CHAPTER 3

44 4 5
                                    


LEON'S POV

Ako si Leon Shiro Takahashi, isa sa mga tatlo kaibigan namin NA GWAPO! Japanese ang pangalan ko at yung mukha ko naman ay may pagkahalong Chinese/Japanese/Filipino. I live in Tokyo pero nagmoved ako dito sa Surigao para mag aral attt makipagbonding sa dalawa kong kaibigan! Dats all my intradaksyon NYEHEHE!

Naglalakad-lakad kami tatlo ng besfrends ko pagkatapos ng orientation namin kanina sa room with our maestro.

"So, saan tayo pupunta mga bros?" I asked my two bestfriends na wala sa kahalati kong gwapo. Matangkad kasi ako sa kanilang dalawa.

"Canteen, then doon tayo sa table with three chairs, wala namang nakaupo diyan." Sabi ng cute kong pandak na kaibigan na si Dark.

"Oh sige, ikaw na um-order para sa amin bro". Inutusan ko siya na umorder ng pagkain para sa amin tatlo at naglalakad kami dalawa ni Doggo para maghanap ng bakanteng lamesa at upuan.

"Okay." Bulong niya at naglalakad sa counter para mag order ng pagkain for our lunch, UMAY!

At ayun humanap kami ni Doggo kung saan kami umupo, lumingon kaming dalawa ni Doggo sa tatlong upuan with one big table and walk through it. Dalawamput-isa ang lamesa nila kung saan kaming mga estudyante uupo at kumakain ng mga lunch namin, pero dalawang grupo ng lamesa magkahiwalay kada grupo pero hindi naman malayo, sing lapit lang sa kagwapuhan ko. Ayun ay nakahanap kami ni Doggo ng bakante. Uupo na sana kami na may humarang na tatlong lalaki sa puwesto namin.

"Bakit inagaw niyo puwesto namin?" nagtatanong ani ang lalaki. Aba'y sino nagsabi sayo na puwesto niyo to? ehh mas una kami nakapwesto dito ah! Palibhasa naka ninja pa yung may panyo sa noo nila na parang mga lasing sa kanto kung saan saan tumatambay, naghahanap ng away!

"Dito kami umupo, may problema ba?" matapang na bulong ko sa kanya. Hindi ako aagwat sa galit galitan niyo dahil hindi kayo gwapo mga payatot lang kayo dalawa sa likod hehehe!

"Hindi mo ba nakikita na reserved namin ang upuan nato?" galit tinig sabi ng tabachoy. Nakita namin pre pero nakaupo kami oh! Suntukan nalang kaya tayo gamit ng kagwapuhan ko.

"Ehh kami ng nauna ehh, bakit nagagalit ka? sinubukan kong hindi ipahalata ang takot pero trinaydor ako ng kaba at emosyon ampota!

"Ang tapang mong magtanong sa akin ng ganyan ah?" tanong niya tsaka lumapit sa akin na hahanda siyang makipag-rambolan!

"Ehh nagagalit ka ehh, anong problema mo?"

"Hoy wag mokong tanungin ng ganyan! Mas gwapo pa ako sayo at sobrang payat ka lang!" yabang sabi niya sa akin. What did he SEEEYYYY???!!! MAS GWAPO SIYA SA SIYA SA AKIN?! ULOL ITAGA MO YAN SA ITIM NA BALAT SA MUKHA MO TABACHOYY!

"Ang yabang mo ah, kinausap kita ng maayos gumaganyan ka? Sino ka ba?" tinanong ko siya ng hindi aagwat! Sino ba siya??

"Ako si Oreo del Montorelle, ang anak ng tatay ko ang owner ng St.Paul University Surigao nato." yabang sabi niya. Del Monto?! ang yaman naman ng apelyido pero bakit ang itsura niya ay mukhang TOBLERONE na??!! Gago!

"Oreo? pagkain ba yan?" natatawang tanong ko sa kanya. May tao ba na nakapangalang OREO dito sa bansa?? Palibhasa mataba naman siya at dark choco ang balat niya, UMAY!!

"Ang yabang mo pagsabihan ako ng ganyan ah?" galit na tanong niya sa akin.

"E ikaw ang unang nagagalit sa akin eh-"

BANG!!!!!!

Tatapuwin ko sana sinabi ko ng sinuntok niya ang gwapo kong mukha! Napakalakas ang suntok niya nyawa (><) Napahawak ako sa pisngi ko kung nabasag ba sa lakas ng suntok ng tabachoy na yun, mukha namang Black Majin Buu! Sinira pa ang gwapo kong mukha!

"Dude!!" Lumapit sa akin si Doggo at binuhat niya ako. Tumayo naman ako habang hinawak sa pisngi ko kung saan ako sinuntok ng tabachoy!

"Lakas mong sumigaw sa akin ah?!" galit bulong ni Oreo ng hinablot niya ang T shirt ko habang tiningnan niya ako ng galit ng mata niya sa akin at maraming estudyanteng naghihiyawan at lumapit sa amin!

"Why did you do that?" Tinanong ni Doggo kay Oreo na may liit ng galit. Malambot kasi ang puso nitong si Doggo kaya ganyan siya magsalita.

"Oh bakit? Eh ang tapang niya magsabi sa akin ng ganyan! Wag kang tanga, gusto mo din masaktan gaya tong kaibigan mong payatot?!" Sinigawan niya ang bespren kong ng may halong lait ng sinabihan niya akong payatot! Ang yabang niya ah!

"Ehh upuan na namin yan bakit pa reserve reserve pa kayo?" tinanong ko siya ng may halong sarkastiko nang tinulak niya ako sa sahig! Pinagtawanan ako ng dalawang lalaki kasama niya sa likuran niya, mga gago to ah.

"Aba gago to ah? Sipain ko yang mukha ko!!" Sigaw niya sa akin nang akma na siyang sipain ako, gago!!

"Tumigil na kayo."

Akma na sana niya akong sipain ng dumating si Dark sa gawi namin! Inilagay niya ang tray ng pagkain atsaka blankong  tumingin kay Oreo at sa dalawang kasama niya. Hindi nila inaasahang dumating yung bespren namin na pandak na nakatingin parin sa kanila. Pakiramdam ko ay may halong pag-asa ako kasi dumating siya para tumigil si Oreo sa pag akmang niyang sipain ako. Maraming estudyante nakatingin sa gawi namin at nagsilapitan yung iba, nakakahiya shyet umayy!!

"Sino ka?!" tanong ni Oreo sa kanya ng tiningnan parin siya ni Dark ng blangkong expresyon. Si bespren ko yan gago, wala kang tyansa diyan gudlock haha!

"My name is not your concern. What did you to my bestfriend?" tanong niya sa akin na may tono na tatakutin niya yung tabachoy, lumingon sa tabachoy na yun pero may galit siya sa mukha pero halatang hindi niya inaasahan yun sa narinig niya!

Ngayon lang ako nakarinig ng ganitong salita mula sa bibig ng bespren ko na may halong takot at galit kapag nakita niyang may ginawa yung tabachoy na yun sa akin. Wala sa buhay ko ng nakita ko siyang ganito sa ibang tao, kasi kapag nagalit siya ay magagalit siya pero hayaan niya lang at patawarin pero ito parang iba ang trato niya sa tabachoy na yun, nakakapanibago. Namamangha ako, wohh!

Palibhasa wala namang silang alam na malakas tong bespren ko, hindi pa talaga pinapakitaan ng takot at emosyon na sobrang galit gaya ng ibang GEN Z o Normies, eesh! I can say he is different from people in this world, SHEESH!

The END Season 1 (On-going)Where stories live. Discover now