ay bakit anlapit ng mukha mo sa mukha ko! Naka ngisi ka pa na parang timang!" Sabi ko dito.

"May Paro-paro kasi akong nakita kanina sa mukha mo" sabi nito sabay kamot ng kanyang ulo.

Alam kong nag sisinungaling to dahil nag bu-blush!

"Tss" sagot ko at saka hindi na pinatulan.

'Hindi parin nag bago, immature padin'
Sabi ko saaking isipan.

"Ahm,Lon?" Tawag nito saakin.

"It's lich, Don't call me Lon dahil hindi tayo close!" Malditang sabi ko dito sabay irap.

Bago pa siya maka talk ay tumayo na ako at saka iniwan siya, ni hindi ko na siya tinapunan ng isang tingin.

Patuloy lang ako sa pag lalakad ng maka salubong ko si Jazel sa labas ng pinto ng classroom namin.

"Oh? Bakit ganyan yang mukha mo? Sinong nambwesit sayo?" Takang tanong nito nang makita ang naka kunot kung noo.

Hindi ko siya sinagot at saka nagpa tuloy nalang sa paglalakad ng nakakunot padin ang noo, hanggang sa maka pasok sa aming classroom.

Jazel POV...

Lalabas na sana ako ng classroom ng makasalubong ko si Lon,naka kunot ang noo at saka parang bwesit na bwesit ito.

"Oh? Bakit ganyan yang mukha mo? Sinong nambwesit sayo?" Nagtatakang tanong ko dito.

Kahit natatawa ay tinatag ko na maging seryuso, ang cute niya kasi basta mabwebwesit, lumolubo ang pisngi HAHAHA.

Tinignan lang ako nito at saka nagpatuloy sa paglalakad, naka tingin lang ako sa likod nito hanggang sa maka pasok siya sa loob.

Kahit natatawa ay nagtataka din kung bakit naging ganon ang mood non.

May ngiting tinignan ko kung saan si Lon nanggaling kanina, pero nawala nalang yon ng makita ko kung sinong naka tayo doon.

Ang kaninang mukha ni Lon ay naging mukha ko nadin.

Kunot NOOng pinuntahan ko ito.
Naka tingin lang ako sakanya at ganon din siya.

"Mag titinginan nalang ba tayo dito?" Iritabling sabi ko.

"Ahm,Sorry" naiilang na paumanhin nito.

"Sorry? Gago kaba?" Pagmumura ko nito.

"Okay okay, magpapaliwanag ako basta wag lang dito." Sabi nito.
"Mag kita tayo mamaya sa Likod ng faculty,pag katapos ng klase." sabi nito at saka naglakad na palayo.

Nang mawala na ito saaking paningin ay Tumonog na ang School bell.

Napailing nalang ako at naglakad na, nasa pinto na ako ng may pumasok sa isip ko.

'MISTERYUSONG DEXTER ,ganon padin ang nakilala ko 10 years ago'

Nang maka pasok ako saloob ay si Lon agad ang hinahanap ng aking paningin, nang makita ko ito ay nasa may bandang Likoran ito katabi ng upuan ko.

Naka busangot ang mukha habang sumusulat.

Pinuntahan ko ito at saka umupo sakanyang tabi.

"Hey, are you okay?" Malambing kong tanong dito, para kunang kapatid si Lon kaya sobrang yung galit ko kay Dexter na naging Xerde, nung nalaman kong iniwan niya si Lon, ni hindi nila alam ang rason kung bakit.

"No." Pag aamin nito, napangiti nalang ako ng maalalang hindi lahat nagbago kay Lon,Hindi parin ito sinungaling.

"Sge pagkatapos ng isang subject punta tayo ng canteen, bili tayo nang mugo-mogu" Malambing ko paring sabi nito.

Nang marinig nito ang Mugo-mogu ay lumiwanag agad ang mukha nito,Paborito kasi niya ito.

"Libre mo ha!" Panigurado dito.

"May sinabi ba akong libre ko?" Pang aasar ko dito.

"Okay." Nakabusangot ulit ang mukha nito kaya natawa ako.

"O sya sge libre ko HAHAHA" Tumili ito kaya tawa ako nang tawa, ginulo ko nalang ang kanyang buhok at saka umupo na ng tuwid dahil Pumasok na ang guro.

Nagpa quiz ito kaya inabala ko nalang ang aking sarili.

Abangan...

A/N: hi mga readers sana magustuhan niyo, At sana ma supportahan nyoko, and don't forget to vote po. THANK YOU!

THE BEGINNING (Series 1)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora