Chapter 1:

14.7K 347 99
                                    

"Akemi! Oy! Hintayin mo kami!" Inismid ko nalang muna ang mga sigaw ni Akane sa akin. Alam kong hinahabol nila akong lima pero kailangan kong mahabol yung shinigami.

Takbo lang ako ng takbo. Hindi ko pinapansin ang mga nakakasalubong kong humdrums. Iisipin lang siguro nila naghahabulan kami nina Akane.

Wala ito sa missions namin pero aksidenteng nakasaksi kaming anim ng labanan ng Custos Agent at Shinigami. Kasing tandaan lang nina Mama at Papa yung shinigami. Kaso lang, nang matapos yung laban, nahuli kami nung shinigami kaya sinugod niya kami at nadaplisan si Riye sa binti niya.

Hindi man big deal dahil pinipigilan nila ako pero parang may part sa sarili ko na gusto kong malaman kung sino ang shinigami na iyon. Hindi ko na siya pagbabayarin sa ginawa niya kay Riye kung aksudente lang yon pero, isa lang ang pumasok sa isip ko nang makita ko siya: may alam siya tungkol sa totoo kong nanay.

Pansamantala niyang ginagamit ang black dimension para makatakas at hindi ko makita. Tsk. Hindi niya ba alam na delikado yon? Maraming humdrum ang pwedeng maghinala sakaniya. Tsk.

Napalingon ako sa likuran ko habang tumatakbo. Nandoon pa rin silang lima at hinahabol pa rin ako.

"Akemi! Hintayin mo sabi kami e! Hiro, patigilin mo naman muna yung labidabs mo!" Sigaw ni Akane sa akin habang tumatakbo kami. Napalingon ulit ako sakanila at natawa nalang ako nang makita kong sinamaan ng tingin ni Hiro si Akane.

"Sabi ko nga habulin nalang natin si Akemi." Rinig ko pang sabi ni Akane kaya medyo napatawa pa ako.

Tumakbo nalang ako ng tumakbo as long as nararamdaman ko ang pagbukas sara ng black dimension.

Nagtago muna ako sa isang eskinitang walang tao.

Baka ngayon naman magagawa ko nang gamitin yung black dimension, diba?

Ipinikit ko ang aking mga mata at saka inisip ko ang isang madilim at walang kakulay-kulay na lugar.

Nang imulat ko ang mga mata ko, may portion ng black dimension akong nakita. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at pumasok na ako.

Katulad nung unang napadpad ako dito, naramdaman ko na naman yung burning sensation pero this time mas nabawasan na yon. Pero, medyo nanghihina pa rin ako.

Hindi ko nalang ininda iyon at tumakbo ako dere-deretso sa black dimension. Maya-maya pa, may naramdaman akong presence na kasama ko dito sa loob. Mas binilisan ko ang takbo ko hanggang sa makita ko yung shinigami na naka-encounter namin kanina.

Tumigil ako sa pagtakbo.

"Hey! Stop!" Sigaw ko sakaniya.

Tumigil siya at umikot siya para makita ako.

Na-estatwa ako sa kinatatayuan ko nang magtama ang mga mata namin. Tinignan niya ako ng matalim ang somewhat.... cold.

Nagulat ako at mas lalong nanigas sa kinatatayuan nang maglakad siya palapit sa akin.

"Bakit?" Tanong niya sa akin.

"A-Ah. S-Shinigami ka, d-diba?" Nauutal na tanong ko. Tsk.

"Isn't that obvious?" Sobrang manly ng boses niya pero nakakatakot. Nagtatayuan ang mga balahibo ko.

Sasagot na sana ako pero naunahan niya ako.

"Wait," Sabi niya. "Namumukhaan kita." Pinag-aralan at tinitigan niyang mabuti ang mukha ko.

"P-Po?"

Tinititigan niya lang ako. Pero, after a few seconds, napansin kong lumungkot ang facial expression niya. Yung tipong nawala lahat ng dark and evil auras niya at napalitan ng lungkot at pagkasawi. Napayuko siya pagkatapos.

"B-Bakit po?" Tanong ko.

Napatunghay siya at tinitigan ako ng mata sa mata.

"Wala. Naalala ko lang sa'yo yung matalik kong kaibigan." Malungkot na sagot niya.

"Eh, nasaan na po ba siya?"

This time, mas lalong lumungkot ang expression niya at napatitig na lang sakin. He even got teary-eyed.

"Okay lang po kahit wag niyo na pong sagutin. Sorry po." Mahinahong sabi ko sakaniya.

Tumalikod na ako at akmang aalis na nang marinig ko siyang magsalita.

"Sadly, she passed away fifteen years ago. Pero yung sakit dama ko pa rin." Napalingon agad ako sakaniya at nagulat ako sa nakita ko.

This was the first time that I saw a shinigami cried.

***

The Atama EffectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon