KABANATA 38

5.4K 223 1
                                    

Tinaas ko pa ang mga kamay ko para malaman nila kung sino ang nag salita.




Nakita kong natigilan ang host dahil sa pag taas ko ng kamay.





“Isang binibini?”


“Hindi niya kaya ang bigat ng pana at palaso.”


“Kaya niya kaya ‘yon?”


“Sino siya?”


“Nakatakip ang kaniyang mukha, hindi ko maaninag.”


“Base sa suot niya, mukha siyang maharlika.”





Nag simula ang bulong bulungan sa paligid, palihim naman akong napa-irap, ngayon lang ba sila makakakita ng isang babaeng marunong mamana?




Pumasok ako sa loob kung saan may mga kahoy na nakapalibot sa loob at naroon ang mga kalahok, kahit ang mga manlalaro ay hindi makapaniwala.




Lumapit ako sa host na ngayon ay hindi pa rin ata pumoproseso sakaniya ang sinabi ko, parang iniisip ata nila na lahat ng binibini ay mahina?!




Ibahin nila ako, duh. “Sasali ako.” pag uulit ko, nakita kong napapitlag siya.




“N-ngunit, binibini. Hindi maaari, hindi mo kakayanin.“




“Makikilahok po ba ako kung hindi ko po kaya?” magalang na saad ko.




Muli na naman siyang natigilan. “Sigurado ka ba, binibini?” tumango nalang ako, sasali lang naman ako! Bakit ang big deal sakanila!




“Ngunit ang premyo ay hindi masiyadong mahalaga, base sa iyong kasuotan ay para kang anak mayaman.”




“Hindi ako galing sa maharlika.” saad ko. “Gusto ko ang armas na ‘yon.” at bahagyang tumingin sa dagger.




“Ngunit hindi bagay sa isang binibini ang humawak nang ganiyan.” pwede bang isali nalang niya ako?! Naririndi na ako.




“Gusto ko lang pong sumali.” mahinhin na saad ko, jusme mahabagin! Ayaw ko na!




Kita ko ang alinlangan sa mata nito bago tumango, umangat ang gilid ng labi ko alam ko namang hindi nila makikita iyon lalo na‘t nakatapal ang belo sa kalahating mukha ko.




“Pumwesto kana ron, binibini.” tinuro niya sa akin ang isang pwesto na walang nakatayo, dumiretso ako roon nang walang imik at pumwesto.




Bumaba ang tingin ko dahil nakalagay dito ang gagamiting pana at yung palaso, kinuha ko iyon at palihim na ngumisi.




I miss this.




Kumuha ako ng arrow at nilagay na iyon, nakababa pa rin dahil hindi pa nag reready ang host.




Tahimik lang ang lahat at inaabangan ang mangyayari, sa totoo lang feeling ko nga sa akin lahat nakatingin eh!




Paano ba naman ako lang ang nag iisang babae ang naka pwesto rito, idamay mo pa yung mga kalahok na nakatingin rin sa akin.




Palihim naman akong napa simangot. Nakarinig ako ng tikhim sa host at tumindig ito. “Ang paligsahan ay mag uumpisa na!” sigaw niya kasabay ang pag ayos namin sa tindig namin.




Reincarnated as a Binibini Where stories live. Discover now