KABANATA 21: Soft Hearted

950 33 0
                                    

Amel's Point Of View:

Umuwi ako sa bahay na mabigat ang paa at kanina pa'ng tahimik, hindi na ako hinatid ni Cedrick dahil nagtatampo ako sa kaniya pinilit niya pa ako'ng isakay sa kotse niya pero wala na siyang nagawa dahil sakto din na may huminto na taxi.

Napakagat nalang ako sa labi ng ako'y maka upo sa sofa, si Mama naman ay wala sa bahay dahil hinatid niya daw ang order sa cake.

Kong kanina ay nagugutom ako ngayon ay parang wala na sa akin, parang nabusog ako sa mga sinabi ng Mommy ni Cedrick sa panlalait na lumabas sa kaniyang bibig at pati narin sa Daddy niya na pinipilit na paghiwalayin kami.

Pinipigilan ko ang mga luha na papatak na  sana kanina, soft hearted ako'ng tao sa maling salita ay napapaiyak na ako ang sabi pa nila ay ang oe ko daw na tao.

Pero kapag nawala ang pasensya ko hindi ko na ang alam na gagawin baka hindi ko pa e galang ang magulang ni Cedrick kapag nagkataon, pero kinakalma ko ang sarili ko tatanggapin ko ang masasakit na salita na lalabas sa bibig nila h'wag lang nila ako saktan physically.

Hindi ko alam kong makakapasok pa ba ako bukas sapagkat ay pagmamayari 'yun ng mga Salazar tapos kasama pa do'n ang magulang ni Cedrick.

Sana pala hindi ko nalang tinanggap ang inalok ni Cedrick no'ng kaarawan ni Leah sana hindi na ako nawalan ng trabaho ang tanga ko pala sa parte na 'yun.

“Anak? Umiiyak ka ba?” malambing na boses dahilan para lumingon ako.

“Ha? Umiiyak po ba ako?” patanong kong sambit marahan kong hinaplos ang aki'ng pisngi, malagkit ang aki'ng pisngi basa din ito patuloy na umaagos ang tubig sa aking dalawang mata.

“K'musta ang lakad anak?” ramdam ko ang paggalaw ng aki'ng buhok at umupo si Mama sa aking tabi.

“Okay lang po Ma.” pagsisinungaling ko rinig ko ang mahinang hininga ni Mama at ako'y tinignan ng mabuti.

“Sa mukha mo palang anak, ay alam ko ng ikaw ay nagsisinungaling. Anong ginawa ng magulang ni Cedrick sa iyo?” ang katawan ko ang napuno ng kaba baka kagalitan pa ni Mama si Cedrick.

“Wala naman po Ma, may k'unting away lang ang naganap.” malakas ako'ng huminga at ngumiti ng pilit.

“Nag away ba kayo ni Cedrick?” may halong pangbabantang sambit ni Mama.

“Wala ma, 'yong parent's niya lang.” hinawakan ko ang aking ulo at marahan na hinilot 'yun.

“Ano ba ang ginawa nila?” mas nilakasan ko pa ang paghilot sa aking ang ulo ang sakit, pati itong puso ko hindi tumitigil sa paglakas ng tibok.

“Hindi ako tanggap.” unting-unti lumabo ang aking paningin lahat ng aking nakikita ay subrang labo.

“Ano ba ang sinabi nila sa iyo?” malakas ako'ng huminga.

“Gold digger...dahil daw isa akong secretarya ni Cedrick pera lang daw ang habol ko, pero alam mo naman Ma na hindi ko kayang gawin 'yun diba? Oo lumaki tayo sa may kaya lang pero ang pera lang ang habol? Hindi ko kayang gawin 'yun.” ang kamay ko ay nasa mata ko ramdam ko rin ang pagbasa nito.

“Ka walang hiya naman nila para sabihin 'yun sa iyo!” si Mama sa malakas na boses.

“Pero anak, ano ang ginawa ni Cedrick sa iyo?” mahirap na ang aking paghinga patuloy lang ang pag agus ng mga tubig sa aking mata.

“Pinagtanggol po, pero iniwan ko siya do'n, pero wag po kayong magtanim ng sama ng loob kay Cedrick opo pinipilit kaming paghiwalayin pero sa loob ng anim na buwan naming pagsasama sa tingin mo kaya Ma kaya ko siyang bitawan ng basta basta?” tinignan ko si Mama kahit nahihirapan na akong huninga ay pinipilit ko paring mag salita.

Cedrick Salazar: Hiding The Billionaire's Twins [✔️]Where stories live. Discover now