Kabanata 26

193K 4.3K 2.3K
                                    

"Aalis na ako"

Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses ni Thaigo. Pupunta sana ako sa kwarto ni Thairon.

"Sige, mag-ingat ka" pilit akong ngumiti at tatalikod na sana ng hinawakan niya ang kamay ko.

"Where's my goodbye kiss?" he playfully said.

Gusto kong ngumiti, gusto kong kiligin pero hindi ko 'yon magawa.

Lumapit ako sa kanya at mabilis siyang hinalikan sa kanyang labi. Agad akong lumayo sa kanya. Kumunot naman ang noo niya.

"May pupuntahan ka ba?... ba't parang nagmamadali ka?" nilapitan niya ako at hinawakan ang aking bewang.

Umiling ako. "w-wala. Sige na umalis ka na" sabi ko at kinuha ang kanyang kamay sa bewang ko.

He look at me for a few seconds bago marahan na tumango. Bakas sa mga mata niya ang pagtataka.

"Puntahan ko lang si Thairon" sabi ko at binuksan ang pinto ng kwarto ng anak ko.

Nagsusuot na siya ng kanyang sapatos ng maabutan ko siya. Kinuha ko naman ang bag niya at inayos ang kanyang gamit sa loob.

"Ikaw po maghahatid sa akin sa school?" he asked. I nodded. "okay" kinuha niya ang kanyang bag at agad na sinuot.

Pakababa namin ay wala na si Thaigo. Dumiretso kami sa labas at pumasok sa kotse.

"Grabe, nalasing talaga ako kahapon" daldal ni Dion habang nag da-drive. " Narinig niyo kahapon 'yung kanta ni Enzo?" tumawa siya tumango lang ako.

Panay ang kwento niya sa nangyare kahapon pero tahimik lang ako sa likod katabi si Thairon.

"Mommy, why are you so quiet? nag-away na naman ba kayo ni Dad?"

Medyo nagulat ako sa tanong ng anak ko kaya naman agad akong ngumiti. " May... iinisip lang ako anak tsaka hindi kami nag-away ng Daddy mo" sabi ko at hinawakan ang pisngi niya. Nakita ko si Dion sa rearview na nakatitig sa amin.

"I thought nag-away na naman po kayo"

Umiling ako. 'No. We're okay" pilit akong gumiti at niyakap siya. "Mommy loves you"

"No matter what happens, always remember that I love you, okay?" hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at hinalikan siya sa kanyang noo. He looked confuse but he nodded his head.

"I love you too Mom. Please promise na hindi na po kayo ulit mag-aaway ni Dad"

Huminga ako ng malalim at pilit na piniligilan na tumulo ang aking luha. "I promise"



Kinagabihan 8pm nakauwi si Thaigo kaya naman nauna kaming mag dinner ni Thairon. Maaga din akong natulog kaya hindi kami nag-usap.

Kinabukasan hinatid ko ulit si Thairon sa kanyang school. Papasok ako ng mansyon ng makita ko si Thaigo na nakaupo sa sala. Naka bihis na siya.

Akala ko umalis na siya? 'tsaka anong oras na. Ba't nandito pa siya?

Lalagpasan ko sana siya ng nakita ko siyang tumayo sa periphery ko. Napatigil ako sa paglalakad.

"May... kelangan ka?" tanong ko.

Nakita ko ang paghinga niya ng malalim bago lumapit sa akin.

"Maaga kang natulog kagabe, maaga ka rin nagising kanina..." nilagay niya sa kanyang bulsa ang kamay niya. " We haven't talk since yesterday. Are you okay? Is there something bothering you?" umatras ako ng humakbang siya palapit sa akin.

"Huwag mo akong isipin" I forced to smile. "Okay lang talaga ako"

Hindi niya inalis ang mata niya sa mukha ko. Para bang tinitimbang niya ang reaksyon ng mukha ko, kung nagsasabi ba ako ng totoo.

Beautiful Mistake (Mafia Series #1)Where stories live. Discover now