Trece

74 9 0
                                    

Simula't sapul, aking mahal,
Walang gawa kundi'y magmahal.
Mahalin ang katulad mo,
Ang ibigin ka nang totoo.

Nagsimula ang lahat sa tayo,
Nagsimula sa ikaw at ako,
Puso ko ay sa iyong-sa 'yo,
Sana ay mahalin mo rin ako.

Walang ininda kundi ang sakit,
Na ang ngiti ay totoong pilit.
Hinawakan ka nang mahigpit,
Ngunit nawala dahil siya'y mas higit.

Kababata lang naman ako,
Walang ibang ginagawa sa 'yo,
Walang pakilig para sa iyo,
Wala dahil sa kaniya mo nahanap ito.

'Yung mga paru-parong kumikiliti,
Pagtingin ko sa 'yo ay ngingiti,
Ikaw nga talaga ang tinging mithi,
Pag-ibig ko'y hindi mawari.

Naalala ko pa noong araw,
May sisigaw at pagtingin ko'y ikaw.
May dalang bulaklak saba'y lagay sa tainga,
Sasabihing ‘Ako ba ay maganda?’.

Sa tanong mong iyon noon,
Ngiti ay hindi ko maitatanggi,
Yaong bulaklak mong kinuha,
Maganda ngunit mas higit ka.

Bakit naman ako hihindi, 'di ba?
Kay ganda-ganda mo kaya.
Ngiti mo pa lang ay ubod na,
'Yon pa kayang magpaganda ka?

Ngunit masakit nang balikan—
Balikan ang nakaraan.
Lalo na ang panahong pinagsamahan,
Masaya ngunit sobra ang kapighatian.

Na para bang isa akong damo,
Tinapakan at iniwan lang dito.
Para akong isang gulay,
Masustanya ngunit balewala lang sa 'yo.

Bakit pa nga ba ikaw ang minahal ko?
Na para bang ikaw ang sasakyan ko,
Ako naman ang mga gulong mo,
May silbe ngunit pinaikot-ikot mo.

Kaya naman tatapusin ko na rito,
Ang sandamakmak na mga tulang ito,
Na kahit anong mga tulang gawin ko,
Ang ‘ikaw’ ay hindi tugma sa ‘ako’.

Ngunit hindi lang ang mga tulang ito,
Ganoon na rin ang pag-ibig ko sa 'yo.
Tandaan mo ito, aking kaibigan:
'Wag limuting bago pa ang kayo, may tayo.

—ysaqueens

Tiaras [Poetries]Where stories live. Discover now