Veintitres

55 6 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman,
Ang aking puso'y lubus-lubos nang nahihirapan.
Hindi ako makahinga, ang aking hininga'y nauupod,
Ang aking lakas ay ganap na nga itong nagsisiubos.

Sino nga ba itong ngayon ay nasa aking harapan?
Hiniwa ako nang napakahapdi, napakakirot-
Para bang ako'y kaniyang pinagbubuntungan ng poot,
Hindi ko alam ang gagawin, ako ay lubusang natatakot.

Sa kaibuturan ko'y ako nga ay namamangaluktot,
Hindi ako makakibo sapagkat nasa harapan ko siya-
Inaabot ang isang patalim na sa buha'y magpatigil sa 'kin,
Ang kaniyang mga tingi'y nakakikilabot at labi'y sinasabing:

"Dumayo ka sa aking mundo, samahan mo ako.
Halika at ika'y humayo kasama akong irog mo.
Ako ay iyong samahan sa pamumunuan nating kaharian.
Sumama ka sa mahal mong kadiliman."

Hindi ako makahinga! O tamang sabihing hindi na nga talaga!
Binawi na, nawasak na, naisama na ang buhay na mahalaga.
Hindi pa ako kumikibo, hindi rin nagsasabing 'oo'
Ngunit bakit isinama mo na sa iyong mundo....

Kamatayan mula sa kadiliman?

-
ysa | march 22, 2022

Tiaras [Poetries]Where stories live. Discover now