Chapter 28 The Church

1K 30 1
                                    

Dahan dahang lumapit si Bron sa simbahan. He's almost not seen dahil sa daming zombies na naka tingin at naka abang lang sa karne nila.
Tska bakit nga ba hindi natatakot ang taong iyan sa mga zombies sa paligid niya? Sa tingin ko hindi siya natatakot dahil balot na balot siya. Pati ulo niya may helmet na parang pang astronaut. Kaya hindi niya matukoy kung sino itong tao na to. Nakaka sigurado lamg siya dahil iba ang kilos nito kompara sa mga zombies na naka palibot sa kanya. Inisip ni Bron na maaring ang scientist ito o di kaya mga kasamahan niya.

Ilang minuto na ang lumipas bago pa nakaisip ng paraan si Bron.

'Act like a zombie'

Natigilan si Bron aa naisip niya. Naguguluhan siya if that's even gonna work. Malayong malayo siya sa amoy ng mga zombies. Although kay bite mark siya, hindi ito enough para mag mukha siyang zombie.

Binalikan ni Bron ang pinaslang niyang zombie at kahit nangdidiri, pinahid niya ang dugo ng zombie sa mukha, sa braso at kahit sa leeg niya. Sinigurado niyang amoy zombie na nga siya. Pinilit niyabg hindi masuka sa ginagawa niya ngunit ito lang ang alam niyang paraan para maka pasok sa simbahan.

Hinanda na niya ang kanyang sarili at bago paman siya sumali sa zombie crowd, may narinig siyang pamilyar na boses na sumisigaw sa loob ng simbahan.

“Mga walang silbi!!!!” Umuubo pa ito. May mga nabasag ring mga salamin. “Lumabas kayo at magpakain kayo doon!!”

Nanlaki ang mga mata ni Bron at naalala niya ang boses ng mad scientist na yun. Napa kunot noo si Bron. Maya maya lang ay may lumabas mula sa pintuan sa gilid ng simbahan. Mga lalakeng naka hubot hubad. May mga sugat sila sa ibat ibang parte sa kanilang katawan. Duguab ang mga ito but they look perfectly fine.  Lalong naguluhan si Bron ng nakita niya itong isa isang lumalapit sa mga zombie at pinakain nila ang kanilang sarili sa mga ito. It was horrific.

'What the??? Ano ya’ng ginagawa nila???'

Nag unahan na ang mga zombies sa mga ito. Fresh, live human flesh. Bigla silang naging masigla at naging mas lalong wild ang mga ito. Tatlong lalakeng parang halos magkaedad lang, nagpakain sa mga zombies. Agad tumakbo ang taong naka bite suit dahil kung hindi mamamatay siya sa stampede na nangyayari.

Napapikit nalang si Bron dahil hindi niya kayang tignan ang brutal na pag pi-pyesta ng mga zombies sa tatlong lalake.
Naisip niya na ito na nga ang pagkakataong makapasok si Bron sa simbahan. Tumakbo siya patungo sa dinaanan ng mga lalakeng nag sakripisyo at habang dumadaan siya sa mga zombies na kinakain ang mga lalake, nakikita niya ang mga inosente at kaawaawang mga mata ng mga kinakain ng zombies. Kitang kita sa kanilang mga mata, ang sakit at ang pangangailangan ng tulong. Walang magagawa si Bron, they're already dead in a second.

Nakapasok na si Bron at nagulat siya ng makita niyang sirang sira at duming-dumi na ng simbahan. Lalong nagulat si Bron nang may nakita siyang marami pa’ng lalake na naka tayo sa paligid ng pulpito. Napakunot noo si Bron dahil parang may pinapaligiran ang mga lalake’ng ito. Lahat sila ay naka hubad rin tska, para silang mga robot, they do the same thing. They move like one.

Nag tago si Bron sa likod ng malaking poste at hinubad ang mga damit, sinugarado niyang mapunasan rin ang mga dugong pinahid sa katawan niya kanina lang. Huminga muna siya ng malalim at dahan dahang pumatungo sa mga lalake, para maka sabay siya. He couldn't think of other ways. Naisip niya sa pamamaraang ito, baka ma diskobre pa niya ang dahilan ng mga pangayayaring ito.

Lahat ng mga lalake ay may saktong kalakihang katawan at silay din ay makikisig. Tulad ni Bron sila siguro ay nasa young adult stage.
Lumakad pa si Bron at tumayo siya sa gitnang linya ng mga lalake, at sumulyap muna sa pulpito bago siya yumuko. Sa pag sulyap niyang yun, nakita niya ang isang pari na naka tayo at nag darasal ng tahimik habang isa-isa niyang pinapainom ang mga lalake, ng kung ano mang nasa tasang dala niya.

'What the hell is going on here?!? Ang mga lalakeng ito, hindi ba sila infected? At may pari? Ano ba tong pinagsasabi niya?! I have to think of a plan, bago pa man umabot ang pari dito sa kinatatayuan ko. I'm sure may hindu tama sa pinapainom niya. Ayokong mawala sa sarili. Hindi pwede. Think Bron... Think!'

Kinakabahan si Bron.
Lumingon lingon si Bron na bahagyang nakayuko ng konte. Ang mga nakainom na na mga lalake ay nakatayo parin ngunit umiiba na ang kulay ng kanilang katawan, lalo pa silang pumutla. Natataranta na si Bron dahil wala siyang ka alam alam kung ano talagang nangyayari.

Dalawang lalake nalang bago dumating ang pari sa kinatatayuan niya. Nanginginig ang buong katawan ni Bron at pinapawisan pa ng sobra. Nang nakarating na ang pari sa katabing lalake ni Bron, nakita ni Bron ang mga luhang umaagos galing sa mga mata ng pari. Nanginginig rin ang kanyang mga kamay nito.

'Napipilitan ba siya sa ginagawa niya? So ba't pa niya ito ginagawa??' Nakatitig si Bron sa pari.

Pagkatapos ng ilang sigundo, nasa harap na ni Bron ang pari. Tinignan niya ng mabuti ang mga mata ni Bron. Itinaas ang tasa and started praying. Pagkatapos ay dahan dahang pinainom kay Bron. Napangiwi si Bron sa kakaibang lasa ng nainom niya. Maiinit ito sa loob ng tyan niya. It tastes like ginger tea pero medyo maasim.

“ Gusto mo ba talaga to’ng ginagawa mo, father??” Bulong ni Bron sa pari.

Nanlaki ang mga mata ng pari. Gulat na gulat siya pero nanatiling nakatitig ng maigi ang pari kay Bron, halatang pinipigilan ang mga luha.

“AHg!!!” Biglang napasigaw si Bron habang naka hawak sa tiyan. “AHH!!” Napakagat labi si Bron dahil sa pag sigaw niya ng malakas. Nais niya sanang tumahimik, kaso biglaan talaga ang sakit nito.

Pagtapos ng sigaw na yon, nag sisitumbahan na ang mga lalake sa circle. Parehos sila ng nararamdaman. Masakit ang tiyan. May iba ring nakatayo, ngunit may lumalabas na dugo sa kanilang tenga, mata, ilong at bibig…Hindi nga sila sumigaw, pero kitang kita sa kanilang mga mukha na nasasaktan sila.

“Ano to???” Tanong ni Bron sa pari.

Hindi sumagot ang pari pero kitakita ni Bron sa naluluhang mata nito na hindi niya rin gusto ang mga pangayayaring iyo. Muling lumabo ang paningin ni Bron at natumba na rin ito.

“Marami parin bang impure???”  

“Oo.. Ano pong gagawin natin sa kanila?” Tanong ng pari sa lalake.

“Ibigay mo sa akin ang mga nahimatay, gagawin ko silang karne para sa mga zombies sa labas. Sa ibang pang na apektohan, alam mo na kung anong gagawin mo sa kanila."

Nakahiga si Bron, at nakikita niyang naglalakad na palayo ang pari. Gustong ipikit ni Bron ang kanyang nga mata. He thinks he's losing his senses again.

“Ibigay kay papa ang taong sumigaw kanina.”  Tinig ng babae.

“Opo, ma’am Hannah.” Sabi ng lalakeng kausap ng pari kanina.

Tumango si Hannah at umalis na.

'HANNAH?????'

Hindi natuloy ang pagpikit mata ni Bron ng marinig niya ang pangalang Hannah.
'Buhay ka nga Hannah...' Naiiyak na isip ni Bron.

May lumapit kay Bron. Hindi niya nakikita ang anyo nito, ngunit alam niyang isa ito sa mga tauhan ng mad scientist.
The man harshly pulled him up at pinaayos ito sa pag tayo. Nakayuko at mahina na ang katawan ni Bron. Tinignan ng lalake ang mukha ni Bron. Tinitigan naman ni Bron ang lalake at dinuraan. Nagalit ang lalake at sinapal si Bron ng malakas.

“Buhay ka pa pala, Bron.” Sambit ng lalake.

Mahigpit ang pagka hawak ng lalake sa mga braso ni Bron habang kinakaladkad ito patungo sa kwartong pinasukan ni Hannah.

Pag pasok ng lalake, bukas na ang pinto nito. Binalewala niya lang ito at pumasok na dala-dala si Bron. Sa hindi inaasahan, may biglang sumipa sa kanya sa baba, sa kanyang maselang bahagi. " Aghh!!! " Napasigaw sa sakit ang lalake. May sasabihin pa sana ito ngunit sinipa uli siya. Ngayon sa likod naman ng kanyang leeg. Nabitawan niya si Bron at agad natumba, napahiga sa kanyang tiyan. Nilingom niya kung sinong gunawa nito sa kanya. Nasa likod ng pinto ito naka tago. Nanlaki ang kanyang mga mata..

“M-aam H-annah??”

Lumapit sa Hannah sa kanya at binigyan siya ng isang malakas na suntok sa mukha at tuluyan na itong nawalan ng malay. Dumugo pa ang ilong nito.

“Bron!!!!” Sinarado ni Hannah ang pinto at agad nilapitan ni si Bron. Hinagkan niya ito. "You found me.. Nandito kana..." Nanginginig ang boses ni Hannah na pilit hindi maiyak.

The Last Flower (ZOMBIE apocalypse) Where stories live. Discover now