KABANATA 20: His Parents

1K 31 2
                                    

Amel's Point of View:

Hinatid ako ni Cedrick sa bahay dahil gusto niyang malaman ni Mama ang tungkol sa relasyon namin, ganoon din ako ayaw ko ring magtago ng sekreto kay Mama.

Hinawakan ko ang kamay ni Cedrick nag d-drive pa siya at sa tingin ko ay kinakabahan.

“h'wag ka ngang kabahan d'yan pati tuloy ako ay kinakabahan.” aaminin ko kinakabahan din ako sa reaksyon ni Mama.

“I hope na tanggapin ako ng Nanay mo.” maliit na ngiti ang binigay niya.

“Ngumiti ka ng abot tenga ha kapag naka-usap mo si Mama, ayaw na ayaw niya sa nakasimangot.” dahilan para mapalingon siya at nginitian ako ng abot tenga.

“Ayan! G'nyang ngiti ang gusto ni Mama!” natutuwang sigaw ko pati siya ay natawa sa sinabi ko.

Ilang minuto ay nakarating na kami sa bahay, ng tignan ko si Cedrick ay halatang ito ay kinakabahan.

Hinawakan ko ang kamag niya upang hindi na siya kabahan pa.

“Oh Anak, Cedrick pumasok kayo! Hindi mo naman sinabi anak na may bisita ka palang dadalhin.” ngiting sambit ni Mama ng makita niya kami ni Cedrick.

“Ma actually may importante kaming sasabihin.” sabay kami'ng umupo ni Cedrick sa sofa namin.

“Ano ba 'yun?” umupo si Mama sa single sofa at ngiting inaatay ang sasabihin namin.

“Ma buntis ako si Cedrick ang Ama.” mangiyak ngiyak kong sambit nakita ko ang pagsama ng mukha ni Mama.

“Ano!?” si Mama sa malakas na boses tumayo pa ito at masamang tinignan si Cedrick.

“Joke lang Ma ano ka ba!” malakas ako'ng tumawa dahilan para maging seryoso si Mama.

“Ano ba ang sasabihin n'yo?” muli siyang umupo sa mini sofa at nagaantay ng sagot namin.

“Ma, kami na po ni Cedrick.” pinakita ko ang kamay namin na magkahawak.

Napatakip pa si Mama sa bibig, gulat talaga?

“Totoo ba 'yan anak? Hindi na joke?” umiling ako dahilan para mapatayo si Mama at biglang niyakap si Cedrick.

“Sa wakas may boyfriend na ulit ang anak ko!” si Mama sa malakas na boses kaya nanlaki ang mga mata ko.

“Nakakahiya ka Ma! Akin lang si Cedrick masyado mo ng hinigpitan ang yakap!” mangiyak ngiyak kong sambit kaya agad na tumawa si Mama.

“Masaya ako para sa inyo.” na upo kaming muli hinawakan ni Mama ang mga kamay namin.

“Sana hindi mo saktan at paiyakin ang Anak ko kapag ginawa mo 'yun malilintikan ka sakin!” pinakita pa ni Mama ang kamao niya.

“I will not hurt her and make her cry I love her, I am ready to be presented at the altar and promise god our love. I will do everything we can just build a happy family.” parang natunaw ang puso ko ng sabihin niya 'yun kay Mama.

“Alam na ba ng magulang mo ito?” kalmadong sambit ni Mama.

“they don't know yet but I promise I will present her to my parents.” ngiting sambit niya, ngumiti din si Mama.

++++++

Sa Limang b'wan ang nakalipas, mas lalo kong nakikilala si Cedrick sa mukha niya palang seryoso ay may tinatago pala itong pagiging bata, naiinis ako kapag umaandar ang pagiging childish niya palagi nalang nakadikit sa akin tapos pag may kakatok magmumura at babalik sa pagiging seryoso.

Tungkol kay Leah, hindi na natuloy ang kasal dahil umatras si Maximo sa hindi malamang dahilan kaya ayon, masayang masaya si Leah ng malaman niya 'yun.

Cedrick Salazar: Hiding The Billionaire's Twins [✔️]Where stories live. Discover now