Uno

94 9 0
                                    

Patak, pumatak, ula'y bumagsak,
Sumunod ang maliliwanag na kidlat,
Saba'y kumulog nang napakalakas
Kaya naman tayo ay mangaingat.

Ulan ay pumatak nang sunod-sunod,
Hanggang sa mapuno na ang ilog.
'Pag lumangoy ka, ikaw ay malulunod,
Mapapahamak ka kapag ika'y sumugod.

Sa bawat patak ng ulan sa bubong,
Kabigatan ay biglang susumpong,
Maninikip ang pusong sobrang takot,
Mabibingi ang taingang musmos.

Muling pumatak yaong dinadala—
Ng mga ulap na nagsisidilim na.
Mapapayuko na lang sa isang bakante,
At ang mga mata ay magsisiinarte.

Ano nga bang dinadala ng diwata sa taas
At sobra naman ang kaniyang nilalabas?
'Di niya nababatid na tao'y napapahamak
Sa kaniyang pagtangis nang napakalakas.

Ngunit pasalamat na lang na naandiyan
Ang isang haring lubos ang tapang,
Ang diwata ay kaniyang pinatahan,
Simbolo niyang pag-asa'y diwata'y binigyan.


—ysaqueens

Tiaras [Poetries]Where stories live. Discover now