Chapter 30 (part two) Dead End

1K 24 3
                                    

Pinikit ni Bron ang kanyang mga mata, hoping na natamaan niya at napigilan niya ang mga halimaw. Nakita na niya si Hannah naka dapa sa unahan. Tumakbo siya papunta sana kay Hannah kaso may biglang sumigaw.

"Halt!! All evil will be punished in the name of the Lord our Savior!!***** (Blah blah)"

Huminto bigla ang dalawang halimaw. May naririnig rin siyang footsteps paparating. Hanggang sa lumabas na ito sa liwanag.

"Hijo, huwag kang matakot. Lapitan mo na siya.." Tinuro nito si Hannah.

Nakatitig si Bron sa pari dahil hawak nito ang kanyang damit at ang kanyang espada. Naka damit sakristan lang kasi si Bron, simula nung namulat siya doon sa nakatagong kwarto. 

"Sa iyo ba ang mga damit at ang espada na ito?" Tanong ng Pari. Habang ang dalawang halimaw na aso ay tahimik na nakaupo lamang kung saan sila nakahinto. 

" Ah.. Opo." Inabot ng pari kay Bron ang mga gamit nito. "Sa iyo po ba ang mga dambuhalang halimaw na ito?" Nagmadaling mag bihis si Bron para agad niyang matugunan si Hannah.

"Sila ang guardians ng simbahan na ito. Ang dalawang to ay bigay sa akin ng great great grandfather ko. Sabi niya, ito ang magliligtas saakin at the end times. Anyway, hindi mo na dapat malaman ang iba pang detalye. Bilisan mo na ang pag bihis, baka ma abutan pa tayo ng scientist dito."

Naka ayos na si Bron at lumuhod na sa gilid ni Hannah. Nag tanong ulit siya.. "Paano na po ba ang mga lalakeng iyon? Yung mga naging sakripisyo?" 

"Galing sila sa all boys boarding school, lahat silay ng aaral ng Bible. Huwag kang mag alala, May ibang hindi nakasali sa sakripisyo. Napaalis ko na ang iba bago paman sila namatay sa kamay ng scientist. "

Tapos bigla nanamang may paparating na footsteps, agad naging alisto ang pari at agad lumapit kay Bron.

"Parating na siya! bilisan mo na! Mag tago ka.." Bulong ng pari kay Bron. Hindi nag alinlangan si Bron at kinarga niya si Hannah at nag tago.
--

"Father.." Boses ng scientist.

Hinarap naman ng pari ang scientist. Ang katawan ng scientist ay nakabalot sa tela na may mga bahid ng dugo. Kasama niya ang kanyang dalawang tauhan.

Napatingin siya sa dalwang halimaw na aso. These dogs are groaning and showing their teeth towards the scientist.
" Hmm.. Your dogs don't like me.." Lumingon ulit ang scientist sa pari. "Sila pala ang kadahilanan ng akala koy earthquake na nangyari ilang minuto lang ang nakalipas. Anyway, nakita mo bang kinain nila ang anak ko? Si Hannah?"

"Hindi ko siya nakita. Malamang kinain na iyon." Ayaw na ayaw ng pari sa scientist na ito, pero bakit nga ba sumusunod ito sa mga gusto niya?

The doctor grinned. " Ganon ba.... Hanapin niyo si Hannah." utos niya sa mga tauhan niya na agad namang sinunod ng mga ito.

Naglakad ang scientist at sumabay naman ang pari papunta sa pinaka dulong kwarto kung saan nandoon ang bath tub niya.

Nakatago si Bron at gigil na gigil na siyang patayin ang doktor. Ngunit alam niyang hindi pa rin ito ang tamang panahon. Wala siya sa lugar at alam niyang outnumberd siya.

" Father.. Alam mo, konukulang ako sa pure blood. Sigurado ka bang iyong lang ang mga lalakeng estudyante mo? Wala ka na bang tinatago?" Lumubog ang scientist sa tub. Konteng dugo nalang at mapupuno na ito.

" Matanong ko muna.. Ano naman ang kabayaran kapag gagawin ko ang lahat ng gusto mo?" Tanong ng pari.

Natigilan ang scientist at lumingon sa pari. " Uhm.. Wala naman. Pero kung hindi ka susunod sa lahat lahat ng utos ko, maaari kong sirain ang simbahan na to, ang tahanan mo. Pwede ko ring patayin at gawing zombies ang mga alagang aso mo. At marami pang iba. Alam mong marami na akong kayang gawin ngayon, father. I'm practically a king now. You should worship me instead. " sambit ng scientist na naka lubog na ang buong katawan sa tub.

Napalunok ang pari at napasabi nalang "Isasagawa natin ang huling prayer for immortality."

"Hanapan at bigyan mo muna ako ng isa pang pure blood na lalake. I need this tub filled. Tska ayokong maging palpak ang prayers mo, father.." sabi ng scientist na pinikit ang mata habang nakahiga lang sa tub.

Hindi na nag salita pa ang pari at lumabas na sa kwartong kinaruruonan nila.
Narinig ito lahat ni Bron dahil sinundan niya sila. Nag tago ito sa aparador sa tabi ng pintuan. 'Paano niya nagagawang pa amuhin ang mga tao na iyan. Pati ang pari na alagad ng Diyos napapa sunod niya! Napakasamang tao!' Napa isip si Bron. Iniwan niya si Hannah na walang malay doon sa unang tinaguan niya.

Pagkatapos niyang marinig ang lahat ng ito, lumabas na siya sa kinatataguan niya at babalik na sana kay Hannah ng napansin niyang karga na ito ng isa sa mga tauhan ng scientist. Agad tumakbo si Bron para habulin ang tauhan na ito. Madaming kwarto at pa tago-tago ang lalake habang tumatakbo dahil pansin na rin nitong hinahabol siya ni Bron. Gusto niya sanang sumigaw pero baka marinig lang siya ng scientist at ipa dampot siya. Kaya hinabol niya lang ito. Hanggang sa nakarating sila sa isang malaking kwarto. Ang kwartong ito ay dating dasalan ng mga madre. At ngayong nakaka sigurado na si Bron na hindi siya maririnig nag salita na siya

"Hoy! Bitawan niyo siya!"

May isa pang lalake ang tumulong sa pag buhat kay Hannah. Nagka titigan lang sila ng ilang sigudo at tumakbo ulit ang mga ito papasok sa isa pang kwarto sa loob ng silid na iyon. Pag pasok ni Bron sa kwartong iyon, medyo madilim at hindi na niya nakikita ang dalawa. Wala na rin siyang nariring na yapak.

Dahan dahang lumakad si Bron habang maiging minamasdan ang paligid.
' May pinto pa ba dito? May lagusan ba dito? Doon ba nila dinala si Hannah? ' Napaisip si Bron habang rinig na rinig rin niya ang kabog ng kanyang puso.

TUGK!!

Hinampas si Bron ng bakal sa mga tuhod niya. 

"Aghh!!" -Bron.

"Tara, pare! Iiwan na natin to." Hinampas siya ng mga lalakeng nagtatago lang pala sa may poste para ma tsambahan siya

Napa dapa si Bron sa sakit. Hinablot niya ang espada na ngayoy nasa likod na niya inilagay and then he sighted them. Tinapon niya ang espada bago paman sila nakakalayo.

" Ilan!" Tinulak ng kasamahan ang tinarget ni Bron. Hindi siya nasaksak ngunit nasugatan ang kanyang siko. At sa pag ilan niyang yon, natamaan rin tuloy si Hannah sa may braso.

Napikon ang lalake habang tumutulo ang dugo sa kanyang siko tumigil siya at binigay niya sa kasama si Hannah. Pinulot niya ang espada ni Bron.

"Bwisit ka!" -tauhan.

Huminto sila para makapag higante ang lalake kay Bron na nanatili paring naka dapa.

" Mmmh.. Huwag.. Huwag niyo yang gawin.. "Mahinang boses.. Si Hannah. Nagising na si Hannah!

Napahinto at bapalingon ang lalake na hawak ang espada ni Bron.

"Hannah!" Sigaw naman ni Bron na pilit tumatayo.

"Gagawin ko lahat lahat, huwag niyo lang siyang saktan." Sabi nito sa mahinang boses.

"At bakit naman kami susunod sa gusto mo?" Tanong ng lalake.

" Alam niyong kay papa ang tunay na katapatan ko. Si Bron ay wala lang sa akin. Nagbabaka sakali lang akong magamit siya para sa mga plano ni papa." -Hannah

Naguluhan si Bron sa narinig niya. "Hannah? What's wrong? Totoo ba yang mga sinasabi mo?? Pinagsasamantala mo lang ba ang nararamdaman ko saiyo??" Naka upo na ngayon si Bron.

" Ngayon ko lang sasabihin ito, Bron. Kaya makinig ka. Dito ako masaya.. Ang pagsilbihan si papa. Alam mo mas mabuti pang lumayas ka. Tigilan mo na ang mga pagtatangka mong iligtas ako. I don't need saving. Masaya at kontento na akong pinagsisilbihan ko ang papa. Kaya, Bron.... Umalis kana. Ayaw na kitang makita. Nakikiusap ako, umalis ka na." Walay pag alinlangang sinabi ito lahat ni Hannah kay Bron. Wala man lang ni isang luha at panghihinayang sa mukha at kahit boses ni Hannah.

"Ha! Narinig mo iyon?? Lumayas ka na daw!!"  Tinapon ng lalake ang espada sa harap ni Bron.

" Sana maka tulong sa survival mo.." The man sarcastically said na may dala lang ngiti.

Nag lakad na si Hannah at sumunod naman ang dalawang tauhan. Hindi nakapag salita ai Brin at nakatingin nalang sa likoran ni Hannah na umaalis na.

A tear fell.
"Kung iyan ang gusto mo, para sa iyo.Gagawin ko."

The Last Flower (ZOMBIE apocalypse) Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora