Chapter 26 A kiss, goodbye

1.1K 29 10
                                    

"Bron !!!!" Ilang steps nalang at pinulot na ni Hannah ang sword na nakahandusay sa gilid ni Bron.

Hannah held the sword, nakapikit matang sinaksak sa likod ang zombie(si Amelia noon).
It rained blood. Basang basa si Hannah at lalo na si Bron dahil sa kanya naka harap si Amelia. Sabay naman sa pag baha ng dugo ang agos ng mga luha ni Hannah.

Nakaluhod ng ilang sigundo si Amelia bago pa man siya tuluyang natumba. Agad namang lumapit si Hannah kay Bron na nakapikit mata.

"Bron! Nandito na 'ko!" Hawak ni Hannah ang mga balikat ni Bron.
Patuloy parin ang agos ng luha sa mga mata ni Hannah habang ginigising si Bron.

"H-Ha-naah" Mahinang boses ni Bron. He's loosing too much blood.

"Bron, I'm sorry natagalan ako.. I'm sorry ngayon lang ako. Hindi ko naabotan si Amelia." She cried in between words

Minulat ni Bron ang kanyang mga mata at dahan dahang pinunasan ang mga luha ni Hannah. Hinawakan naman ni Hannah ang kamay na ito. Malamig na ito.

"Nakita ko na ang bulaklak. We can finally put an end to this, Bron." Hinigpitan ni Hannah ang pag hawak sa kamay ni Bron.

"Patawarin-

"Shhhh..." Tinakpan ni Hannah ang bibig ni Bron at tumingin sa paligid.

Nandito na ang scientist at ang kanyang mga kasama. Agad inayos ni Hannah ang kanyang itsura at pinigilan na ang kanyang mga luha.
Naguluhan si Bron at napatingin ulit siya kay Hannah.

"Hannah! Sino iyang kausap mo?!" Nagmamadali sa paglalakad ang doctor sa pagtataka kung sino ang kinakausap ni Hannah.

"Nagmamadali ka pa. Sino ba iyan?" Tinignan ng doctor ang lalakeng nakasandal sa puno at sa laking gulat niya, si Bron. Nanlaki ang kanyang mga mata.

" Ahhhhhh..." May kasama pang ngiting masama. "Ang panganay ni Gina. Tama ba? Si Bron.. Ha!"

Gustong bumangon ni Bron at patulan ang matanda ngunit hindi na kaya ng buong katawan niyang lumaban pa.

"Ang- Ang a-aki- " -Bron

" Oh? Hinahanap mo ba ang iyong ina?? Hmmmm... eto ba ang hinahanap mo??" Hinugot pa ng marahas ng doctor ang katawan ni Gina.

Nanlaki ang mga mata ni Bron sa nakita niya.
Patay na ang kanyang ina. Hindi niya ito napansin nung una dahil malayo sa nun at makapal ang fog. Napaiyak nalang si Bron at napapikit mata.
Hindi rin kinaya ni Hannah ang tumingin sa nakaka-awang bangkay at kay Bron na labis na nasasaktan.

"Ahhh..... Si Amelia ba to??" Sinipa pa niya para maka higa ang katawan ni Amelia.

"Zombie?? Hahahahahah! Kawawang bata...." Nagulat siya pero sinipa pa niya ang mukha nito.

Nagalit ng sobra si Bron na napa galaw niya ang kanyang mga paa at mga kamay. He tried to crawl ngunit sinipa lang siya papalayo ng scientist. Napapikit si Hannah ng makita ito.

Natumba si Bron at hindi na muli pang makabangon.

" Tanga ka ba? Lumalaban ka pa eh, magiging zombie ka rin na naman!" -scientist

"Wala ka nang magagawa, Bron. Ngayong na sa akin na itong bulaklak, magagawa ko na ang kahit na anong gusto kung gawin. At ang mundo ay magiging akin!" Parang sumisigaw sa lakas ng boses ng scientist.

" Ah! Gusto mo bang makasama ang iyong ina sa iyong kamatayan?? Etoh!" Tinulak niya ang katawan ni Gina at itoy natumba sa gilid ni Bron. "Mag sama kayo!"

Naka harap pa ang mukha ng kanyang ina sa kanya. May amoy na rin ito.. Lumuha si Bron at inisip kung anong mga kasamaang ginawa nito sa kanya ina.

"Sya nga pala, Bron.. Kilala ko yang espada mong iyan eh. I knew your father. We were friends back then tapos siya lang pala ang aagaw kay Gina. A traitor! " -scientist.

Napanganga si Hannah. 'Kaya pala ganon nalang ang galit ni papa sa pamilya nila dahil lang sa babaeng minahal niya ng sobra.'

Sumuka ng maraming dugo si Bron.

"Pinilit kong makuha ulit ang loob ng iyong ina nung nalaman kong namatay ang aking kaibigan! Pero, wala na.. Wala na siyang nararamdaman para sa akin! Ahghhh!!" Nag wala ang scientist at sinipa sipa pa niya ang puno.

Lumuhod si Hannah sa tabi ni Bron. Kinapa niya ang last tube na itinago niya sa kanyang pantalon.

" Ano pa bang ginagawa mo diyan Hannah!? Aalis na tayo dahil marami pa tayong gagawin!" -scientist

Napapikit si Hannah dahil gusto na rin niyang patulan ang sarili niyang ama. Pero inisip niya ang bulaklak. The Last Flower. Kailangan niyang makuha ito sa ama and for her to do that, kailangan niyang magpanggap to be on his side. Hannah shed a tear as she felt the pain of anger.

" Opo. Nanginginig pa sa galit ang tinig ni Hannah.

"Naisip ko, gagawa narin kaya ako ng bampira? Hahahah. Ano boys..? Hannah? Brilliant right???!" He let out a maniac laugh. Wala nang good dito sa taong ito. Punong puno na ito ng hate, power and evil.

Nang nakakalayo na ng kaunti ang scientist at ang kanyang mga kasamahan, kinausap ni Hannah si Bron.

"Bron......" Pumapatak ang mga luha ni Hannah habang hawak2 niya si Bron.

Wala nang kibo si Bron ngunit alam ni Hannah na may malay pa ito. Kaya nag inject na siya ng dahan-dahan sa balikat ni Bron, hoping that it will work at mabubuhay pa siya.

"Bron..... Kukunin ko ang bulaklak para sa iyo....." Halos hindi na makapag salita ng maayos si Hannah dahil masakit na ang lalamunan nito sa kakapigil umiyak.

" Please survive.... And find me.." She continued. Hinipo niya ang balikat ni Bron pagkatapos maubos ng serum sa syringe.

Lumapit si Hannah sa mukha ni Bron at hinalikan niya ang mga labi nito.

"Mahal kita, Bron. "

"Hannah!!!" Tawag ng kanyang ama na nakapag lakad na ng ilang metrong distansya.
Tumayo na si Hannah, tinignan ng huling beses ai Bron, at tumakbo na patungo sa kanyang ama.

Nabuksan ni Bron ng konte ang kanyang mata at nakita niyang lumalayo na si Hannah hanggang sa nag laho na at napapikit uli siya.

--

The Last Flower (ZOMBIE apocalypse) Where stories live. Discover now