Veintidos

61 7 0
                                    

salipawpaw sa ikataas-tasaang kahiwagaan
ang paglipad niya ay talagang kamamanghaan.
ang mga maniniyot sa buong dakong bayan,
ilalabas ang pankuha ng litrato't sila'y kukuhanan.

salipawpaw sa dako ng dakilang himpapawid,
katulad ay bayaning kapayapaan ay kalakip,
lumilipad nang matayog sa may kataasan,
tumatayog, umuusbong, umaabante at umaangat.
gamit ang talino't kakayahan sa labanan—
labanang hindi lang sa dahas kundi talastasan,
tiyak na sila ay mga hindi magpapadaig sa kalaban.

salipawpaw sa may mahihiwagang kaulapan,
grabe ang tayog at hindi man lang matataob,
sapagkat wala mang pakpak ay may utak at pusong
siyang magmamaneho para ilaban ang iniirog—
na bayan na siyang kanilang kalakasan ng loob.

mga bayani ng bayan ay parang salipawpaw,
hindi sila lumulubog, sila'y umaangat at umaapaw.
walang kahinaan ang makapapagpatigil sa kanila,
pinupuno nila ang puso ng gasolina mula sa bansa—
gasolinang puno ng pagmamahal at pagkalinga sa bayan,
gasolinang sa utak ay pinunla para iligtas ang kababayan.

sa tatapus-tapusa'y nag-alay ng kanilang mga buhay,
ngunit kailanma'y hindi maglalaho kanilang kahiwagaan.
mga bayani ng bayang perlas sa dakong silangan,
yumao ma'y kailanman ay hindi maglalaho sa puso't isipan.

sa tulong ng Amang kataas-tasaan sa himpapawid,
kailanma'y hindi sila hinayaang sila ay mangagsipatid,
dahil sa tulong Niya, ang salipawpaw na bayani,
ang minamahal na baya't kababaya'y mga nasagip.
hindi napagod at nangahimlay kahit hangi'y umuhip,
piloto ng salipawpaw ay Salita Niyang panalo sa lagi.

—ysaqueens
03062022

Tiaras [Poetries]Where stories live. Discover now