KABANATA 4: First Met and Past

2.4K 63 1
                                    

(Note: before you read this chap make sure na binasa mo rin ang kabanata 1 wich is point of view ni Nathan kung saan nagsimula ang lahat!❤️)

Amel's Point Of View:

Ako na ang lumapit kay Mr. Salazar mukhang kakain siya kaya nagmadali akong puntahan ang kinaroroonan niya.

Nasa gilid ang kapatid niya na si Nathan Salazar hindi ko rin alam na kapatid pala siya ni Mr. Salazar nahihiya ako dahil muntik na akong maging madal-dal kanina sa elevator pinigilan ko lang ito.

"What do you need?" malamig niyang sambit pero nanginginig na ako sa loob masama ang pakiramdam ko feeling ko masama siya?

Tumayo ako ng tuwid, "Good morning Mr. Salazar i'm Amel Rose Ortega, about po sa design na ipapagawa niyo? Ako po pala yong gagawa Leon Griffin po ang boss ko, pumerma narin po kayo about this." saka ako ngumiti.

"Oh, i see." 'yon lang? I see? Gan'yan ba talaga kapag isa kang boss? Bakit 'yong boss ko ang dal-dal walang preno ang bibig.

Binigay ko kay Mr. Salazar ang mga design na pag pipilian niya, sana naman ay may mapili siya kapag talaga wala kakasuhan ko talaga.

Tinignan niya ang mga design hanggang tumigil siya sa isa na bakit ko na ilagay ang design na 'yan? Hindi pa nga 'yan tapos 'wag niyang sabihin na 'yan ang gusto niya?

"i like this one," anak ng pating, gusto niya 'yan? ang pangit kaya hindi pantay yong pagkaka drawing ko. Pero bahala na siya buhay niya 'yan.

"Tama kayo Mr. Salazar maganda ang iyong napili babagay talaga ito sa shirt." kahit pangit sa paningin ko ay nakisabay narin ako nagagandahan ba talaga siya sa design na 'yan?

Baka may kapangyarihan ang design na 'yan inakit lang.

"Bukas na bukas po ay magbibigay ako ng sample para makita niyo po ito sa personal." siguro ay gagawin ko ang sample baka mag bago pa ang isip niya.

Tumango lang siya "Okay, you can leave now." malamig niyang sambit pero 'kitang-kita sa mata na nakangiti?

Masaya siguro siya sa design.

Mag-papa salamat sana ako ng itaas niya ang kamay niya para tumigil ako sa balak ko sanang sabihin.

Grabe ang sungit, g'wapo sana pangit naman 'yong napiling design.

Huminga lang ako ng malalin bago ko isara ang pinto ng kaniyang opisina.

Nang ako ay pumasok na sa elevator napansin ko rin na ako lang ang tao sa loob kaya tumalon-talon ako dahil sa saya.

Akala ko kasi nong una ay hindi niya magugustuhan, tapos 'yong nagustuhan talaga 'yong design kong hindi pa tapos, sino ba kasi naglagay n'on doon?

Pero hindi ko ma iitangi na g'wapo si Mr. Salazar siguro ang s'werte ng girlfriend niya o baka nga may asawa na 'yon.

Umalis ako ng companya na may ngiti sa labi hindi ko ma intindihan kanina pa akong nakangiti iba hindi dahil pinili niya ang design kundi basta hindi ko alam, bigla nalang lumakas ang tibok ng puso ko may sakit 'ata ako.

"Naks gandang ngiti 'yan ah, ano balita?" pumunta ako ng parking lot para puntahan si Ashero driver ko, joke lang ka trabaho ko lang siya ang humahatid sa akin kapag may pinapagaaa si Boss.

Nag i-ipon palang ako para makabili ako ng sarili kong sasakyan nahihiya narin ako kay Ashero.

"May napili siya!" nakangiti kong sambit pero nawala din ito dahil na alala ko na hindi tapos 'yong design na pinili niya.

"Good then, o bakit malungkot ka?" tinignan niya ako pero na iilang ako.

"kasi nga diba? May napili siya pero...na alala mo pa 'yong sinasabi ko sa 'yo na tatlong b'wan ko ginawa ang design na 'yon pero hanggang ngayon hindi pa tapos." seryoso siyang nakikinig sa akin.

Cedrick Salazar: Hiding The Billionaire's Twins [✔️]Where stories live. Discover now