Diez

76 8 0
                                    

Pangakong sinumpaan nating dalawa,
Nasaan na nga ba?
Parang biglang naglaho, aking sinta,
O sadyang napako lang talaga?

Pag-ibig kong sa iyong- sa iyo lang,
Nasisira na nga ba nang tuluyan?
Masasayang at walang patutunguhan
Na para bang eroplanong papel lamang?

Eroplanong papel.
Nakapagpapasaya sa madla,
Ngunit bigla na lang masisira't  mawawala,
Matapos paliparin, biglang pupunitin.

Eroplanong papel.
Madaling buoin katulad ng pag-ibig ko,
Ngunit madaling masira 'tulad ng puso ko.
Papasayahin kita ngunit maghahanap ka ng iba.

Makalipas ang ilang taon,
Eroplanong papel ay kinalimutan na,
Iba na ang hinahangaan,
Kinalumutan na at iniwan.

Lumipas ang mga panahon,
Natabunan na ang noon,
Yaong eroplanong papel,
Sinusunog ng apoy na kahel.

Hindi man lang tinanaw pabalik,
Binalewala ang nakaraang inukit,
Pinalipad nang paulit-ulit,
Ngunit ngayon ay kailan mauulit?

Mataas ang lipad ng papel,
Ngunit kay baba ng narating.
Lumipad nang matayog,
Bumagsak ngunit walang sumalo.

Piniling hindi magdamdam,
Ngunit masakit sa kalooban,
Hindi man makaluha,
Ngunit sobrang sakit na.

Akala ko maaangkin ka na,
Pagkatapos ng purong saya,
Ngunit hanap mo pa rin ang iba,
At ako'y balewala na.

Akala ng eroplanong papel
Na dahil napapasaya ka na,
Hindi mo na siya mababalewala,
Ngunit isa lang palang akala.

Hindi pala lahat ng nagpapasaya,
Ang kasiyaha'y hanggang dulo na,
Dahil hindi lahat ng pagkakataon,
Ang tadhana ay aayon.

Ngayon, nais kitang tanungin,
Katulad ka ba ng eroplanong papel?

—ysaqueens

Tiaras [Poetries]Where stories live. Discover now