Kabanata 4

228K 6.8K 4.7K
                                    


"Oh, eto pa. Ayusin mo ang paglaba sa mga damit ko ha!" sabi ni Maris bago lumabas ng bahay nila at pumasok sa kotse ng nobyo niya.

"Eris, pagkatapos mo maglaba. Mag saing ka ha" wika naman ni Annie habang nakaupo sa sala at nanonood ng tv. Kapatid ito ni Maris.

"Opo" sagot ni Eris at nilagay ang maruruming damit sa basket

"Huy Eris mamaya na yan. Linisan mo muna ang kuko ko" tawag sa kanya ni lorna. Ang Ina nina Maris at Annie

"Maglalaba pa po ako eh"

Galit siyang binalingan ng aunti lorna niya at agad na sinugod. Hinila nito ang buhok niya.

"Diba ang sabi ko unahin mo muna ako? Hindi ka ba nakikinig ha!? Linisan mo ang kuko ko ngayun dahil may pupuntahan ako!"

Padarag niyang pinaupo si Eris sa upuan at ipinatong ang paa nito sa hita niya. Maluha luha namang kinuha ni Eris ang mga gamit pang linis, medyo masakit kasi ang pagkakahila sa buhok niya pero pinigilan niyang umiyak.

Habang naglilinis ng ito ng kuko ng auntie niya ay napansin nitong nanginginig ang mga kamay ni Eris kaya inis niya itong sinipa na tumama naman sa tiyan niya.

"Ayusin mo!" Sigaw sa kanya ng auntie niya. Inayos niya naman ang pagkakahawak sa pusher. Tiningnan niya ang tiyan niya na sinipa ng auntie niya.

She's already 1 week pregnant

____

"Eris, sigurado ka ba na okay ka lang mag-isa? Pwede kitang samahan kung gusto mo" sabi ni lisa sa kabilang linya

"Huwag na po" sabi ko at bumaba sa tricycle

"Basta umuwi ka na kaagad kapag wala padin siya jan ha?"

"Sige po. Bye" paalam ko

"Bye. Mag-ingat ka" at pinatay ko ang tawag

Pangatlong beses na siyang pumunta sa Bar para hanapin si Thaigo. Sa dalawang beses niyang pagpunta sa Bar ay hindi niya ito nakita kaya ngayun ay umaasa siyang makikita na niya ito.

Sinalubong siya ng maingay na tugtog at madaming tao. Agad na nanuot sa ilong niya ang pinaghalong amoy ng alak at sigarilyo. Hinawakan niya kaniyang tiyan habang naglalakad siya papunta sa second floor, sa mga vip.

Tiningnan niya ang bawat tao na naroon pero walang Thaigo siyang nakita. Naglakad pa ulit siya at napansin ang pamilyar na lalake sa may dulo. Dalawa silang nakaupo habang umiinom ng alak habang may tatlong lalake na puro nakaitim ang nakatayo sa gilid nila.

May bodyguards??

Habang papalapit ako ng papalapit ay mas lalong bumibilis ang tibok ng puso niya.

Kumalma ka nga Eris! Sasabihin mo lang naman sa kanya na buntis ka. Dapat niyang malaman yun kaya siya ang ama.

Sabi niya sa kanyang isip. Huminto siya sa likod ng isa nilang bodyguard. Hindi niya makita si Thaigo kasi mataas at malapad ang likod ng bodyguard kaya tumikhim siya, gulat namang napabaling ang bodyguard sa kanya.

"Sino ka miss?"

Napalunok ako bago magsalita "G-Gusto ko sanang kausapin si Thaigo" sabi ko habang nakatingala sa kanya

Mahina siyang tinulak ng Bodyguard
"Hindi pwede, umalis ka na"

"Pero-"

"Sino yan?"

Napatigil ang bodyguard sa pag tulak kay Eris ng magsalita at tumayo si Thaigo. Agad namang tumabi ang bodyguard.

Tahip tahip naman ang kanyang puso ng magtama ang mga mata nila Thaigo.

Beautiful Mistake (Mafia Series #1)Where stories live. Discover now