Chapter 24 The criminal behind

1.1K 27 2
                                    

Nag simula nang maglakad papalapit si Bron sa kinaruruonan ng mga lalake at ng scientist.

' Oh no.. Bron.. Kailangan ko siyangmasenyasan. Pano ba to.. '
Inisip ni Hannah paano niya makukuha ang atensyon ni Bron. Nangungunahan talaga siya ng kaba.

Nag lingon-lingon muna si Bron sa paligid nag hahanap ng mabilis na daan papunta sa scientist. Naisip ni Hannah ito na ang kanyang pagkakataon. Alam na niya ang gagawin.

Huminga ng malalim si Hannah at inayos ang sarili.

' I need to act real.. Para maniwala si papa sa akin '

Pinagmasdan muna niya uli si Bron. Tahimik lang ito habang nag hahanap ng daan. Ngayon, disidido na si Hannah sa plano niya.

“Papa !” sigaw ni Hannah. Sinigurado niyang maririnig ito ng kanyang papa at ni Bron.

Napalingon ang lahat sa kanya pati si Bron. Napansin ni Hannah na nagulat si Bron pero nagatuloy parin siyang lumapit sa matandang scientist. Tumayo naman ang scientist hawak-hawak ang bulaklak.

“Hannah??” He was surprised but he was also confused. “Where have you been all these days? Akala ko linayasan mo na ako. You should work for me, anak. Marami pa akong plano para sa mundong ito. Mabuti na rin at nandito kana.” Sambit ng matanda habang pinasa ang bulaklak sa mga kasamang lalake.

Sumilip ng kaunti si Hannah sa kaliwa para masilip kung ano nang reaksyon o ginagawa ni Bron. Nakita niyang nakamasid parin ito sa kanila at ngayoy naka yuko na. Parang napigilan na siyang lumapit pa.

May na isip nanaman si Hannah at bigla niyang hinagkan ang ama. Nagulat ang matanda. Gusto niya palang masenyasan si Bron and to distract her father, she had to hug him.

Sumenyas si Hannah kay Bron. Pinapa alis na niya ito. Naguluhan si Bron at parang ayaw naman nitong umalis.

“Papa.. akala ko napano na kayo. ” She acts.

“Ok lang ako, anak. I’m the creator of this misfortune; The leader of these creatures. Kaya alam kong walang mangyayari sa akin. Sumama ka sa akin, Hannah.” sabi ng scientist.

Binitawan ni Hannah ang ama at sa pag lingon niya, wala na si Bron sa tinataguan niya. Lumingon-lingon siya sa paligid at hinanap si Bron. Napalingon rin ang scientist nang napansin niya ang anak na hindi mapakali.

' Umalis na kaya talaga siya? Dahil kung ganun man, mas mabuti. Mas kailangan siya ni Amelia.'
Inisip ni Hannah.

Hannah hoped for the best. She took a quick view around the place. It looks heavenly. Parang may sariling mundo dito. Napapikit siya dahil alam niyang ngayoy nasa kamay na siya ng kanyang ama, hindi na siya makakatakas pa.

"Hmm.. Nakakabighani hindi ba? " Biglang sambit ng matanda at napatingin rin sa paligid. "Napaka gandang lugar. I wish we could stay, Hannah. Pero madami pa akong gagawin.."

Hannah came back to her senses  " Opo papa. Ah. Nga pala, anong ginagawa niyo rito at may dala pa kayong... Babae? Okay lang ba siya?”

“ Kinuha ko lang naman ang Last Flower. At ikaw ba...hinahanap mo rin ba ang white fey? May kasama ka bang mga scientists? Nag tatrabaho ka ba sa kanila?” He looks crazy with his eyes widen habang napapraning na tumitingin sa paligid.

" Ay hindi po. Hindi po. Ako lang po magisa. Matagal na po akong naglalakabay. I came here to drink the fresh water papa. Tapos jackpot pang natagpuan rin kita dito” May karugtung pang ngiti si Hannah kahit nag simula namang kabahan.

“ Aahh.. Kung ganon, mabuti.” Sambit ng matanda at kinuha ulit ang bulaklak sa kasamang lalake.

“ Ito ang White Fey na tinutukoy ko. Ito lang ang bagay sa mundo na may dalawang katangian. Arsenic at Aseptic. Arsenic dahil this plant contains very strong poisonous substance. Ang pollen nito ang ginamit ko, ito ang pangunahin sangkap ng virus na ginawa ko. Na buong akala koy gagawin akong immortal. At Aseptic din ito dahil ang petals at mga dahon nito ay maaring gawing sangkap rin para makaiwas sa mga viruses na tulad sa pagiging zombie. Brilliat right? Hindi mo aakalaing this two substances exist in one thing. The source is also the cure. I know nagkamali ako, anak. Pero sa tingin ko I can still rise with what I've made. At dahil na diskubre ko ang bulaklak na ito, para na akong Diyos. I will not die, anak. Pati ikaw !!”  May masamang tawa sabay akbay pa ang matanda sa anak.

Nanalaki ang mga mata ni Hannah nang narinig niya ang pahayag ng ama. Hindi mapigilang manginig ang kanyang buong katawan sa takot sa sariling ama.

“ Tignan mo anak kung anong nangyari sa mga damo sa paligid ng bulaklak na kinuha ko….” Tinuro ng matanda ang damo sa baba.

Lalong nagulat si Hannah dahil ang puting damo na nakapaligid sa bulaklak noon, ngayon at kulay brown na; patay na. Pati na rin ang mga damo na nasa ilalim ng ilog, they withered sa kaunting panahon lang.

“ This is the mother flower. Kinuha ko ito para hindi na magamit ang mga herbal weeds na iyan. Hah! Pity to those scientists na naunahan ko! At maraming salamat sa mga alaga ko (zombies) dahil tinapos na nila ang lahat ng sagabal sa mga plano ko.” He smirked and laughed na nag echo. Tinapakan naman niya ang mga kawawang damo.

Gusto sanang labanan ni Hannah ang ama sa ka brutalan nito, ngunit alam niyang wala siya sa pwestong mananalo siya. She’s certainly at the pit of the dragon.

“Sino naman tong babaeng to, papa??” -Hannah

“Ito??? Ito lang naman ang babaeng minahal ko noon pa man. My first love. Don't get me wrong, minahal ko rin ang mama mo. But this... I loved her more. We were suppose to get married kaso hindi niya gusto ang pagiging scientist ko at ang mga pananaw ko sa buhay. Dumaan muna ang maraming taon bago ko nagawa ang aking plano. Mahal ko pa rin siya kaya kinuha ko ang kanyang atensyon gamit ang kanyang anak na babae. I injected her daughter the virus. In fact, ikaw pa nga ang nag inject nun sa kanya. Naalala mo pa ba? " Pangiting tanong niya kay Hannah. " I chose that child para bumalik sakin ang babaeng ito. I want her to beg. ” May pahawak hawak pa ang scientist sa maputlang mukha ng halatang patay na na babae.

“ Pero hindi! Hindi man lang siya nagpakita sa akin! She fell sick raw at lage raw siyang nasa ospital. And I blame her child because of that. Gusto kong mamatay ang batang iyon! " He paused for a second at nagpatuloy " Ngayong nahanap ko na siya, she resisted everything I gave her. Hindi siya kumakain.  She resisted the life I gave her. Kaya... hinayaan ko nalang siyang mamatay. Kung wala rin naman siyang silbe, eh di huwag na! Kaya ngayon.. isa nalang siyang test object. I will use her lifeless body para sa mga gagawin kong mga experiments sa hinaharap” Marahas niyang binitawan ang ulo ng babae.

Maya mayay nag simula na silang maglakbay ulit pa akyat sa lupang hagdan papinta sa patag.

Habang nag lalakad, napaisip si Hannah..
'Kaya naman pala galit na galit si Bron kanina dahil nakita niya ang kanyang ina sa mga kamay ng mga taong ito. Nakakainis marinig ang kwento ni papa. Napakasama niya talaga! Gagawin ko ang lahat para mapigilan siya sa mga masasama niyang balak. Kukunin ko iyang bulaklak na iyan… Kukunin ko iyan!'

Ngayon nanginginig si Hannah hindi dahil natatakot parin siya. Kundi dahil galit na galit na siya. She’s clutching her own fists. All she has for her father is hate. It has always been hate. Siya at ang mama niyang abusadong abusado sa ama niyang ito.

“ P-papa, saan na tayo pupunta ngayon? ” –Hannah

“Were heading back to my lab. Doon natin sisimulan ang mga plano ko. ” Sambit ng matanda. Sunod ng sunod lang naman ang dalawang lalake sa kanya, dragging the dead woman.

' Sh*t. Gabi na! Nag aalala ako ng sobra para kay Amelia. Siguradong any minute from now, mawawalan na nang bisa ang antidote sa katawan niya. Madadaanan nga siguro namin sina Bron at Amelia ngayon.'

Kumapa si Hannah sa kanyang sling bag at nanlaki ang mga mata ng na hawakan niya ang kahulihulihang tube.

' Hindi ko naman inakalang matatagalan pa ako ng sobra. Pero kahit na, bobo pa rin ako at hindi ko to naiwan kay Bron. Naku, Diyos ko... Si Amelia..'

--

The Last Flower (ZOMBIE apocalypse) Where stories live. Discover now