Chapter 30 (part 3/ENDING) Dead End

1.5K 38 12
                                    

Kahit nanghihinayang, umalis si Bron sa simabahang iyon. Nanatili sa kanyang isip ang mukha ni Hannah, ang kanyang mga mata habang pinapalayas siya. Napakasakit. Pinunasan niya ang mga luhang hindi niya mapigilan.
Nasa labas na siya ng bigla siyang napigilan. Parang may nagsasabi sa kanyang huwag umalis.

'Hindi ba't sabi mo, hindi mo susukuan si Hannah? Hindi ba't she's all that you have now? Sa tingin mo ba sasaya ba talaga si Hannah sa piling ng kanyang sakim na ama?'

Tumigil ang kanyang mga luha at tinignan ang sarili. Marami siyang sugat sa katawan, punit na rin ang kanyang damit. At sa kahit ano mang  nangyari, tanging si Hannah lang ang nagpapawi ng bawat sakit at hirap na dinanas niya.

'Ngunit sa twing magkasama kami, lagi ko siyang napapahamak.' Naisip niya at muli nanaman niyang nakita ang blankong mga mata ni Hannah nuong pinalayas siya.

Napa tingin si Bron sa langit at napangiti. "Kung ganon, ito na talaga ang huli. Siguro mas nakakabuting hindi kami magkasama. She'll be safe without me. Like she said, she doesn't need saving."

Lumakad si Bron at pumunta sa gitna ng daan. Humiga ito. Inisip niya na mas mabuti nalang na magpakain na siya sa mga zombies. Sa pag higa niya, parang lahat ng pagod sa katawan ang muli niyang naramdaman. Pinikit niya ang kanyang mata at ang huli niyang inisip ay ang ngiti ni Hannah.

:’(

Rwahhrg!!

Heto na ang mga zombies na inaantay ni Bron. Nagkakarandarapa, nag uunahan kay Bron. Handa na si Bron. The world is going to end naman talaga, what choice does he have.
Pero.... May biglang na isip si Bron. Agad niyang minulat ang kanyang mga mata.

'Hindi napapa-amo ang mga zombies. They brain dead.'

At bago paman siya pagpyestahan ng mga gutom na zombies ay agad na siyang tumayo, tinulak ang mga zombies at hiniwa gamit ang kanyang espada.

" Alam niyoo...... Kahit babuyin pa ako ni Hannah, hindi ko siya iiwan sa kamay ng scientist na yon!" Kinausap pa niya ang mga zombies na umaatake sa kanya.

Ibubuhos ni Bron lahat ng lakas niya hanggang sa masagip niya si Hannah. Lahat ng umaatakeng zombie ay halos hindi maka hawak sa kanya. He felt alive and strong with the thought na may pag-asa pang mag sama sila ni Hannah.

" Hindi ako mamamatay ss mga kamay niyo. Mamatay akong nililigtas ang aking mahal! " Patuloy ang pag atake ng mga zombies na patuloy rin niyang hinihiwa at sinasaksak.

Inikot ni Bron ang buong simbahan. Nag hanap siya ng maari niyang pasukan. Lahat kasi ng pinto ay naka kandado. Pero dahil gawa sa kahoy ang lumang simbahan na ito, may nasira siyang pinto sa bandang likod ng simbahan. Sinira ito ni Bron pero hindi lang para makapasok siya..

'Oo nga, zombies cant be tamed. Pero sa ngayon, they're on my side.'
Habang patuloy na sinisira ni Bron ang pinto, may mga zombies rin siyang tinutulak at pinapatay. Gusto niyang sirain ng husto ang pinto para hindi lang siya ang maka pasok. Kundi lahat ng zombies na nakasunod sa kanya.

Bron will cause chaos inside the church and he will take this opportunity para i-save ang minamahal niya.

At.. Nung naka pasok na si Bron, ang mga zombies namay pilit na pumapasok, kaya lalong nasira ang pintong kahoy.

Tumakbo si Bron at umabot sa main hallway.

"Hannah!!”

Lahat napalingon kay Bron.

“Bron????" Napanganga si Hannah. Hindi siya makapaniwalang bumalik si Bron.

Lalapit na sana ang mga tauhan ng scientist kay Bron para kunin ito ngunit natigilan sila ng nakaramdam sila ng konteng lindol.
Nanlaki ang mga mata ng lahat ng tao roon nang nakita nilang may naka sunod palang mga zombies kay Bron. Sobrang ingay pa ng mga ito at nagmamadaling maka pasok at naguunahan pa sa mga tao na nasa loob.

The Last Flower (ZOMBIE apocalypse) Where stories live. Discover now