KABANATA 53

5.2K 237 24
                                    

Parang tumigil ang ikot ng mundo ko at parang sinimento ang buo kong paa dahil hindi ito makagalaw, nanatili ang tingin ko kay Ej na ngayon ay nakatingin din sa akin.





"Mahal din kita."

"Mahal din kita."

"Mahal din kita."





Parang sirang plakang nag paulit-ulit sa pandinig ko ang sinabi niya. At sa bawat ulit non ay mas lalong lumalakas ang tibok ng puso ko.




Why my heart beating so fucking fast?




Parang nag kusa ang kamay ko na humawak sa dibdib ko para mas lalo kong maramdaman ang tibok ng puso ko.




Damn it, alam niya ba ang ibig sabihin non?! Bakit niya alam ang meaning non?!




Hindi ko expected 'yon! Akala ko ay hindi niya alam kaya ang lakas ng loob kong sabihin iyon.




Pero bakit ngayon hindi ko man lang maibuka ang bibig ko?!




Damn this mouth!




Bakit ganon ang sinagot niya?!




Galing ba si Ej sa future?!




Baka naman namatay rin si David tapos siya yung na reincarnate sa katawan ni Ej?!




Dahil sa isiping iyon at dahil na rin sa sinabi ni Ej ay tuluyan nang nag dilim ang paningin ko.




Huling rinig ko nalang ay ang pag tawag sa akin ni Ej at ang kamay na sumalo sa katawan ko.







Nagising nalang ako dahil parang may humahamplos sa buhok ko, unti-unti kong dinilat ang mga mata ko at hinayaang i-adjust ang mga mata ko sa liwanag.




Nang tuluyan na nga akong nakakakita ay napatingin ako sa gilid ko.




Ano ba ang nangyari? Bakit ang sakit ng ulo ko!




Kita ko si Donya Ilaura na nakaupo sa tabi ko. "Anak." hinawakan kaagad ni ina ang kamay ko. "Nawalan ka nang malay kagabi."




Doon ay nag sink-in sa utak ko ang nangyari kagabi.




Shit! Nahimatay nga pala ako kagabi!




Napahawak ako sa ulo ko dahil bigla itong kumirot.





"Mahal din kita."

"Mahal din kita."

"Mahal din kita."





"AHHH!" sigaw ko at napahawak sa buhok ko at sinabunutan ang sarili.




Bakit ba naririnig ko pa rin iyon?! Wahh ang lakas na naman ng tibok ng puso ko!




Hindi ko naman naramdaman ito kay David nung siya palang ang shota ko!




"Anak!" kita ko ang taranta sa mukha ni ina na parang hindi na rin alam ang gagawin. "Ano ang nangyayari sa iyo?" alala nitong tanong.




Reincarnated as a Binibini حيث تعيش القصص. اكتشف الآن