Kabanata 15

203K 5.7K 4K
                                    

It's weekend kaya naman nandito kami ngayun sa farm

"Sigurado ka? ikaw ang aakyat sa niyog?" tanong ko kay Thaigo habang abala naman siya sa pagbukas ng butones ng damit niya

Tumango lang siya bilang sagot

Gusto ko kasing uminom ng buko juice kaya nagpakuha ako sa kanila at nag volunteer naman si Thaigo sa pag akyat

"Sigurado ka marunong kang umakyat ah" sabi ko nang lumapit na siya sa puno ng niyog

"kaya ko nga" sabi niya at nagsimula ng umakyat. Nakabantay naman sa paligid ang ibang mga tauhan niya

Parang ako ang kinakabahan sa kanya, baka mahulog siya.

"huy, kumapit ka ng maiigi!" sigaw ko sa kanya nang nasa bandang gitna na siya

Napabaling naman ako sa gilid ko ng may maramdaman akong hangin. May nag papaypay pala sa akin at sa kabila ko naman ay may hawak na payong.

Lakas maka donya naman to

"uh, manang...ako na po hahawak" sabi ko sa may hawak ng paypay. Nahihiya kasi ako at hindi talaga ako sanay sa ganito

"Ako na Ma'am, bilin po ito sa amin ni Sir Thaigo"

"Ah, ganun ba" sabi ko at nginitian siya

Agad na kinuha ng mga tauhan ni Thaigo ang limang buko na hinulog niya. Agad kong kinuha ang malinis na towel na inutos ko kanina sa kasambahay at agad na nilapitan si Thaigo.

"Dalhin niyo 'yan sa loob" sabi niya sa mga tauhan niya

Tumagal ang titig ko sa malapad niyang likod. Pawisan ito at medyo namumula dahil sa init ng araw. Wala palang tattoo ang likod niya.

Lumapit ako habang hawak ang puting towel. Saktong pagkaharap niya ay inangat ko ang kamay. Napatitig siya sa kamay kong may towel at sunod ay sa akin

Nakatingin lang siya sa akin habang pinupunasan ko ang noo at pisngi niya. Nang bumaba ang kamay ko sa leeg niya ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko

"Ako na" sabi niya at kinuha ang towel sa kamay ko

"s-sige" sabi ko at binaba ang kamay ko

Ba't ko nga ba ginawa 'yon?!

Pinagmamasdan ko siya habang pinupunasan niya ang kanyang leeg at dibdib. Wala sa sarili akong napalunok ng bumaba ang tingin ko sa six pack abs niya.

Ang ganda pala talaga ng katawan niya!at mas lalo siyang naging hot tingnan dahil sa mga tattoo niya

Humakbang siya palapit sa akin pero nanatili parin ang mga mata ko sa katawan niya

"My wife must be hungry"

Napaangat ako ng tingin sa mukha niya ng magsalita siya. Nakita ko ang mapaglarong ngiti na lumitaw sa labi niya

Agad akong umiwas ng tingin sa kanya

Shit,shit,shit nahuli niya siguro akong nakatingin sa katawan niya!

Napaatras nalang ako ng lumapit siya bigla sa akin at yumuko para mag lebel ang mga mukha namin

"Gutom ka na?" nakangisi niyang wika

Oo, bigla akong nakakita ng anim na pandesal eh. Bigla akong nagutom

"u-uh, Oo" sabi ko at umatras ng maramdaman kong lumalapit parin siya sa akin

"hmm..." tanging sagot niya at dahan dahang tumango

Napatigil ako sa pag atras ng maramdaman kong dumikit ang likod ko sa isang puno

Yumuko siya at nilapit ang mukha niya sa mukha ko

Beautiful Mistake (Mafia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon