Chapter 4

281 30 1
                                    

A/N: hi mga nababies, sana magustuhan niyo🤗 ENJOY!

Jazel POV...

Nandito kami ngayon ni Lon sa canteen dahil sa ipinangako ko sakanya.

Nakatingin lang ako sakanya, habang siya ay sayang saya na umiinom ng mugo-mogu.

"Hoy! Alam kung maganda kaya tigilan muna yang kakatitig mo saakin" maarteng sabi nito sabay irap.

"Feelingera! Ampangit mo kaya!" Pang aasar ko nito.

"Eh bakit ka nakatitig sakin?" Naka simangot na tanong nito.

"May langaw kasi sa noo mo" pag sisinungaling ko dito.

"Tss, tara nanga baka makita tayo ni miss Anna high blood, baka parusahan pa tayo" sabi nito at saka tumayo na.

Si miss anna ay isang guro na parating galit kaya tinatawag siyang miss anna high blood at miss better, dahil pag may nakitang siyang mag jowa pinaparusahan niya.

Tumayo narin ako at sumunod kay Lon ng huminto ito, tatanongin ko sana siya kung bakit siya huminto nang makita ko kung sino yung nasa harap niya.

"Dexter..." mahinang wika ni Lon.

Nakatitig lang sakanya si Dexter nang hilahin ko na si Lon.

Nang malayo na kami ay binitawan kona ito, ng tinignan ko si Lon ay tulala lang siya na nakatitig sa harapan na parang nandon pa si dexter.

Hinawakan ko ang kanyang balikat at saka kinausap "Lon" tawag ko dito pero tulala parin.

"Lon!" Malakas na tawag ko dito, para namang natauhan siya at tumingin sakin, may lungkot ang kanyang mata at saka sakit.

"Ha?"wala sa sariling tanong nito.

Napabuntong hininga nalang ako at saka hinila siya paupo sa bench.

Hindi ganito ang kilala kung Lich Lon,
Ang Lich Lon na kilala ko ay masiyahin, at palabiro.

Naging pasaway at palagi na itong tulala nung nawala Yung first love nito, na si dexter.

Gusto ko na bumalik na yung Lich Lon na nakilala ko pero hindi ko pa alam kung paano, gagawin ko ang lahat para lang bumalik siya sa dati.Para ko na siyang kapatid, para ko na siyang pamilya, kaya gagawin ko ang lahat.

Tahimik lang kaming dalawa habang umupo, may nakita akong nag titinda ng ice cream kaya nagpaalam lang ako sakanya saglit.

Naka tingin lang ako sakanya habang bumibili. Naka tungo ito at parang may iniisip.

Nagpaka wala ako ng hininga at saka binayaran ang ice cream na binili ko.

Lich POV....

"Dexter..."

Napa iling nalang ako nang maalala ko yung pagka salubong namin kanina, At Oo apektado parin ako sa nangyari 10 years ago, ikaw ba naman iniwan ng hindi sinabi ang dahilan.

At parang mahal ko pa siya....

Napamulagat nalang ako saaking iniisip,
'shit! Erase erase!'

Napa angat nalang ako nang tingin ng makakita ako ng dalawang pares ng sapatos saaking harap, at si jazel yon na may dalang dalawang ice cream.

"Oh ito ice cream, wala ka nanaman sa sarili mo kanina."mahinang usal nito.

"Lon,mahal mo pa?" Malumanay na tanong nito, Nang dahil sa tanong niya ay nabilaokan ako saking sariling laway.

"Tangna ano bang tanong yan?" Hirap na tanong ko dahil umuubo parin ako, Naka tingin ako sakanya nag alala ang mukha nito,at ang kamay niya ay nasalikod ko.

"Sorry, kasi pag ikaw lang mag isa parati ka nalang wala sa sarili, at kung hindi kalang kinakausap ng pinsan mo eh baka nandon ka parin  hanggang sa gumabi." Mahabang kwento nito "dahil ba ito kay dexter?" Tanong nito.

Naka tingin lang ako sakanya at saka hindi sinagot ang tanong nito, kasi hindi ko din alam kung bakit nagkakaganito ako.

Napa buntonghininga lang ako at saka kumain nalang ng ice cream.

Napatingin ako kay jazel ng nagpakawala ito nang hininga na para bang Problemado.
Tumahimik na ito at saka hindi na muli akong tinanong, kaya kumain nalang kami hanggang sa matapos.

Abangan...



A/N:  alam ko po na hindi kagandahan yung sinulat ko pero sana po, ma supportahan niyo parin ako :>

Kung meron man akong typo, at wrong grammars po, please let me know para maayos ko po,Salamat.

Sa mga nag babasa at sa mga nakaka appreciate sa mga story ko, marami pong salamat.❤️ Godbless, keep safe po mga Nababies.

THE BEGINNING (Series 1)Where stories live. Discover now