KABANATA 39: Letesha

1.3K 43 1
                                    

Amel Rose Point Of View:

Habang nagmamaneho ako sa gitna ng kalsana pansin ko ang batang tumawid kaya mabilis kung hininto ang sasakyan.

Darn muntik ko ng masagasaan ang bata sana naman walang nangyaring masama.

Tumingin ako ulit ng mapansin kung wala ito ay nagmadali kung kinuha ang seatbelt at lumabas ng kotse.

Hinanap ko ka agad ang bata malaking ginhawa dahil naka upo lang ito agad akong lumuhod upang magpantay kami.

“May masakit ba sayo?” tinignan ko kung may natamo ba siyang mga sugat pero wala naman.

“Wala po.” mahinang sambit nito teka bakit subrang pamilyar ng mukha niya? Batang babae na kasing mukha ni?

Nakalimutan ko pero parang sa tingin ko may kamukha talaga siya.

“Nasaan ba ang magulang mo?” bigla nalang itong umiyak nataranta ako dahil doon paano ko ba siya papatahanin.

Agad kung kinuha ang isang candy sa aking bulsa paborito ito ni Astriel at Calix.

“Hush wag kana umiyak eto oh candy, don't worry hindi ako masama huh.” mahina kung hinaplos ang kaniyang buhok bigla niya nalang ang niyakap dahilan para magulat ako.

“Mommy, i miss my mommy.” mahinang bulong nito agad ko siyang binuhat nagulat pa ito sa ginawa ko.

Keysa naman pagala gala siya sa kalsada ano pa ang mangyari sa kaniya kagaya ngayon muntik ko siyang masagasaan.

Kawawa naman siya kapag pinabayaan ko pa. Siguro pwede ko siyang patirahin muna sa bahay at mag p-post nalang kung sinong anak 'to.

Alangan naman na pumunta kami ng police station eh ang layo layo na mula dito.

“Hahanapin ko ang Mommy mo okay? Pero stay ka muna sa bahay ko para hindi ka pagala gala kumain kana ba?” sambit ko habang papasok kami ng kotse nagulat pa si Calix dahil doon.

“Hindi pa po.” oh gosh hindi pa siya kumakain kawawa talaga siya mabuti nalang ay malapit na 'yung mansion.

“Calix baby, nawawala kasi siya tapos malapit ko pang masagasaan siguro okay lang na ipag stay ko siya sa bahay ano?” tahimik lang si Calix agad itong tumango ngumiti naman ako at umupo sa driver seat nilagay ko naman ang batang babae sa passenger set.

Nasa likod kasi si Calix at Astriel hanggang ngayon ay tulog parin si Astriel.

Nilagyan ko ng seatbelt ang batang babae para hindi siya matumba.

“Baby girl? Ano pala ang name mo?” syempre hindi naman babae lang ang itawag ko sa kaniya may pangalan din naman siya ano?

“Letesha po pwede ninyo ako tawagin na Sha.” nice name parang name combination pero hindi ko na dapat pansinin gutom na si Sha.

“Ano ba ang pangalan ng Mommy mo Sha?” baka kilala ko? Kasi pamilyar 'yung mukha niya pero hindi ako nakakasigurado.

“Si L—” naputol ang kaniyang sasabihin sa biglaan kung paghinto hindi ko pala namalayan na nasa tapat na kami ng gate.

Mabuti nalang ay nakatingin agad ako kung hindi siguro may damage na yung kotse ko.

Bumukas ang malaking gate agad din akong nag drive papasok sa loob nakita ko pa ang pagkamangha sa mata ni Sha.

“Wow parang palasyo!” mahina akong natawa siguro ganito din 'yung reaksyon nila Astriel noong napunta sila dito.

Huminto ako sa tapat ng mansion kinuha ko ang seatbelt ko pati narin ang kay Sha binuksan ko narin ang pinto ng sasakyan.

Kitang kita ko ang mga maids na papalapit sa amin.

“Ma'am ako na po ang magdadala.” sambit ng isang maid binigay ko ang mga pinamili namin kanina sa mall.

Kinuha ko rin si Sha na inosenteng tumingin sa amin.

“Ate pwede po bang buhatin ninyo si Astriel nakatulog kasi nasa loob pala ng sasakyan.” tumango naman ang isang maid at binuksan ang pinto ng kotse.

Buhat buhat ko naman si Sha dahan dahan ko siyang nilapag sa tapat ng bahay.

Nakakalakad naman siya i guess parang nasa 3 years old palang siya?

“Ito ang bahay namin Sha, pwede mo gawin ang gusto mo pero hindi 'yung ikakagalit ko.” ngumiti ako sa kaniya at hinawakan ang maliit na kamay nito.

“Wow ang ganda naman.” pag pasok palang namin sa loob ng mansion ay puro kumento lang si Sha.

Siguro ngayon lang niya nakita ang ganitong bahay kasi sa itsura palang niya.

Pumunta kami ng kusina upang kumain nauna na si Calix na pumunta sa kwarto niya dahil narin napagod siya sa ginawa namin kanina.

Hanggang ngayon nga eh hindi ko parin alam kung nasaan ang hapang kainan dito kaya nga may kasama akong maid para turuan ako.

“Haha dahan-dahan lang.” natatawang sambit ko dahil ang lakas niya palang kumain kaya pala ang cute niya.

Ang sarap kasi kurutin ang chubby cheeks niya pero huwag na dahil baka masaktan pa siya kagaya ng ginawa ko kay Astriel noon.

“Alam ninyo po hindi lang kayo maganda mabait din po.” ay totoo palang maganda ako? Well alam ko na iyan dati pa since i born to this world.

“Rose?” agad ko nilingon ang nagsalitang iyon nakita ko si Mama na nakatayo sa may pintuan nakatingin sa amin.

“Kaninong anak 'yan?” lumapit si Mama papunta sa amin at umupo katabi ko.

“Hindi ko po alam Ma.” nanlaki ang mga mata ni Mama hindi ko alam pero parang natatawa ako sa reaksyon niya.

“Rose! Hindi kita pinalaki na ganiyan ha! Bakit mo naman kinuha ang batang iyan paano nalang kapag kakasuhan ka nila ng kidnaping!” tvngina ang iniisip ni Mama at kailan pa ako naging kidnapper aber? Eh ano naman ang gagawin ko kay Sha kukunin ang organs niya ganon ba?

“Anong kidnapping Ma? Eh pagala gala nga yan sa kalsada wag kang mag alala pupunta ako ng police station para hanapin ang magulang niya o hindi kaya mag post tayo sa social media.” tinignan ko si Sha na halata naman na gutom na talaga.

“Kung hindi ko siya kinuha baka hindi parin siya kumakain hanggang ngayon.” kumalma naman si Mama at saglit na tinignan si Sha.

“Parang kamukha ni Leah.” nagkunot ang noo ko anong kamukha ni—What? Oo nga magkamukha sila ni Leah.

“Baka anak niya iyan!” wala namang nasabi si Leah sa akin na may anak siya ang sabi lang niya ay kinasal na siya kay Ashero.

“Sha, Ashero ba name ng Daddy mo at ang Mommy mo naman ay Leah?” kitang kita ko ang pagtataka sa mukha ni Mama.

“Wow! Galing ninyo naman po bakit ninyo nalaman ang name nila Mommy at Daddy?” tama nga ako... Anak siya nila Ashero at Leah kaya pala subrang pamilyar ng mukha pati narin pangalan.

“Sinasabi ko na nga ba! Kaya pala kamukha mo si Ley! At ano si Ashero ang daddy mo?!” parang mas gulat si Mama ah? Diba dapat ako 'yung magulat dito.

“Tama nga ang hinala ko sa dalawa! Nagkatuluyan nga!”


Cedrick Salazar: Hiding The Billionaire's Twins [✔️]Where stories live. Discover now