Chapter 11

135 21 2
                                    

"Lon, Pumunta kanalang daw sa taas sabi ni jax." Walang lingon lingon na sabi ni Jazel.

"Ahh, okay" Nagligpit na ako ng gamit ng mag salita si jazel.

"Wala pang sinasabi si dexter sayo?" Hindi parin lumilingon na tanong ni jazel.

"Huh?" Takang tanong ko dito.

"Ahh~Wala." Sabi nito at saka lumabas na.

"Ano yun,Parang timang tsk." Napabuntong hininga nalang ako.

Tahimik lang akong naglalakad sa Corridor, maagang nag dismiss lahat ng klase dahil may meeting kaya Tahimik na ang lahat ng classroom na nadadaanan ko.
Napabuntong hininga ako habang hawak ang bag at gitara habang patuloy na naglalakad.

Feel ko sa tuwing nagiisa ako,Wala akong kasama.:<

"Pst"

Napalingalinga ako sa paligid nung may narinig akong sumitsit.

Gaghue Nakakatakot. Ako lang mag isang nag lalakad sa Corridor kaya nakakatakot ng may sumitsit.

"Pst"

Napabilis ang paglakad ko dahil may naring nanaman akong sumitsit. Lumilinga-linga ako sa likoran ko kaya bumanga ako sa Isang likod ng tao.

Owemjie baka multo etho huehue

Hinayhinay ko itong tinignan at Kumalma ako ng makitang hindi ito multo kundi isang Mokong.

"Pangit mo naman" bigla nitong sabi. Inismiran ko lang ito at saka nag lakad na papunta kay jax na nasa Itaas.

"Hoi, ang sungit mo naman"

Inirapan ko ito. "Bat kaba nandito?"

"Sinusundo ka"

Taka akong Napatingin dito. "Ano?"

"Bingi kaba?"

"Psh"

Patuloy lang akong naglalakad habang talak ng talak si Lance sa likuran ko.

"San kaba pupunta?" Tanong nito ng huminto ako sa harap ng classroom nila jax.

Pumasok ako sa loob at nakita ko si Jax kasama ang Banda At saka si Jazel na parang may saring mundo.

"O heto na pala si Lon" sabi ni jax na siyang unang nakapansin ng aking pag pasok. "Ah ito nga pala si james" turo nito sa matangkad na parang langit ang buhok. "At ito naman si Clinch" turo din nito sa lalaking matangkad na palangiti at pink ang buhok. Parang mga koreano amp.
"Si Lon guys, Bagong guitarists naten."

"Welcome" sabi ni clinch ng naka ngiti habang hawak ang stick ng drum.

"When tayo mag pa-practice?" Tanong ko sa mga ito.

"Ewan, tanong mo nalang kay jazel."Sabi ni jax at saka umupo sa upuan, nilapitan ko ito at saka bumulong.

"Bat kay jazel?"

"Kasi siya yung leader"

"Huh? Bakit sabi nila ikaw?" Takang tanong ko dito at saka umupo sakanyang tabi.

THE BEGINNING (Series 1)Место, где живут истории. Откройте их для себя