Kabanata 30

209K 5.3K 5.3K
                                    

Nagising ako ng maramdaman kong may bumuhos ng tubig sa aking mukha. Medyo nahihilo pa ako. Nawalan ako ng malay kanina.

Umalis ang lalakeng sumaboy sa akin ng tubig. Nakaupo ako ngayun sa upuang yari sa kahoy at nakagapos ang dalawa kong kamay sa aking likod, wala ng tela na nakatakip sa aking bibig.

Nilibot ko aking paningin sa paligid at parang nasa abandonadong building ako. May mga lalakeng may hawak na baril sa paligid. Hindi ko alam kung anong oras na pero madilim na labas.

"Yes tito, okay po"

Narinig kong may nagsalita mula sa aking likod. Gustuhin ko mang lingunin 'yon ay hindi ko magawa dahil nakagapos sa likod ng upuan ang kamay ko.

Narinig ko ang mga yapak niya galing sa likod ko. Papalapit ito ng papalapit.

Una kong nakita ang itim niyang sapatos sa gilid ko. Inangat ko ang aking paningin at nakangisi niya akong tinitigan.

"Mabuti at gising ka na" sinuklay niya ang kanyang mahabang buhok gamit ang kanyang daliri.

"Anong kelangan mo sa akin Markus" malamig kong wika.

Tinalikuran niya ako at kumuha ng isang monobloc. Nilagay niya ng patalikod ang upuan sa harap ko at umupo siya doon, ang dalawang braso ay pinatong niya sa ibabaw ng upuan.

"Wala kaming kelangan sa'yo pero sa asawa mo meron" muli siyang ngumisi at kumuha ng sigarilyo sa kanyang bulsa. Nilagay niya iyon sa kanyang bibig at sinindihan.

Tumingala siya at bumuga ng usok bago nagsalita.

Madilim na ang kanyang mata ng magharap kami.

"Your husband killed my cousin"

Unti unti akong nakaramdam ng kaba ng maalala ang nangyare kay Axel. Ang pagpatay sa kanya ni Thaigo.

"We will use you as a bait. Your husband will going to save you at kapag pumunta siya dito, papatayin namin siya" bumuga siya ulit ng usok at tumayo.

"Nandito na po sila" dinig kong sabi ng isa nilang tauhan. Tumango si Markus at naglakad palayo, nakita ko siyang lumiko at bumaba sa hagdanan.

Natatakot ako. Paniguradong susugod dito si Thaigo. Alam kong marami din siyang tauhan pero marami ring tauhan sina Markus. Paano nalang kung mapahamak si Thaigo? Hindi ko makakaya 'yon. Ayokong masaktan siya.

Kasalanan ko 'to. Hindi dapat siya nadadamay dito.

Medyo madilim ang paligid, hindi gaano ka liwanag ang ilaw. Bukas ang bintana at walang pader ang ibang parte ng building na ito, wala ding pintura parang hindi natapos o hindi tinuloy ang pagpapatayo sa gusaling ito. Hindi ko alam kung ilang palapag ang building na ito pero pakiramdam ko ay nasa mataas kami na parte. Malakas ang ihip ng hangin na nagpapalamig sa aking balat.

Nakarinig ako ng mga yapak galing sa malayo. Tumingin ako sa direksyon na 'yon at nakita ko si Tito Bryan at Tita Sandra, ang mga magulang ni Axel kasama si Markus.

Sa malayo palang ay nakita ko na ang galit sa mga mata ni Tito Bryan habang si Tita Sandra naman ay namumugto ang mga mata.

Tumigil sila sa harap ko. Nakahawak si Tita Sandra sa braso ni Tito Bryan habang maluha luha ang kanyang mata.

"You lied to our son" wika ni Tito Bryan. "And your fucking husband killed him!" hinaplos ni Tita Sandra ang kanyang braso para pakalmahin siya. Nakita ko ang panginginig ng kanyang kamay sa sobrang galit.

"Buhay ang kinuha niya kaya buhay rin ang kapalit" dagdag niya

"P-Parang awa niyo na po... huwag niyo pong sasaktan ang asawa ko..." hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking luha.

Beautiful Mistake (Mafia Series #1)Where stories live. Discover now