KABANATA 3

10.5K 364 20
                                    

So reincarnation is true?



At na reincarnate pa talaga ako sa katawan ng kontrabida slash spoiled brat na si Isabella Montenegro!




Bakit hindi pa ako na reincarnate sa katawan ng bida? At sa kontrabida pa talaga?! But whatever i love villains naman.




“Binibini, hali na po kayo dahil hinahanap na kayo ng inyong ama.” napatingin ako sa babaeng ‘to.



“Teka lang sandali.” pigil ko sakaniya, napatigil naman siya at nag tatakang tumingin sa akin.



Kita ko rin ang takot sa mga mata niya, yeah i know naman na palihim siyang sinasaktan ni Isabella ganoon din ang ibang mga kasambahay rito, kaya hindi ko siya masisisi kung matatakot siya.



Pero may dapat naman talaga siyang katakutan sa akin, i killed almost hundred bad peoples.



“What is your name?” i asked.



“P-po?”



Halos tampalin ko ang noo ko nang maalala ko nga palang hindi siya nakakaintindi ng english! Bakit ko ba ‘yon nakalimutan?



I sighed because of irritation. “Ano ang pangalan mo?”



“C-carla po.” kita ko na natigilan siya. “Nako binibini!” sigaw niya bigla kaya nagulat ako.



“Bakit nakalimutan mo ang iyong ‘ngalan? Pati ang akin ay nakalimutan niyo rin. Dahil ba iyan sa sugat niyo sa noo? Dapat talaga itong malaman ng inyong ama at ina!”



“Relax.” i said at pinakalma siya, mas natataranta pa siya kesa sa akin na may sugat at dugo sa noo!



“Tapos kanina pa po kayo nag sasalita nang hindi ko maintindihan! Ang alam kong salita na iyan ay tinatawag na ‘ingles’. Mga maharlika lang ang marunong mag salita nang ganiyan! Tulad ng iyong ama at ina ngunit ikaw ay hindi niyan marunong.”



Napangiwi ako dahil sa haba ng sinabi niya. Napakadaldal naman ng maid na ‘to.



Yeah she‘s right. Isabella don‘t know how to say or use english. Tagalog lang talaga kaya nilalait na siya sa salitang english tuwang-tuwa pa si loka kasi akala niya pinupuri siya.



At dahil ako na siya, i will make sure that no one can hurt me or this body! At ang pinaka unang una kong gagawin ay ang lumayo sa mga characters na narito.



Lalong lalo na sa mga protagonist, hahayaan ko silang mag saya para matapos na kaagad ang kwento na ‘to at hindi mamatay si Isabella or should i say ‘ako’ na ngayon.



At mas lalayo ako sa taong gustong gusto ni Isabella at iyon ay kundi walang iba... si Elijah Joaquin Hernandez ang male lead sa kwento at lalayo rin ako kay Hannah Guivarez.



“Hali na po kayo binibini, nag aalala na ang inyong ina.”



Napa-buntong hininga nalang ako. I guess i will accept the destiny nalang. Dapat pa ba akong mag pasalamat kasi nabuhay pa ako? Kung ganon nga edi ‘thanks.’



Nag simula na kaming mag lakad at nasisigurado ko ngang nasa likod kami ng mansyon nila Isabella.



Habang nag lalakad kami ay ang dami kong nakikitang Gwardiya Civil. Lahat sila ay nakatayo sa mga gilid-gilid na ani mo‘y nag babantay.



Reincarnated as a Binibini Where stories live. Discover now