KABANATA 39

5.4K 196 1
                                    

Napaangat ang tingin ko at bumungad sa akin ang pag mumukha nilang LAHAT! Oo as in silang lahat!




Sila Rafael, Miguel, Renren, Ej at si Hannah! Idamay mo pa yung dalawang babaeng kasama nila!




Tinitigan ko yung dalawang babae, hindi ako pwedeng mag kamali, silang dalawa yung kaibigan ni Hannah! Gosh na brainwash ba ‘tong dalawang ‘to?




“Magandang araw sa ‘yo, Binibining Isabella!” bati sa akin ng isang babae. Sinundan ito ng isa pa.




Ngumiti ako sakanilang dalawa, kailangan maging mabait, agawin ko kaya sakaniya ang dalawa niyang kaibigan?




Napagawi ang tingin ko kay Ej na ngayon ay nakatingin sa akin bago lumipat ang tingin kay Samuel at bumalik sa akin, tinaasan ko lang siya ng kilay nang mag tama ang tingin namin.




Inirapan ko siya bago tumingin kay Renren. “Magandang araw sa ‘yo Binibining Isabella.” binati ko rin siya pabalik.




“Kami, hindi mo kami babatiin? Akala ko ba tayo ay mag kaibigan na?” palihim akong napangiwi at tinignan si Raf na parang ewan kung mag emote!




Wala talaga sa itsura nila ang maginoo gosh! Sabagay anak mayaman, hindi na ako mag tataka kung spoiled din ang mga animal na ‘to.




Binati ko na rin silang dalawa bago kunin ang baso na may laman ng tubig dahil parang natuyo ang lalamunan ko nang makita ko sila rito, jusme sakit sila sa ulo.




Nag sabay-sabay pa sila! Dagdag sama ng loob na naman ‘to.




“Sino siya Binibining Isabella? Kasintahan mo?” agad akong nabulunan sa tubig dahil sa tanong ni Miguel.




“Isabella, ayos kalang?” nag aalalang tanong sa akin ni Samuel at lumapit pa.




Pero halos himatayin ako dahil ganon din ang ginawa ng dalawa! Si Ej at Renren, naiwan tuloy yung lima sa likod nila!




Napakurap kurap ako bago tumikhim. “Ayos lang ako.” sabay sabay naman silang lumayo.




Nahalata ata nilang ang lapit nila sa akin which is hindi tama! Duh nasa sinaunang panahon kami baka sabihin ng mga tao rito ay kumekerengkeng ako!




Pinunasan ko ang bibig ko. “Hindi ko siya kasintahan, siya si Samuel Fuentes, kaibigan ko.” saad ko.




Nakita ko ang gulat sa mukha ni Hannah na nasa gilid lang, pero kaagad din niya iyong itinago at may sumilay na ngisi sa labi niya, hindi ko ‘yon nagustuhan dahil parang may binabalak siya.




Dumating bigla ang order namin, nag.taka pa yung nag dala dahil ang daming nakatayo.




“Pwedeng makiupo?” biglang saad ni Claria, isa sa kaibigan ng totoong Hannah.




She‘s Claria Santibanez, mabait, natural ang ganda pero mas maganda pa rin ako, matangkad pero mas matangkad ako. In short perfectionist din ang lola niyo.




At yung isa pa niyang kasama ay si Olivia Ocampo, mabait din siya, actually ‘yang dalawang babae na ‘yan bagay sa dalawang tukmol!




I smiled at her, totoong ngiti dahil alam kong mabait siya sa akin, walang halong ka plastikan hindi katulad ng isa riyan , ehem.




Tumingin muna ako kay Samuel. “Maaari ba silang sumabay sa atin?” mahinhin kong tanong.




Reincarnated as a Binibini Where stories live. Discover now