Kabanata 8

198K 6.3K 532
                                    

Nagising ako ng wala na si Thaigo sa may sofa. Napatingin ako sa wall clock, 6am na.

Agad akong bumangon at nagtungo sa banyo para makapag ligo.

Mamasa masa pa ang buhok ko ng lumabas ako ng kwarto. Humikab ako at napatingin sa paligid habang pababa ng hagdan


Feeling ko nanaginip ako. Hindi parin talaga ako makapaniwala na nakatira ako sa ganitong klase ng bahay.



"Good Morning Ma'am" bati sa akin ng isang kasambahay at iginaya ako papunta sa lamesa


"Magandang umaga din po" magalang kong sabi


As usual, puno na naman ng pagkain ang mahaba nilang mesa


Ako talaga ang nasasayangan sa pagkain


Kukuha na sana akong pagkain ng inunahan ako ng isang kasambahay

"Ako na po Ma'am" sabi nito. Hinayaan ko nalang siya

Siya yung bumati sa akin kanina


"Ano pong pangalan niyo?" Tanong ko sa kanya habang abala siya sa paglalagay ng pagkain sa pinggan ko

Ngumiti siya bago sumagot "Isabel Ma'am" I hummed as a response. Medyo may katandaan na rin siya


"Salamat po, manang Isabel" sambit ko ng natapos na siya sa paglagay ng pagkain sa pinggan ko


"Kain po tayo" sabi ko at tiningnan silang lahat na nakatayo lang sa gilid ko. Ngumiti lang sila.


Isang subo palang ang nakakain ko at agad akong uminom ng tubig. Napatigil ako sa pagkain at huminga ng malalim ng maramdaman kong parang masusuka ako.

Sinubukan kong pigilan na masuka pero parang hindi ko kaya tumayo na ako at napahawak sa aking bibig.

"Ma'am?.. ayos lang po ba kayo?" Agad na lumapit sa akin si Manang Isabel

Huminga naman ako ng malalim bago tumango. Ang kamay ko ay nasa bibig ko parin habang ang isa ay sa tiyan ko. Parang kumalma naman ang tiyan ko kaya binaba ko aking kamay.

Uupo na sana ulit ako ng maramdaman kong parang lalabas na ito. Tatakbo na sana ako patungo sa cr ng nabangga ako sa kung anong matigas na bagay sa harap ko.


"Ayos ka lang ba?"

Napaangat ako ng tingin ng magsalita si Thaigo. Bihis na bihis siya at parang papasok na sa trabaho niya. Sobrang lapit din namin kaya naman amoy na amoy ko siya, ang bango ng pabango niya pero parang nahihilo ako sa amoy nito kaya naman lumayo ako sa kanya.

Magsasalita na sana ulit siya ng bigla akong tumakbo patungo sa cr habang hawak hawak ang aking bibig.


Maluha luha naman ang aking mata habang pinupunasan aking bibig ng malinis na towel.

Parang naghihina naman ang tuhod ko habang naglalakad palabas ng banyo. Halos mapatalon ako ng makita ko si Thaigo na nakatayo ng buksan ko ang pinto.

Ewan ko kung namamalik mata ba ako o nakitaan ko talaga ng pag aalala ang mata niya ng magharap kami?


"It's normal right?..." He cleared his throat "I mean, nasuka ka ba dahil sa pagbubuntis mo o dahil sa pinakain nila sayo?"


"Uh, dahil sa pagbubuntis ko lang to" tumango naman siya pero nakitaan ko ng galit ang mga mata niya "B-Bakit?... nagdududa ka ba sa kanila? masarap kaya ang hinanda nila"

Nakita kong gumalaw ang panga niya bago umiwas ng tingin " I just want to make sure" he shove his both hands on his pocket before continuing " If anything bad happens to you, I'm gonna fire them all"

Napatulala naman ako sa kanya ng ilang segundo bago magsalita "s-sige, uh, aalis na ako. may pasok pa ako" hahakbang na sana ako ng inunahan niya ako

"Papasok rin ako sa trabaho kaya sumabay ka na sa akin" malamig nitong sabi at nauna ng lumabas

Na estatwa naman ako sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan ko siyang naglalakad palayo.

Napahawak nalang ako sa aking kaliwang dibdib ng maramdamang mabilis ang tibok nito


Huy! Huwag kang kiligin! Nag-aalala lang siya para sa baby. Huwag ka ngang assumera,Eris!


Pagkalabas namin ng Mansyon ay agad kaming sinalubong ng mga tauhan sa labas ang iba ay nakita kong pumasok sa dalawang kotse.

"Good Morning, Mrs. Villamor!" Masiglang bati ni Dion at nilahad ang kamay niya sa akin. Napahinto ako pagbaba ng hagdan at tinitigan ang kamay niya.

"Ako ang maghahatid sayo sa School mo"

"Ah, okay" tugon ko at hahawakan sana ang kamay niya ng tumikhim si Thaigo sa gilid ko

"Sa akin na siya sasabay"

"Oh..." dismayadong wika ni Dion at binaba ang kamay niya "akala ko ba sabi mo ako ang maghahatid at susundo sa kanya sa school?"

"Ngayun lang naman siya sasabay sa akin. May nakalimutan lang ako kaya ako bumalik dito kaya isasabay ko nalang siya" walang emosyon na wika ni Thaigo habang nakatingin sa harap. Nakita ko namang tumaas ang sulok ng labi ni Dion bago tumango


"Let's go" he said in his usual cold tone. Tumango ako at sumunod sa kanya





Tahimik lang kami buong byahe hanggang sa dumating na kami sa eskwelahan ko. Medyo nagtaka pa ako kasi hindi naman siya nagtanong sa akin pero alam niya ang patungo rito.


"Salamat" sambi ko bago lumabas. Nakita ko namang tumango siya sa periphery ko


"Dion will fetch you after your class" pahabol nito bago ako lumabas

"okay" nginitian ko siya. Medyo nagtagal ang titig ko sa kanya, hoping that he would smile back pero umiwas lang siya ng tingin sa akin kaya naman lumabas na ako at sinarado ang pinto ng kotse niya.


Hay naku Eris huwag ka ng mag expect na ngingitian ka ng lalakeng yun pabalik. Hindi ka pa nasanay sa seryoso at walang emosyon na mukha nun. Nag-iiba lang reaksyon ng mukha nun kapag nagagalit.


____

Sensya medyo maiiksi lang ang chap na ito hehe pero publish ko later chap 9:) please don't forget to vote!

Beautiful Mistake (Mafia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon