ANG HULING KABANATA

9K 445 77
                                    

Nawala ang focus ko kay Isabelia dahil napalingon ako sa likod ko dahil sa boses na yon, pamilyar siya kaya napalingon talaga ako.



"Ej..." gulat kong saad.



Naging pagkakataon yon ni Hannah para maitulak ako at kunin ang patalim na hawak ko, nagulat ako sa ginawa niya dahil bigla siyang umalis sa harap ko at sinundan ang tingin kung saan siya papunta.



"H-hindi." saad ko at dali daling tumayo para habulin si Hannah, sobrang higpit ng kapit niya sa patalim habang lumalapit na sa pwesto ni Ej.



Tumakbo ako nang mabilis kung saan maabutan ko na siya, sobrang lapit na niya kay Ej at si Ej na nakatulala at parang gulat na gulat na nakatingin kay Hannah ang mukha niya.



Umamba na nang saksak si Hannah. "EJ!" sigaw ko kaya agad na napalingon sa akin si Ej, niyakap ko kaagad siya nang makalapit ako sakaniya.



Naramdaman ko ang pag baon ng patalim sa likuran ko, agad akong napangiti dahil hindi si Elijah ang nasaksak.



"I-Isabella?" rinig kong bulong ni Ej.



Tinignan ko siya sa mata at doon na tuluyang tumulo ang mga luha sa mata ko, hinawakan ko ang pisnge niya. "S-salamat at ligtas ka." mahina kong saad.



Lumambot ang tuhod ko kaya muntik na akong malaglag kung hindi lang ako nasalo ni Ej, naramdaman kong nahawakan niya ang likod ko kung saan naroon ang tama ng saksak sa akin.



Nakita ko ang pag luha ng mga mata niya. "H-hindi... mahal ko." saad nito.



Tumingala siya at sigurado akong nakatingin siya ngayon kay Hannah. "P-Paano mo 'to nagawa?" hindi makapaniwalang saad niya. "Hindi na ikaw ang Hannah na nakilala ko noon, ibang iba kana."



"Ikaw dapat 'yon!" sigaw ni Hannah. "Kasalanan ko bang humarang siya?" dagdag pa nito.




Tumingin sa akin si Ej, nasasaktan akong umiiyak siya nang dahil sa akin ngayon. "B-bakit mo ginawa 'yon?" humigpit ang hawak nito sa akin.



"Ayokong m-masaktan ka." napapadaing ako sa tuwing nag sasalita ako. "H-hindi ko matatanggap k-kung ikaw ang n-nasa sitwasyon ko n-ngayon." pahina nang pahina kong ani.



"JUSKO ANG ANAK KO!" unti unti nang lumalabo ang mga mata ko pero rinig ko pa rin ang mga ingay na nasa paligid.



Alam kong narito na ang lahat, pati na rin ang magulang ni Isabella.



Tinitigan ko si Ej at kaagad na nginitian siya. "Masaya akong nakilala kita ng p-personal, Ej." saad ko sakaniya.



"Huwag kang mag sabi na para bang nag papaalam kana." ani nito at niyakap na ako nang mahigpit. "Ipangako mo sa akin na mabubuhay ka pa." napangiti na lang ako nang mapait sa sinabi niya.



"H-hindi ako sigurad―."



"I-ipangako mo! P-parang awa mo na." tuluyan nang tumulo ang luha sa mga mata ko dahil ramdam ko ang sakit sa boses niya. "Ipangako mo sa akin, Isabelle."



Natigilan ako nang sandali dahil sa binanggit niyang pangalan. "Ipangako mo sa akin na babalik ka, kahit lahat nang 'to ay kathang isip lang at ginawa lang pero sinisigurado ko na ang nararamdaman ko sayo ay totoo." saad nito.



Reincarnated as a Binibini Where stories live. Discover now