Chapter 6

189 29 1
                                    

Kasagsagan pa ng klase nila Lon ng may pumasok na babae, Kaya Napatingin ang lahat sakanya.

Lumapit ang guro dito, Nang nag uusap ang dalawa ay mataman itong tinignan ni Lon.Tumango tango ang guro at saka hinayaan na ang babaeng pumasok.

Familiar sakanya ang mukha nito kaya di niya maiwasang mag isip kung saan niya ito nakita.

"Hi everyone,My Name is Cheska Chan" Magandang pagpakilala nito sakanyang sarili.
"Sa mga nagtataka kung bakit ngayon lang niyo ako nakita,Ay dahil hindi ako dito nag aaral." Nakangiting sabi niyo. "Nandito ako para Tanonging,kung sino yung mga sumali sa Altar server."

Nag taas ng kamay si bella, Lon at iba pang gustong sumali.Tahimik lang ang lahat na nakikinig kay Cheska.

"Sa mga gustong malaman kung anong susuotin At kung kailan ang practice ng pag lalakad ay pumunta lang kayo sa loob ng simbahan pagkatapos ng mga klase niyo." Nakangiting sabi nito at nag paalam.Pinagpatuloy naman ng guro ang kanyang klase kanina na nabitin.

"Ang ganda talaga ni ate Cheska,Ano?" Parang tangang sabi ni bella sa tabi niya, kaya Napatingin ako. Nakatutuk ang mga mata nito sa nilabasan ng babae kanina na Cheska ang pangalan.

"Kilala mo?" Takang tanong ko dito at saka binalik ang mata sa gurong nagtuturo.

"Syempre, Siya kaya yung Vice President ng Mga sakristan, Gosh! Hindi mo alam!?" Hindi makapaniwalang tanong nito. Nagtatakang tinignan ko lang siya.

hindi parin ito makapaniwalang nakatingin saakin.

"what!?" iritabling tanong ko.

"Gosh! iwan ko sayo!" frustrated sabi nito at saka binaling ang paningin sa guro.
Napailing nalang ako sa kanyang ginawa.

nakakunot ang noong nakinig nalang sa guro si Lon nang may kumalabit sakanya.

"Ano bah!?" naiinis na tanong ko dito.

Ngumiti lang ito nang napakatamis sakanya at saka may pinakita.Napamulagat ang mata ko nung mapagtanto ko kung ano ito.

gusto kung timili pero baka ma pagalitan pa kami kaya ay bumulon nalang ako sa kanya.

"Bakit mo dinala ito?" Nakangiting tanong ko dito sabay tingin sa Gitara na nasa ilalim ng aming upuan.

"Wala,Gusto ko lang dalhin dahil alam kong gustong gusto mo yung gitara ko HAHAHA" Nakangiting sabi nito sabay Hagikgik. Napatawa at napailing nalang ako. Hindi ko na ito kinausap at saka nakinig nalang sa gurong hindi pa tapos sa pag eexplain.

....

"Jazel!" Tawag ko kay jazel, at Napatingin ito saakin. Agad itong nagpaalam sakanyang mga kasama at saka pumunta sa tinatayoan ko.

"Uuwi kana?" Tanong ni Lon dito.Nakangiti ito ng malapad.

"Ahh, Oo may gagawin pa kasi ako." Malumanay na sagot nito. Nagtatakang tinignan niya ako, Na gulat nalang ako ng humalakhak ito.

Naka pout na tinignan ni Lon si jazel at pati narin ang gitara.
"Hiram!" Sabi niya dito at Parang batang inilahad nito ang kanyang kamay.

Tumawa ito ng napakalakas, kaya napapatingin na saamin ang mga estudyanteng nag lalakad.
Nakasimangot na Hinampas ko ito sa braso at nala 'Aw' ito dahil sa lakas ng pagkahampas ko.
Inirapan ko ito at saka Tumalikod nalang para mag lakad pumuntang simbahan dahil hinihintay na siya ni bella.

Nasa kalagitnaan na ako ng pag lalakad ng may humigit saaking braso. Nang mapagtanto ko kung sino ito ay agad akong napa simangot.

THE BEGINNING (Series 1)Where stories live. Discover now